Chapter 26

9.9K 179 7
                                    

Nagising ako nang mahigpit parin ang yakap ni Havoc sa akin. Kahit masakit sa parte kong hindi i-brought up yung topic na nangyari kahapon ay hindi parin ayos iyon.

Ano nalang ang gagawin niya? Itatago niya sa'kin na nabuntis niya si Verron? Magpapanggap siyang parang walang nangyari kahapon?

Mabilis kong inalis ang kaniyang braso sa pagkakayakap sa akin. Tumayo ako at bahagyang napapikit nang makaramdam ako ng gutom.

Tinignan ko iyong hapag, kinuha ko yung pagkain doon na hindi manlang nagalaw tsaka ininit pagtapos ay mabilis akong kumain at naligo para sa pagpasok.

Nagsuot ako ng red long sleeve pencil cut skirt dress tsaka tinernohan ko ng three inches gray stelitto. Inilugay ko ang aking kulot na buhok tsaka naglagay ng kaunting red lipstick.

Friday ngayon, at last day ng program sa school. Ako ang napiling maging emcee for beauty pageant kaya ganito ang suot ko. Alangan naman mag jeans ako at t-shirt na gaya ng laging iniuutos ni Havoc? Tsk.

Napangiti ako nang matapos ang aking pag-aayos. Siguro ay may lahi ako. Hindi kasi ako mukhang pure Pilipina. Sino kaya sa magulang ko ang forienger? Napailing ako. Kung ano-ano nalang ang iniisip ko.

Mabilis kong kinuha ang aking susi sa drawer na matagal ng na-stock doon. Lumabas ako sa condo ng hindi ko nililingon si Havoc na tulog pa.

Naninikip kasi ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya. Kaya imbis na masaktan ay iiwas nalang ako. Siya lang naman ang hinihintay kong magpaliwanag pero mukhang wala lang iyon sa kaniya.

Third Person Point of View.

Nagmulat si Havoc Lance ng hindi niya makapa si Serene sa kaniyang tabi. Napabalikwas siya tsaka mabilis na naglakad sa silid nito. Bigla ay binundol ng kaba ang puso niya ng makita niyang wala ito doon.

Mabilis niyang tinignan ang closet nito, nakahinga siya ng makitang wala namang bawas na damit doon.

Napahilamos si Havoc sa kaniyang mukha. Kinuha niya ang selpon tsaka tinignan ang tracking device na inilagay niya sa kotse ni Serene. At ang GPS nito sa cellphone ng asawa. Napahinga siya ng maluwag ng makitang nasa Azet ito.

Napangiti siya ng makita ang kanin at ulam na inihanda ni Serene sa kaniya. Kinain niya iyon tsaka mabilis nang naggayak.

Halatang iniwan siya ni Serene ngayong umaga. Nagtampo yata ang asawa dahil madaling araw na siyang nakauwi. Tumawag kasi ang kaniyang Ina at sinabing nasa hospital ang daddy niya.

Pagkatapos ihatid si Verron sa clinic ay mabilis niyang binalikan si Serene sa gymnisium pero hindi na niya ito nakita. Kahit mabigat sa loob ay umalis na siya dahil kailangan siya ng kaniyang mommy para hindi ito mag histerya.

Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya. Hanggang sa tinawagan niya si Waytt at nabanggit nga nito na nagpahatid ang asawa niya sa nobya ni Waytt pauwi sa condo nila.

Mabilis na pinaandar ni Havoc ang kaniyang sasakyan papunta sa Azet. Alas diyes na ng umaga pero wala namang klase ngayon kaya ayos lamang kahit late na siya. Optional naman ang pagpasok, pero dahil teacher ang asawa niya sa Azet ay kailangan niyang pumasok para bakuran ito.

Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot ng school tsaka lumabas na. Bumungad sa kaniya ang nagkalat na mga studyante sa paligid. Sa soccer field, sa bench at sa hallway.

Naghihiyawan ang mga studyante sa quadrangle dahil sa palimpalak na ginaganap.

Lumapit si Havoc nang mahagip niya ang pamilyar na mukha sa stage. Nakangiti ito habang nagsasalita.

