Prologue

33 0 0
                                    

"Hindi naman sa gusto kita. Kailangan ko lang talaga ng maihaharap kay mama para tigilan na niya ang pagkukulong sa kwarto niya."

Napakunot ng noo ang babaeng kaharap ni Yanjeol at pumiglas mula sa pagkakapit ng kamay sa braso niya.

Hindi niya naman kasi kilala ang lalaking nasa harapan niya na bigla nalang siyang tinulungan sa pagtakas kanina sa nag-iisang Jayo Avelino.

"Anong pinagsasabi mo?? May gusto ka ba sakin kaya mo ako hinila at dinala rito?"

Narinig na nila ang mga yabag ng paa na tumatakbo na paparating sa kinaroroonan nila kaya wala nang nagawa si Amica kundi ang tumago sa likod ng mga halamanan kasama ang lalaking nanghila sa kanya kanina.

"Sigurado ka bang dito sila pumunta?"

"Oo nga. Bakit ba kasi nagpakita ka kaagad eh hindi pa ako nakasignal na lumabas ka na?"

"Anong problema dun? Hindi ko matiis na magtagal pa sa kahon."

"Kahit na! Sayang naman yung pulido kong plano oh~ Jayo naman!"

Nakasilip mula sa mga dahon ang mga mata ni Amica na naniniguradong nakaalis na si Jayo at ang kaibigan nito.

Saka niya pa naalala ang kasama niyang nagtatago na nakasilip rin sa mga dahon.

Lumabas sa pinagtataguan si Amica pero natigil siya sa paglalakad nang hawakang muli ang braso niya.

"Sandali lang... May sasabihin pa ako..."

Diretso ang tingin ng lalaki at mukha itong seryoso sa pananalita.

"Tutulungan kitang hindi maikasal kay Jayo Avelino. Kung tutulungan mo rin ako sa mama ko..."

Hindi pa rin siya bumitaw at mas humigpit ang kapit kay Amica.

Napaatras rin ito at bigla nalang lumuhod hawak ang palad ni Amica.

"Piliin mo ako~"

Ang malinaw na sambit ng lalaki kasunod ng halik sa kamay ni Amica.

"Amica Rebuela...."

At dito nagsimula ang bagong yugto ng kwentong pag-ibig ng dalawa kasabay ng pagsuot ng kwintas sa leeg ni Amica na inihanda ng binata.

Nakatulala pa rin si Amica habang isinuot sa kanya ang kwintas at hindi niya nagawang tumingin sa kanya ni kumibo man.

"Sa tuwing gagambalahin ka pa niya, ipaalala mo lang na meron ka nang ako. At hindi ka niya pwedeng pilitin kung ayaw mo. Nagmamahal, Yanjeol Amorsolo."

Ang mahinang bulong na ito ang sinundan ng pagdampi ng mga labi ng dalawa kasabay ng paglipad ng mga ibon sa himpapawid.

-/-/-/-

My Not So Perfect Love Partner Where stories live. Discover now