Chapter 1

3 0 0
                                    

Class were already starting minutes ago, and ako, eto tamang pakikinig lang while taking notes dahil sobrang boring ng klase ko. History of Virus.


I forgot to mention na ang kinuha kong course sa college ay Med Tech. I'm a "Padayon Doctor" or future doctor na nangangarap na gamutin si Xavier in the future. But I guess its impossible dahil kaklase ko din siya sa course na to. He's also a future doctor.


Ayan nanaman si prof, talambuhay nanaman niya ang kinekwento sa buong klase. Halos araw araw ay ganito na ang klase, hindi mawawala sa oras niya ang tungkol sa talambuhay niya.


Kinakagat kagat ko na ang takip ng ballpen ko ng biglang mag-iritan ang mga kaklase ko. Mapa babae, mapa lalake, o ang mga may pusong babae ay hindi nagpahuli. Mukang alam ko na kung sino ang dumating, si Xavier, ang campus crush.


Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang 30 minutes na siyang late. Tapang niya ah, lakas ng loob na pumasok pa din, kung ako siguro yun ay hindi na ko pumasok dahil sa hiya ko.


"Sorry prof, I'm late. Hopefully this doesn't affect my grades. Jet had an emergency so I had to take that. Sorry again." 


The prof didn't mind his tardiness, but instead, he let him sit and join the class with a detention slip. This is the first time na madetention siya and I'm thinking to join him by doing something naugthy.


Char. Joke lang syempre, dahil baka makaapekto yun sa grade ko. I even promise my parents before they died that I will graduate as valedictorian.


"Hoy nerd!" a whisper was heard from beside me, and as I look, I saw him. Xavier. He's talking to me?


"Ano?" I ask coldly. Kahit naman gusto ko siya ay dapat di ko ipahalata sakaniya, dapat pakipot pa din ako at pabebe.


"Notes." cold niya ding sabi. 


"Huh? Ayun oh, komopya ka." sabi ko sakniya, tinuro pa ang TV Screen sa harap gamit ang ballpen ko.


"No. I want your-- I mean, I need your notes. Give it to me." Wala pa kong pagpayag sa sinabi niya ay nahablot na niya ang notebook mula sa desk ko.


Ilang minuto na din akong nakatulala, bumalik na din kase sa tamang topic ang klase niya kaya nakakabored na ulit, at ito namang si Xavier, hindi ko alam kung tapos na ba magsulat ng notes o sadyang nakikipagtitigan lang siya sa sulat ko. 


Xavier, alam ko namang maganda yang sulat ko pero mas mabuti siguro kung yung nagsulat ang titigan mo, maganda din naman ako.


Hindi ko na namalayan ang oras, nabalik lang ako sa realidad nang mapagtanto kong halos lahat ng babae, lalake at kahit may pusong babae, ay hindi nagpatalo sa kumpulan nila sa pwesto namin. Halos lahat ay nakatayo na para maghanap ng partner sa Final Project namin maliban nalang saming dalawa ni Xavier.


Tatayo na sana ako para umalis sa pwestong yun, ngunit may humawak sa palapulsuhan ko. Hindi ako makatingin sakaniya dahil hawak palang ng kamay niya ay alam ko na, mula sa mga malilinis niyang kuko hanggang sa malalambot niyang palad ay kabisado ko na.


"Xavier, do you mind choosing your partner right away? Nang hindi na maubos ang oras ko sa panliligaw sayo ng mga kaklase mo." Sabi ng prof namin. Bakla yan, at alam ko na sa mga galaw at kilos niya na may gusto siya kay Xavier.


"Already do have a partner. It's Ms. Atienza." Alam naman pala nitong si Xavier yung pangalan ko, bakit kasi naimbento pa ang salitang 'nerd' na siya lang din ang tatawag sakin.


Wait, anong sinabi niya niya?! Ako partner niya sa Project?! Ibigsabihin ba nito ay makakasama at makakausap ko na siya lagi?


Pagkatapos, maganunsyo ni Xavier kung sinong partner niya, halos lahat ay umalis na sawi sa pwesto namin at naghanap na ng mga kapareha nila.


Bumalik din naman agad sa normal na klase nang makapili na ang lahat ng kapareha nila. Hays, matagal pa ba magsulat si Xavier? Ilang importanteng detalye na ang hindi ko nasulat at mahina naman ang isip ko sa memorization na yan.


Inaantok na din ako at nagugutom. Hindi nga pala ako nakapag-umagahan dahil nalate ako ng gising.


Naghahanap ako ng pagkain sa bag ko ng mapansin ako ng prof ko.


"Samantha, ano yan ha? Using gadgets inside my class. I'm not gonna tolerate your bad attitude okay?" sita ng prof ko.


"P-po? H-hindi po ko gumagamit--" hindi ko na napagpatuloy ang pagsasalita ko nang ipatong niya yung detention slip sa desk ko. Napatungo nalang ako bilang paghingi ng tawad kahit wala naman talaga akong ginawang masama.


Pagkatapos ng klase ay pumunta na ko sa library dahil nandoon ang detention ko ngayong araw. Buti nalang at huling subject ko na yun ngayong araw, dahil baka malintikan ako at magkaroon pa ng karagdagang detention sa susunod na prof.


I'm too disappointed of myself kahit wala naman akong ginawa, dahil kung hindi ako nagpaapekto sa gutom ko ay hindi ito mangyayari at sana ay nakalabas na ko ng school.


Kahit wala akong ginawa, I still need to face the consequence, dahil bawal takasan ang detention. Kapag tumakas ka sa detention ay makakaapekto iyon sa grade ko, ayoko namang bumaba ang grade ko dahil panigurado ay madidismaya sina papa sa langit.




JUST A DISCLAIMER!!! THIS IS JUST A FICTION STORY. EVERYTHING THAT WILL BE PUT IN THE STORY INCLUDING THE INCIDENTS, TOPICS, NAMES, AND PLACES ARE ALL FICTIONAL. THEY ARE ALL FROM THE AUTHOR'S MIND. ALSO, PLAGIARISM IS A CRIME, AND JUST FOR ALL OF YOU TO KNOW, I DIDN'T COPY ANY OF THESE FROM OTHER STORIES AND DON'T COPY ANY OF MY WORK WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT.

Promise Unkeptजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें