Chapter 5 : Joshua(Flashback)

29 4 0
                                    


Joshua Point of View

"Dad, Why so fast? i don't want dad. I won't go home to the philipines" sabi ko ng kausap si dad sa cellphone. Binaba ko na ito atsaka inis na binagsak sa kama.

"What did your daddy say. My loves" sabi ni Keishyn habang nakahiga sa kama habang panti at bra lang ang suot.

Umupo ako sa tabi niya habang ang mga kamay naman niya ay naglalakbay sa katawan ko.

"Umuwi daw ako sa pilipinas bukas, I don't want to go home but dad says my bank card will revoked if i don't go home tomorrow."

"Just don't follow your dad, You're just here beside me. I'll take care of you" sabi nito at agad akong hinalikan sa labi " Bibigyan kita ng pera hangga't gusto mo basta pangako mo na wag mo akong iiwan dito" hahalikan na sana ulit ako nito pero lumayo ako sa kanya.

"Kie ! Daddy ko iyon at ayokong magalit siya sa akin kapag hindi ko ginawa ang gusto niya. Atsaka isa pa ayokong mahirapan ka nang dahil sa akin."

"No. I am glad you're with me and i'll give you everything you want. Basta't wag mo lang akong iiwan" pagmamakaawa nito.

Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

"I love you, But i have to do it. So don't get angry okay" sabi ko sa kanya para payagan na niya ako.

5 years na akong nandito sa paris at dito ko na rin pinagpatuloy ang pagaaral ko. Dito na ako tumira mula noong pinalayas ako ni dad sa bahay. Maraming away na akong napasukan sa school noon sa pilipinas, Palagi rin akong umiinom at minsan nanakit na lang na walang dahilan. Aaminin ko na naging masama akong tao pero nagagawa ko lang lahat yun because of my dad.

Pinapabalik niya ako nang pilipinas ngayon dahil ako na daw ang susunod na magiging tagapagmana niya sa kompanya at hindi ang isa pa niyang anak. My older brother doesn't want to, dahil ang pangarap niya ay maging isang magaling na  architect balang araw at ngayon ay natupad niya na. Samantalang ako ay kailangan kung isakripisyo ang pangarap ko na maging isang singer para lang masunod ang gusto ni dad para sa akin.

"Ok fine.But promise me that you always call me and you will always update me on everythinhg you do. You promise my loves?" sabi ng 2 years ko ng gf.

"I promise." sabi ko dito para payagan na ako.

Si kieshyn ang palaging nandyan sa tabi ko. Mayaman ang pamilya niya at isa siyang artista  dito sa paris. Hindi din namin ipinapaalam ang relasyon namin dahil ako ang may ayaw. Marami akong dahilan kung bakit ayaw ko, Kaya minsan pinipilit niya ako na sabihin na ang relasyon namin sa media. Hindi alam iyon nila dad kaya ayoko rin na ipaalam pa dahil magagalit iyon sa akin.

Nakaimpake na ang mga damit ko sa maleta. At ngayon na ang araw na babalik na ako ng pilipinas. Nakakainis nga lang dahil tumawag si dad sa akin at sinabi na hindi ako sa bahay didiretso kundi sa babaeng sinasabi nito. I keep asking my dad, "Why i have to go with woman he says". Pero paulit - ulit niyang sinasagot na hindi ko na daw kailangang alamin pa dahil ang babaeng iyon ang magtuturo sa akin kung paano maging isang tagapagmana ng kompanya.

After 16 hours and 30 minutes ay nakarating na ako sa airport ng manila. Hindi muna ako pumunta sa lugar kung saan ako inaantay ng mga tauhan ni dad. Inikot ko muna na ang kalooban ng airport at nagcr para maghugas ng kamay. Kakalabas ko lang ng Cr. nang may makabangga akong babae.

Pareho kaming napatumba at nasa ikababawan ko siya ngayon. Ilang minuto na rin siguro ang lumipad ng mapansin niya kung ano ang nangyayari, Agad itong tumayo ganon din ako pero natumba ito kaya agad kong sinalo ito. Hindi ko magawang hindi mainis sa babaeng iyon dahil nagpapansin siya sa akin. Alam na alam ko na ang mga galawan nila dahil nung nasa bar ako ng paris pare parehas ang ginagawa nila para mapansin sila.

