Chap 3

16 0 0
                                    


|Amica|

Kaaga-aga may kumakatok sa apartment na tinitirhan ko kaya naputol ang mahimbing kong tulog.

Napapunas ako ng laway sa pisngi bago bumangon na nakabusangot sa inis. Lumalakas na kasi yung katok na para bang nambubulabog eh kaaga-aga pa naman.

"Sino ba yan?! Eto na papunta na!"

Hinagod ko ang buhok ko palikod bago binuksan ang pinto.

Ang tumambad sa akin ay ang mukha ng may-ari ng apartment na parang mabangis na hayop na gusto na akong dakmalin sa pagkakatitig niya sa akin.

Saka ko lang naalala na ngayon nga pala ang deadline ng usapan namin tungkol sa bayad sa renta at hindi ako nakakibo dahil wala pa akong pambayad.

"Oh, ano na Miss Rebuela?? Asan na ang bayad mo sa renta ngayong buwan at noong nakaraang dalawang buwan na nakalipas?? Sabi mo magbabayad ka ngayon kung hindi ay aalis ka na dito at nang mapakinabangan ko naman sa iba na MAKAKABAYAD at hindi puro pangako lang~"

Matamlay akong napasandal sa may pinto at hinilot ang braso.

"Ma'am naman. Baka pwedeng isang linggo pa~ Natanggal po kasi ako sa pinagtatrabahuhan ko eh..."

"Anong natanggal?! Wala akong pakialam. Magbayad ka o paaalisin na talaga kita~"

"Saglit ma'am. Please naman po."

"Wala kang pambayad?" Tinitigan niya pa ako at ako naman syempre nagpaawa looks pero hindi umipekto kay madam at pinasok ang loob saka niya tinawag yung mga lalaki na nasa likod niya lang kanina.

"Oyy! Ano ba? Ma'am bigyan niyo pa ako ng palugit!"

"Nauubos ang palugit at pasenya, iha~! Oh, ano pang hinihintay niyo? Ilabas niyo na ang mga gamit at nang malinisan na natin ito~"

"Wait!  Wait! Sandali! Saglit!"

...............

Ayun wala akong nagawa...

Inilabas na nila ang mga gamit ko nang sapilitan at karamihan pa ay nasira at nabasag kasi nga pingtatapon lang nila.

Ako- nakatayo lang sa labas at pinanood sila sa ginawa nilang yun.

Hindi ko na rin kinayang lumaban pa kasi ang haba narin talaga ng palugit na ibinigay sa akin pero wala eh. Hindi sapat ang kinikita ko tapos natanggal pa ako. 

"Wala na akong pakialam sa mga gamit mo na yan ha~ Basta kung hindi mo yan madadala at maiaalis bukas ay ipapahakot ko nayan para ipadala sa dump site.. Kaya gawin mo ang dapat mong gawin, tse~ Oh, ano, okay na ba yan?? Aalis na ako.."

Ts~ Kung hindi lang talaga malaki ang utang ko sa renta~

Plus itong nakakainis na may-ari...

Bat ba kasi ang unfair ng lipunan na ito?? Wala talaga akong maasahan kundi ang sarili ko...

"Ks~!"

Ahhhh!! San na ako pupunta ngayon?!

Ibinaling ko ang naiiyak kong tingin sa mga gamit na nakatambak sa may labas ng apartment.

Kinuha ko nalang ang mga gamit pang eskwela ko at sumilong sa may entrance ng tinutuluyan ko dahil bumuhos na ang ulan.

Hindi ko na nagawang isilong lahat kasi nataranta na rin ako.

Kinagabihan narating ko ang junkshop at pinakuha ang mga gamit ko na nakatambak sa labas ng apartment.

Hindi naman karamihan ang mga gamit ko. Sakto lang pero hindi ko na rin mapapakinabangan pa.

After sa junkshop, mga alas-10 na ng gabi, naglalakad pa rin ako sa kalsada.

Napadaan pa ako sa 7/11 pero pinigilan ko na ang sarili ko na bumili. Kailangan kong tipirin itong natitirang pera sa akin.

Ang hirap talaga~ Ang hirap ipanganak sa pamilya na simula't simula palang ay hindi na tama. Ni hindi pa nga ako naipapanganak ay sira na~

Kaya eto~ Ako ang naghihirap at dumaranas ng mga resulta ng problema ng mga magulang ko...

Umiyak ako...

Sa may tabing kalsada...

Habang dumadaan ang mga magagarang sasakyan...

Sa ilalim ng liwanag ng buwan...

Nanghihina...

Nagugutom...

Nawawalan na ng pag-asa...

Sa sandaling papalapit na ako sa tulay, alam kong may makakasalubong na akong isang lasing na lalaki pero nawalan na ako ng malay bago pa siya tuluyang nakalapit sa akin.

-/-/-/-

My Not So Perfect Love Partner Where stories live. Discover now