23

10 2 0
                                    

errors/typos ahead

                                                                                               ***


"Saan ba kasi tayo pupunta? Baka hindi match yung suot ko ha" saad ko pagkapasok ko sa kotse niya.



"Di yan."aniya. "Maganda ka naman kahit anong suot mo" bulong niya. Hindi ko nalang siya pinansin.



Nanatili akong tahimik hanggang sa muntikan pa akong makatulog sa tagal ng byahe. I heard him chuckled habang iniiwan ang tingin sa akin



"Andito na tayo antukin" saad niya sa pilyang tono. Hindi ko na napigilan ang sarili kaya mabilis ko siyang hinampas. Agad naman siyang napa 'aw' pero parang tuwang tuwa padin siyang inisin ako.



"Retiro Park ang tawag dito. Nalama ko lang kasi na mahilig ka sa mga ganitong lugar." ani niya sa likod ko."



Tumango ako sa sinabi niya at hindi maalis ang ngiti sa aking labi. "Pwede bang mamangka diyan?" tanong ko.



Nagkibit balikat siya at nilapitan ang lalakeng nasa tabi ng lake. Paniguradong nagtatanong ito kung pwede nga bang mamangka.



"Esme!" Lumingon ako sakaniya at nagtaas ng kilay. "Pwede daw" sigaw niya pa. Binigyan ko siya ng nakakadiring tingin bago sumunod.



Agad akong lumapit sakaniya at inalalayan akong humakbang sa nirentahan niyang bangka. Labis akong natuwa sa hangin at linaw ng lawa na kayang kayang makita ang sarili mong repleksiyon.



"Tawagin mo na ko sa lahat ng pwedeng ipangtawag, wag lang Esme parang awa" nagmamakaawang ani ko.



"So pwedeng darling?" pilyang ani niya. Hindi na ako sumagot dahil naalala ko na naman siya.



Nagtagal kami sa Retiro park nang mahigit dalawang oras. Inaya niya pa kasi akong pumunta sa loob ng Reina Sofia Museum. Puro exhibit ang mga nakalagay doon na siyang nakapag pasaya sa akin.



Sunod naming pinuntahan ang Plaza Mayor na tinatawag nilang Heart of Madrid. We both decided na dito na kumain dahil halos ng nakikita namin ay puro restaurants.



I let him ordered for me dahil mas may alam siya sa pagkain dito.



"Paano mo nalaman na pupunta kami dito?"tanong ko habang inaayos ang lamesa mga kutsara at tinidor sa lamesa.

One Of The StarsWhere stories live. Discover now