Pagkatapos kung sabihin sa kanya ang ginagawa niya ay agad ko itong binagsak sa sahig. Wala na akong pakielam kung nasaktan ito pero hindi niya ako mauuto dahil isa lang siyang mababang uring tao.

Pumunta na ako sa tauhan niya at mukhang may inaantay pa ito kaya hinayaan ko na lang.After ilang minutes na paghihintay niya ay tinawag niya ako dahil nasa likod ko na ang babae na sinasabi ni dad.

Pero hindi na ako nagulat kung siya ang babaeng iyon dahil wala namang dapat ikagulat sa kanya.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila ay agad akong nainis dahil ganitong bahay ako titira. At mukhang hindi ko matitiis ang lugar na ito at ang ganitong buhay.

Pero ng dahil sa walang choice at sa pagsigaw nito sa akin ay pumasok na rin ako. Wala na rin naman akong mapapala dahil lahat ng sinsabi ko ay may nasasabi rin siya.

'Hindi ko lang talaga alam kung anong meron ang babaeng ito at bakit niya pinili na dito ako sumama. At bakit siya ang nakakaalam kung paano maging isang mabuting mamumuno, eh wala nga yang kahit na anong yaman sa mundong ito'

Nagalit ako dahil sa pangiinis at sinasabi nito nung araw na tinuro niya sa akin ang kwarto ko at hindi ko lanag talaga matiis ang ganitong buhay. Pagkatapos kung palabasin ang babaeng iyon sa kwartong iyon ay nagring naman ang phone ko, sinagot ko ang tawag ng makita ko na si kieshyn ang tumatawag.

"Hi my loves" masayang sabi nito.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita.

"Kumusta ka na dyaan?" tanging nitanong ko.

"I'm fine naman my loves. Ikaw okay ka lang ba? Wala bang nagyayari dyaan paguwi mo?"

"Wala naman kie. O sige na baba ko na ito dahil nagugutom na ako"

"Okay. Eat well"

Pinatay ko na ang tawag at hinagis sa kama. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko para bumaba dahil nagugutom na ako. Pero tumambad sa akin ang monster na babaeng ito. Halatang nagulat ito ng makita ako pero tinarayan ko lang siya dahil wala na akong panahon pa para makipagsamaan na naman sa kanya.

Laking inis ko nang makita ang pagkain na itlog lang ulam. Hindi ko alam kung anong luto ang ginawa niya pero naiinis ako dahil hindi man lang ako makakain ng masarap gaya ng kinakain namin ni kieshyn sa paris.

Tinanong ako nito kung anong gusto ko pero hindi niya na ako pinasagot at may kinuha sa kusina. Bumalik naman ito na may dalang cake at may nakalagay na welcome back.

'Pinaghandaan ba talaga ng babaeng ito ang pagdating ko at talagang nilagyan pa ng welcome back'.

Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya at tinikman ko ang cake. Alam kong ginawa niya iyon dahil halata naman pero tinanong ko pa rin siya kung saan niya iyon nabili pero puro wala lang.

Sumubo muna ako ng napakalaking cake sa bibig ko at pinakinggan ang sasabihan niya. Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya na siya ang mismo ang gumawa dahil binugahan ko na ito ng cake galing sa bibig ko.

Alam kong nainis iyon sa ginawa ko pero wala akong pakielam, Naiinis ako sa kanya at lalong nagagalit kapag nakikita ko ang pagmumukha niya. Kaya ginantihan ko siya sa pamamagitan ng pagdura sa kanya ng cake.

Pagkatapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ako muli pang bumaba. Ayokong marinig ang boses niya na nanggigiit sa galit. At mas binabuti ko na lang na manatili ako sa loob kakalaro ng paborito kong Mobile legends.

Hindi pa rin ako makatulog ng maayos ng magaalas nuwebe na ng gabi. Dahil hindi pa rin ako sanay sa kwartong ito ganon din sa buong bahay na ito.

-------------------------------------------------------

./resabel0810

LIVING IN HOUSE WITH MR.ARROGANTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin