Chapter 41

9.6K 175 2
                                    

Nagising ako dahil sa pagkauhaw. Nilibot ang ang aking paningin at tahimik na umusal ng pasalamat ng matanto kong nasa ospital pala ako.

Hindi ko maiwasang maluha dahil sa mga ala-alang agad na rumihistro sa utak ko. Ang pag-aya sa'kin ni Liam, ang pagkahilo ko sa kotse niya, at ang kababuyang ginawa niya sa'kin.

Napahikbi ako dahil sa sakit. Paanong nagawa iyon ni Liam sa'kin? Ni wala akong maalala na nagkasagutan kami. Ni kailan man ay hindi ko siya pinakitaan ng masama.

"Wife?" Napatingin ako kay Havoc na nagising dahil sa mga iyak ko. Agad na lumarawan ang pagaalala sa mukha nito. Yinakap ko ang aking sarili, ano nalang ang mukhang maihaharap ko sa kaniya?

Anong sasabihin ko? Papagalitan ba niya ako? Baka iniisip niya na sinuway ko na naman siya at pati ang anak namin ay ipinahamak ko pa--Ang anak ko!

"A-ang baby.." Hinaplos ko ang aking tiyan nang hindi ako makakuha ng iba pang salita liban sa naibigkas ko.

"Ang baby.. Ha-havoc.." Sunod-sunod na nagsipatakan ang aking mga luha sa isiping napahamak siya.

"Shhh.. It's okay, wife, our baby is okay. You two are okay now. Please, stop crying Serene" Lumapit ito sa akin pero mabilis akong umusod palayo sa kaniya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang sakit na lumatay sa kaniyang gwapong mukha. Ang mga mata nito ay nangungusap, nagmamakaawang magpahagkan ako sa kaniya.

Umiling ako ng paulit-ulit, nandidiri ako sa aking sarili. Halos maramdaman ko pa ang mga haplos ng demonyong iyon sa katawan ko.

"Baby.." Mahinang bulong ni Havoc habang nakaanyaya ang mga bisig nito na yakapin ako. Napayuko ako at tahimik na humikbi.

"It's okay baby.. It's okay.. Please give me a hug.. I need a hug, come here Serene.." tumingin akong muli sa kaniya. Rinig na rinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya. Ang sakit. Ang pagkabasag niyon. Muling pumatak ang aking mga luha, patawad mahal ko.

"Ha-havoc.." Mabilis ko siyang sinungaban ng yakap tsaka humagulgol sa kaniyang matigas na dibdib.

"Shh.. Okay na baby, stop crying. You're safe now, hindi na siya makakapalit sayo" mas lalo akong nagsumiksik sa kaniya.

Siya ba ang nagligtas sa akin? Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang masuyo nitong paghaplos sa aking likod at paghalik sa aking noo.

"I'm sorry Havoc.. I'm sorry.. Da-dapat hindi na ako sumama, dapat nanatili nalang ako sa condo" ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Stop crying, I hate it when you are crying" seryoso nitong sabi, pero mababanaag ang hinanakit sa boses nito. Pinaupo sa ako nito kandungan niya. Tumango ako at pilit na huwag ng umiyak.

"Tell me what happened" suminghot ako tsaka yumakap sa kaniya ng mahigpit.

Lumunok ako bago magsalita "Inaya niya ako mag dinner, pasensya na at sumama ako." Pinunasan ko ang aking luha ng makita ang walang emosyon nitong mukha. Alam kong galit siya, hindi lang niya pinapakita dahil puro nalang ako iyak.

Hindi siya nagsalita at nanatiling walang emosyon ang mukha niya. "Nahilo ako sa kotse niya, parang mayroon siyang pampatulog sa loob ng sasakyan. Pagkagising ko ay nasa isang kwarto na ako, tapos pu-pumasok siya.. Tapos hi-hinalikan niya ako" nagsituluan ang aking mga luha.

"Tapos pi-pinunit niya iyong mga damit ko" nakita ko ang pagtagis ng bagang niya, alam kong nagtitimpi siya.

"Where did he kissed you?" Matalim na tanong nito. Itinuro ko ang labi ko tsaka iyong leeg ko pababa sa dibdib ko. Mas lalong sumama ang mukha niya, mas malo akong napakiyak ng may makita akong dalawang pulang marka do'n.

Tarantadong Liam. Tumingin ako kay Havoc na tahimik lang na nakatingin sa akin. Pumikit-pikit ako para luminaw ang aking paningin.

"I'm sorry, hubby. Sorry.." Paulit-ulit kong sabi. Umangat ang isang kamay nito para haplusin ang aking labi. Masamang-masama ang tingin niya. Bumaba rin ang kamay nito sa aking leeg papunta sa aking dibdib. Ipinasok pa niya iyon para haplusin yung mga pulang marka do'n.

Nakagat ko ang loob ng aking pisngi "I'll fvcking wipe those kisses and marks after you take a bath." tumungo ako. Baka nandidiri siya sa akin. Kasalanan ko naman.

"Serene" tawag nito, pinunasan ko ang aking pisngi dahil sa mga luhang lumalabas doon. Parang gripo!

"Look at me baby.." inangat nito ang baba ko para magkatinginan kami.

"I'm not disgusted or what, I just can't accept that someone had the audacity to kiss you. Nasasaktan ako Serene.. Masakit." Napapikit ako sa pagkabasag ng kaniyang boses, niyakap ko siyang magmuli. Hinalikan ako nito sa ulo at ramdam na ramdam ko ang higpit ng mga yakap niya na parang do'n niya ibinubuhos iyong sama ng loob niya.

Napangiti ako ng maliit, hanggang halik lang siya sa ulo. "Sabi ni Ninang pwede ka na raw umuwi, can you walk?" Naging masuyo bigla ang boses nito, hinaplos ni Havoc ang aking mga pisngi na natuyuan na ng luha.

Tumango ako, gusto ko nalang umuwi. Gusto ko nalang sa bahay namin, gusto ko nalang na magkasama kami.

"Okay, lets go?"

"Huh? Yung bills?" grabe naman, ni hindi pa nga kami nakakapag paalam sa Ninang niya.

"It's okay baby, Ninang Gaia will handle that. Malakas ako do'n" napasimangot ako. Normal ba sa mamayan ang ganito? Sure thing na mayaman ang Ninang Gaia niya, sakanila kasi ang Williams Hopital pero talaga bang libre na ito?

"Com'n, the wheelchair is ready." nanlaki ang aking mga mata, ano? Wheelchair?

"Ano ba 'yan Havoc Lance! Hindi ako imbalido!" Eskahiradang sabi ko.

"Okay, bubuhatin nalang kita" sabi nito, bago pa ako makapagprotesta ay nabuhat na ako nito. Suot ko parin ang hospital gown! Pinagtitinginan kami ng mga staff ng ospital! Pati narin yung mga iilang pasyente. Ano ba naman 'tong lalaking 'to.

"What do you wanna eat for dinner?" Kapagkuwan ay tanong nito. Dinner.. Naalala ko na naman ang nangyare kanina. Sobrang gabi na, pero hindi pa ako nakakakain. Napanguso ako.

"Wa-what happened to Liam?" Kahit masama ang loob ko sa kaniya ay nakuha ko paring tanungin iyon.

Nagtagis ang bagang ng aking asawa "Probably, he's in jail right now" sabi nito tsaka ako ipinasok sa loob ng kotse niya.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now