Siya naman ay napangiti nang makita nito ang maganda niyang mukha, pero napalis din iyon nang makita ni Havoc ang kabuuan ni Serene. Napalatak siya ng mura.

Nakasuot ito ng long sleeve red dress na hapit na hapit dito. Dang it! Dinaig pa nito ang mga contestant sa postura at ganda nito.

Labis ang pag-arko ng kilay ni Havoc nang makarinig siya ng mga salitang hindi kaaya-aya sa tainga niya.

"Sh.t pare, ang ganda talaga ni Ms. Galvez, parang ang sarap jowain" lumingon siya sa mga binatilyong nagkukumpulan sa gilid niya habang pinagmamasdan ang kaniyang asawa. Nakalarawan sa mata ng mga ito ang labis na paghanga kay Serene.

"Yes, and I like her. Balita ko ay single pa 'yan si ma'am at batang-bata. Tignan mo naman ang katawang pare, parang pang Victoria Secret!" napapalatak na sabi ng isa pang lalake.

Pakiramdam ni Havoc ay nasusunog ang mukha niya dahil sa galit. Nangangati ang kamao niyang sumuntok ng makapal na mukha.

Mabilis silang umakyat sa stage. Nagsibuwagan naman ang mga studyanteng nakikipag picture kay Amanda at Serene dahil sa paglapit nila.

Pasimple siyang lumapit sa likod ng asawa at bumulong.

Serene's POV

Pinakiramdaman ko si Havoc sa aking likod. Parang nanginginig ang aking kalamnan dahil sa sama ng tingin nito sa akin kanina.

Alam kong nanonood siya kanina palang dahil nahagip ng mata ko ang gwapo niyang mukha sa gilid ng quadrangle kung nasaan ang mga studyanteng nanonood.

"You're sexy as f*ck Mrs. Fajardo" natuod ako sa bulong nito sa aking tainga. Pilit akong ngumingiti kay Sir Jerome na kausap ko.

Alam kong galit siya pero malinaw pa sa sikat ng araw na wala akong ginagawang masama.

Kakatwa, siya pa itong galit samantalang siya naman itong malaki ang kasalanan.

"Congratulation Amanda" lumapit ako kay Amanda para yakapin ito. Napakaganda niya at napakatalino. Natutuwa ako sa sagot nito patungkol sa pag-ibig.

Kung hindi ko kilala si Amanda ay iisipin kong maganda ang relasyong mayro'n siya. Pero alam ko namang hindi kasi hindi naman sila ayos ni Xane.

"Ang galing mo gurl, taray ng sagot mo. Inlove ka naba ulit?" napailing ako sa pagpaparinig na iyon ni Janine kay Xane.

"Haha sinagot na ata niya si kuya" gatong pa ni Emerald. Si Amanda naman ay pinanlakihan ng mata ang dalawa.

"Sus! 'likayo, kain tayo sa labas." biglang aya ni Janine.

"Sama ka ma'am Serene" ngisi ni Lena palihim ko siyang inirapan.

"Sige kayo nalang" pinanlakihan ko ng mata silang tatlo. Alam naman nilang nag-aya ang mga guro ng isang fomal dinner para sa maayos at magandang pagtatapos ng programs sa school.

"Naku.. May date ka 'no?"

"Janine!"

"Sige sige, kami nalang" nanatawa nitong sabi. Ako naman ay mabilis na nagyuko bilang pagpapaalam sa kanila.

Hindi ko na tinignan si Havoc Lance dahil alam kong masama ang tingin nito sa akin. Bahala siya diyan. Ni hindi manlang siya nagpaliwanag o kahit nanghingi manlang ng tawad.

Kahit alanganin ay inabot ko ang prisintang pag kamay ni Mr. Gonzalo para alalayan ako pababa.

Nginitian ko ito tsaka umusal ng mahinang pasalamat. Sabay kaming naglakad papunta sa principal's office.

"You look really good ma'am Serene" napatango ako sa sinabing iyon ng guro. Kanina pa niya sinasabing maganda ako.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now