19

8 2 0
                                    

and it began.

***

I cried and cried until I fell asleep. Hindi ko na din alam na magu-umaga na akong nakatulog kaya heto, alas-3 na ng hapon na ng magising. I didn't know na it will affect me this much. 



Mugto ang mata ko pagbaba ko papunta sa kusina na ikinataka ni Mama. Sinundan niya ako ng tingin pero ipinagsa-walang bahala ko nalang ito. She continue staring at me kahit na noong nakaupo na ko after I make coffee.



"Nag-away kayo no?" saad niya.



Napatingin ako sakaniya dahil sa sinabi niya. My eyes are starting to watered again and she noticed that. Lumapit siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Pinatong ko ang aking ulo sa balikat niya at humagulgol.



Nanatili lang siya sa tabi ko hanggang sa tumahan ako. Humiwalay siya sa akin at kinuhaan ako ng tissue. Nakatitig siya sa akin ng punasan ko ang mga luha sa aking pisngi.



"Misunderstanding lang Ma" saad ko.



"Pwede mo namang ikwento sa akin anak?" aniya. "Para naman kahit papaano, mabawasan yung nakadagan sayo"



Napabuntong-hininga ako bago nagsalita. "Lumabas po kami kahapon diba? Hindi ko po alam na inaya nila si Ryse, kaibigan din po kasi ni Kristoff yon at pinsan ni Aureole. Nakita ni Ac yung picture po naming apat na magkaabayan."



"For me, Friendly akbay lang naman yun Ma e. Hindi naman yun dapat ini-issue pa e kaso si Ac. Nakita niya yung picture." huminto ako at pilit binubuo ang boses. "Sabi niya sa akin na umalis lang daw po siya, lumandi na agad ako."



Bumakas ang galit sa mata ni Mama. Hinaplos ko ang braso niya at pilit na pinapakalma siya. Ngumiti ako sakaniya ng parang walang problema.



"Namis-interpret niya yung picture Ma. Aayusin ko na po mamaya." ani ko sabay tayo. Hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin.



"Hindi marunong magsinungaling ang mga mata." bulong niya pero hindi ko pinansin yon.



Hinatid ko si Mama sa Hospital. Sinabi ko kay Mama na wag ng sabihin kay Papa dahil baka mas lumala lang yung sitwasyon. Inaya ako ni Aureole na magcoffee shop daw muna para mafreshen up kami.



They noticed that I'm a little off today kaya hindi nila ako binibiro ngayon. While I'm sipping on my coffee, napansin kong muntik ng maibuga ni Aureole ang kapeng iniinom niya. Nagpalipat-lipat ang mata niya sa akin at sa cellphone niya.

One Of The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon