Chapter 44: Date-saster

29K 979 93
                                    

Yohow! Nag-update ako ngayong araw. Mukhang mapapa-update everyday basta  di busy.

Pabasa naman po ng A.K.A Maria Clara ko, please. Sinisigurado ko po kung napahalakhak kayo dito sa P.A matatawa rin kayo dun at kung na bwisit naman kayo dito sa P.A dodoblehin ko ang bwesit niyo sa A.K.A Maria Clara

Btw.. mobile lang ang gamit ko sa pag-update

Pagpasensyahan kung may typo and wrong grammars..
------------------------------------------------------------

Chapter 44: Date-saster

Alexis P.O.V

"Ma'am, Sir eto po yung menu namin." Abot sa amin ng menu ng restaurant nila.



Kasalukuyang nasa Jolly Donald. Napapayag niya ako sa hinihingi niya and obviously ang gusto niya ay isang date.



"anong oorderin mo?" Tanong niya sa akin ni Tom. Yeah, Tom ang kanyang pangalan and kaya naman pala parang familiar siya sa akin kasi naman siya pala yung childhood friend ko. Although, mga tatlong beses ko lang siya nakalaro noon sa playground sa park malapit sa bahay nila aunt aba.



"Grabe! Parang kailan lang uhugin ka pa nun tsaka payatot ka. Hahaha!" Pambubuska ko sa kanya.



Napa-tsk naman siya tapos yung dismayado niyang mukha eh nang bigla siyang napa-smirk.



"Oo nga eh.. tanda ko rin noon sakit ng anit ko kasi nahawaan mo ko ng kuto hahaha!!" Napa-ismid ako nung narinig ko yun. Oo nagkakuto ako nung bata ako pero hindi dahil burara ako sa katawan tsaka palabilad sa araw kundi hinawaan ako ni Aunt aba noon.



Hiniram kasi ni Aunt aba yung suklay ko noon nung after niyang maligo, nawala daw kasi yung suklay niyang mamahalin, eh ako bumili nung suklay niyang nawala sa lahat bente.



Pagkagamit ko ng suklay na kakagamit niya lang ayun maghapon akong nangamot ng nangamot. Triny ko nga gumamit noon ng suyod only to fins out na positive,  positive na may kuto nga ako.



"Hahaha!!" Napahalakhak na lang ako bigla ng may maalala ako.



"Parang ayaw ko ng tawa mo ha!" Parang kimakabahan niyang bigkas.




"Promise magugustuhan mo to. Tanda mo pa yung naglalaro tayo noon ng monkey bars??" Tanong ko sa kanya. Kahit umiling siya pero sa tingin ko ay tandang-tanda niya pa yun.



"Hindi na? Sige na nga ipapaalala ko na sayo." Kunyareng dismayado ako.



Ibubuka ko palang ang bibig ko eh pinigil na niya ako tapos paulit-ulit niyang sinabi na "oo natatandaan ko pa" laftrep talaga yung mukha niya.



Kasi ganito yun, mga 8-9 years old kami nun nung naglalaro kami sa monkey bars kaso nung lilipat na siya sa next bar ay hindi niya nahawakan kaya ayun nahulog siya tapos todo pagpag siya ng pwetan niya tsaka todo pigil siya sa pag-iyak kaso meron siyang hindi napigilan. Yun ay ang maihi siya sa short. Oo naihi siya sa short niya, ang nakakatawa pa doon nakaputi siyang short kaya naman halatang-halata na naihi siya tsaka yung buhangin na tinatayuan niya ay basa din.



Natigil lang ang pagre-reminisce namin nung dumating na yung inorder namin na libre niya at dahil libre syempre di na ako tumanggi ilang ameth din ang mase-save ko.



"So kamusta ka na?" Pagsisimula niya ng conversation. Di ako agad makasagot dahil ngumunguya ako ng chicken.



"Ok lang ako Marky medyo busy lang. Di ko alam na dito ka rin Pala sa P.A nag-aaral."



Pentium Academy (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon