Chapter 2

3 0 0
                                    

Pagpasok namin sa library ay madaming studyante, mga nag-aaral para sa first semester exam. Kapag naman sa library ang detention ay magbabantay ka lang to help the librarian at ikaw na ang bahala kung ano pa ang iba mong gagawin. At kapag sa library ang detention, the remaining grades na hindi binigay sayo ng prof ay manggagaling sa librarian.


Nasanay na din naman ako sa mga ganitong gawain, at may mga naranasan pa kong mas mahirap dito. Easy Job nalang to para sakin. First time ko lang madetention at ang mga mahihirap kong naranasan ay dahil sa mga side jobs ko para kumita ng pera.


Naupo na kami ni Xavier sa assigned na upuan samin sa may pinto at nagsimula na sa mga sari-sarili naming gawain. Ako ay nililibot ko ang mata sa buong library dahil first time kong makapunta dito, at si Xavier naman ay nagbabasa ng mga notes kanina.


Siguro ay swerte ng magiging girlfriend nito, dahil bukod sa matalino siya at pogi ay halata namang may pangarap siya sa buhay. Halos lahat na nga ay nasa kaniya na, pati ang pagiging suplado ay nasa kaniya na. Perfect Ideal Boyfriend nga naman.


Hindi ko nga lang sigurado kung matino din ba to pagdating sa labas ng school, yung tipong hindi siya nakikipagaway, hindi nagiinom at naninigarilyo.


"Kelan ba matatapos yang titig mo sakin? I can't concentrate with your stares okay?" hindi ko na napansin na nakatitig na pala ako sakaniya. Nakakahiya.


"Huh? Ako? Nakatitig sayo? Hindi noh. Feelingero ka." Sabi ko sabay tayo para mag-cr.


Pagkatapos kong mag-cr ay bumalik na ulit ako sa upuan ko. Nandoon pa din naman si Xavier, nag-aaral pa din.


Lumipas pa ang ilang oras na nakatulala lang ako at si Xavier ay nag-aaral pa din. Tiningnan ko ang orasan ko at nakita kong 6:30 na pala ng gabi. Kailangan ko ng umalis, dahil may curfew kaming 7:30 sa apartment.


Nag-ayos na ko ng gamit ko ay nang maisukbit ko na ang bag ko ay dun ko lang napansin na nakatingin pala sakin si Xavier.


"Uh? Una na ko ah. Nagmamadali din kase ako." Kahit wala pa siyang sagot ay nagmadali na kong lumabas ng library.


Pagbukas ko ng pinto ay may studyante sa labas na muntik ko ng makabanggaan.


"Hi. I'm Nicole, Engineering Student. Napansin ko na kanina pa kayo magkausap ni Xavier. Are you two friends?  I wouldn't think naman na girlfriend ka niya dahil hindi ikaw ang type niya." pasungit na sabi nung studyante.


"No. Hindi kami friends at mas lalong hindi niya ko girlfriend." Pagtanggi ko kaagad.


"Good. By the way, saan ka nakatira? Mukang nagmamadali ka but I interupted you." She asked. I guess nicely?


"Sa Katipunan. Apartment." nahihiya kong sabi.


"Apartment? May apartment din akong pupuntahan sa Katipunan, sabay na tayo?" She asked again. Okay, mukang nagiging mabait na siya dahil nalaman niyang hindi naman ako kaibigan ni Xavier.


"Uh? Sure." Nakakahiya naman kung magsabi pa ko ng no dba? Siya na nga nagmamagandang loob eh.


Pagkalabas namin ng school ay nakita namin si Xavier na inaayos yung mga gamit niya sa Sports Car niya. Nauna pa pala siya samin, siguro ay dahil sa pag-uusap namin ni Nicole ay hindi na namin namalayan na umalis na si Xavier.


Maglalakad na sana ako palabas ng gate pero bigla akong hinila ni Nicole palapit kay Xavier.


"Hi Justin." Bati ni Nicole kay Xavier paglapit namin.


"Uh? Hi." nag-aalangang sagot ni Xavier.


"Sam, magkakilala kayo ni Nicole?" tanong naman sakin ni Xavier.


"Oo, kanina lang din. Kayo? Magkakilala kayo?" tanong ko naman pabalik.


"Ohhh we know each other pretty well. Right, Justin?" nakangiting sagot ni Nicole.


"Yeah. She's my ex." Okay? So, masyadong awkward na ang momentum ngayon. Walang sabi sabi akong umalis doon at naghintay na ng jeep na masasakyan.


Pinipilit akong habulin ni Nicole pero hindi na niya ako nahabol dahil nakasakay na ko ng jeep papuntang Katipunan. Mag-ex palang sila. I assumed na may gusto lang si Nicole kay Xavier, but I was wrong. Dahil may nakaraan sila, may pinagsamahan sila. Swerte ni Nicole, hindi ko siya katulad na umaasang magugustuhan ni Xavier.


Sa haba ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa Katipunan na pala. Bumaba na ko sa dapat kong babaan at naglakad na papasok ng kanto dahil malapit nalang naman yun. Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang 7:15 na kaya nagmadali na kong umuwi.


Nang mahagip na ng patingin ko ang apartment na tinitirhan ko ay agad akong pumasok at dumiretso na sa kwarto ko. Ang apartment na tinitirhan ko ay sa nanay ng kaibigan ko sa Isabela, maaga ang curfew dito dahil maraming naaksidente sa Maynila tulad ng rape.


Nagbihis lang ako at nahiga na. Hindi na ko kumain dahil napagod ako sa buong araw. Sana naman ay wala na kong makilalang kaiinggitan ko kay Xavier.

Promise UnkeptWhere stories live. Discover now