After that whole singing and eating, mom was beyond enthusiastic to have earned more than the expected outcome of money that day. Twice ng daily earnings kasi nung nakuha namin mula sa efforts nina Asrow at Shaira no'n. Lubhang gumaan yung pakiramdam at loob ni mama nang dahil doon. She was beyond thankful for them.
Simula din nung araw na 'yon, palagi kaming sinasamaan ng tingin nung tindera sa kabilang carinderia. Sus, napaka-inggitera ng ate gurl niyo. She's the one who made us her enemies so it's her loss.
Around that week, almost all of us are busy studying for our exams again. Shaira and I would usually hang out at the library and study together. Hindi ako makapokus sa pag-aaral ko minsan kasi hirap din si Shaira mag-aral o magmemorize ng mga terms, etc. Kunwari, may isang lesson na akong tapos but she's still behind two lessons at sa isang oras naming pag-aaral, halos pagtuturo sa kanya ang nagagawa ko, pero okay lang sa'kin, kasi si Shaira 'to eh, kaibigan ko 'to.
"Uy girl, pa'no ba 'to?" Shaira asked as she handed me a Mathematics question, that wasn't from any of our lessons.
Kinunutan ko siya ng noo. " 'Teh, iba ata inaaral mo ah."
"Ay hehe, nung isang araw kasi sabi sa'kin ni Castriel, hindi siya mag-aaral ng isang araw 'pag nasagot ko 'to 'tas pwede akong tumambay sa bahay nila." Nakangiting saad nito.
"You'd sacrifice his one day worth of studying just so he could hang out with you?"
She smiled bitterly. "H-Hoy, ang panget namang pakinggan niyan! 'De, halos araw-araw na kasi siyang nag-aaral ng walang pahinga... So, I just want him to rest with me, kahit isang araw lang naman..."
"Sus, mang-tsatsansing ka lang." I scoffed.
"L-Luh! Ulol! Porke't ikaw, araw-araw mong nakikita crush mo!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong crush!" I denied back.
"Meron kaya! 'Kala mo naman matatago mo sa'kin eh ultimate, everlasting, utmost, optimum, apex, acme, zenith, cutest best friend mo kaya ako!" She said sooo many irrelevant words that I almost forgot my own name while listening to her.
"Magbasa ka na nga lang diyan! Mamaya na 'yang landian eklabush!"
Sakto, nasita ako nung masungit na librarian namin dahil sa singhal ko. Her eyes went as wide as an owl's and her teeth gritted as she glared down at me. Napaka-strict at sungit ng babaeng ito, parang hindi dumaan sa pagkabata eh.
"Ayan, 'buti nga sayo." Inirapan ako ng magaling 'kong kaibigan at nagkunwaring nagbabasa, eh baliktad yung librong hawak niya.
"Boba," Pabulong ''kong sinigaw sa kanya bago ko siya pinitik sa noo.
Pagkatapos ko siyang turuan ng husto, kumain kami saglit ng mga street foods sa labas. Dapat nga mag-MMcDo pa 'tong kaibigan ko pero ako yung nagpumilit sa kanya na street foods nalang kasi masarap naman 'to, lalo na yung kwek kwek 'tas kikiam ugh.
BINABASA MO ANG
A Cyclist's Diamond [Cyclist Series 1]
RomanceEngineers are great. Lawyers are fantastic. Architects are wonderful. Doctors are extraordinary. Accountants are astonishing. But have you ever thought about cyclists? They're one of a kind. ➽───────────────❥ Cally has never been known at school but...