Chapter 27

2.7K 76 5
                                    

------------


"TRUTH OR DARE?" Sabay naming tanong ni Morgiana kay Cibrina. Pang lima punishment na ni Cibrina ito habang kami ay tig isa palang.



Naglalaro kami ng card games at kung sinong matatalo ay kailangang magtruth or dare.



"Truth muna sige." Sagot niya kaya nagboo kaming sabay ni Morgiana. Walang thrill naman ang pinili niya.



"Alam niyo para tayong tanga. Dapat 'dare or dare' ang tanong para talagang dare ang pipiliin natin." Reklamo niya saamin. Pwede naman yun na 'dare or dare' para walang katakas sa dare pero mas mukhang may thrill at impact kasi kapag 'truth or dare'



"Ay hindi. Wag kang mandamay Witch. Hindi kami tanga sadyang boring lang ang pinick mo kaya ganito." Sagot ko sa kanya at pinisil ang tagiliran niya.



"Haihai, may kasabihan nga na 'Birds with the same feather, flock together.' Meaning, parehas lang tayo kaya malamang idadamay kita. Duh!" She said and rolled her eyes. Naglapag bigla ng kasabihan kaya dapat kasabihan din ang sasabihin ko sa kanya.



"You look cute together." Biglang komento ni Morgiana. Nakalimutan kong kasama pala namin si Morgiana. Nakakahiya at nasaksihan niya ang pagkabaliw namin ni Cibrina.



"We do?" Cibrina said and pointed her finger to me.



"Yes. Very very cute." And Morgiana giggled.



"Cute naman pala tayong magkasama Haihai, iwan nalang natin ang mga boys natin." Nakangiting sabi ni Cibrina at kinindatan ako.



"CIBRINA!" May narinig kaming sigaw na galing sa tabi kaya naman tumingin kami sa mga boys na umiinom ngayon. It was Aaron's voice who called Cibrina's name.



Suot nila ang mga pajama na binili ni Mogiana kaya ang cute nilang tignan ngayon.



"Ito naman parang nagbibiro lang. I love you." Cibrina said and send a flying kiss to Boss.



Nakakatakot talagang ma-inlove. I imagine myself doing things like this in public, magmumukha siguro akong tanga nun kasi panigurado kikiligin ako pero feel ko titingin ang mga tao nun saamin which is embarrassing for me.





Akala ko hindi sasagot ang boss namin sa sinabi ni Cibrina dahil napailing nalang siya pero bigla siyang sumagot ng "And I love you too."





"Ewwwwww." Sabay na sabi namin ni Morgiana. It was a joke though pero konti nalang ay magwawala na si Cibrina dahil sa ginawa namin.




Ang bilis ding mapikon nito kaya ang gandang asarin eh. I'm sure she'll get her revenge on us later pero habang defenseless siya sa harap, why not make her cry?



"Makaewwww kayo wagas ah. Hindi niyo ba alam na nahuhurt ang mga boys niyo?"
Aniya at pinagkrus ang mga kamay niya.



Natatawa kami ni Morgiana kay Cibrina kasi konti nalang talaga ay mapupuno na si Cibrina saamin at kapag nangyari yun, we will run in max speed.




Biglang gumawi naman si Morgiana sa mga boys at tinignan niya ang asawa niya.
"Nahuhurt ka ba, Arran?" Tanong niya kay Arran.



"No, I'm fine. Don't mind us. Just continue your chat. I'll just gonna show my love to you in a different way." Parehas kaming nag 'woah' ni Cibrina dahil ang cool ng pagkakasabi. Nagthumbs up kami ni Cibrina ay Arran.



BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon