Hello guys! Long time no read. Sensya na kung hindi ako agad nakapag-update, plano ko talagang mag-update nung Tuesday kaso lang na-drain yung utak ko dahil sa article na ginawa ko nun kaya eto na ang update ko
Happy 28K reads!!! Keep on supporting Pentium Academy
Don’t forget to VOTE and COMMENT
Read and Enjoy!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 18: Operation: Find Alexis Rook
Someone’s P.O.V
Alam ko na kung bakit ako napunta dito sa panahong ito, kailangan ko siyang bantayan at suportahan. Kailangan ko siyang iligtas sa kapahamakang darating sa kanya sa takdang panahon, lalo na’t pag nagpakita na siya. Kailangan kong gabayan ang anak mo…. Arkanel
Samantha P.O.V
“kakainis ka naman pen! Ba’t mo naman iniwan kasi yun eeh, alam mo namang mahalaga sakin yun” pagmamaktol ko kay Penelope
“sorry na nga diba! Napaka-childish mo parang cake lang eeh” tama kayo ng basa, cake yung pinagtatalunan namin
“pero hindi ordinaryong cake yun, pinag-experimentuhan ko yun eeh!! Kung sino ang kumain non magche-change yung ugali nun at hindi ko gugustuhin kung may makakain nun” pagpapaliwanag ko kay pen
“aiish! Ano bang mangyayari pag may nakakain nun?” tanong sa kin ni pen
“magiging DARING…MAPANG-AKIT…NANG-SESEDUCE in short pen magiging talandi, kaya pen saan mo ba iniwan??”
“pagkakatanda ko eh nilapag ko yun sa office tap- -“ hindi ko na pinatapos magsalita si pen hinatak ko na siya agad-agad papuntang office dahil kani-kanina lang nakita ko si alexis papunta sa office… naku naku naku!! Sana naman hindi niya kinain
Pagkarating namin ng office. “Oh noes!” yun lang ang nasabi ko habang nakatakip ang aking mga palad sa aking bibig
Nadatnan namin ni pen na konting cake na lang ang natitira, ibig sabihin nakain ni alexis yung mga cakes…. WAAAAH!!
“Pen, hanapin na natin si alexis at baka NAGHASIK NA NG KALANDIAN YUN!!” sabi k okay pen at muli ko siyang hinatak palabas ng office para hanapin si alexis
“Operation: hanapin si alexis rook at pigilan ang paghasik niya ng kalandian” yan ang mission namin ngayon ni pen
BINABASA MO ANG
Pentium Academy (Revising)
FantasyPentium Academy ay isang academy para sa mga "elites" o mga taong napaka-tatalino kaya napakahirap makapasok dito pero hindi alam ng mga tao ang pentium academy ay para sa mga taong may "special ablitiy " pero papaano na lang kung ang isang normal n...