Hangal

313 16 9
                                    

08/02/2015 3:09 PM

I

Sakit ay tumatak,

Puso ko'y nabiyak, bumagsak, nawasak at nagkawatak-watak,

Luha'y pumatak, sa unan ay sumaksak,

At laman ng isip ay naging latak.

II

Tapos ngayon ikaw babalik sa isang iglap,

Magpaparamdam at gusto mo tayo'y mag-usap.

Iniwan ka na ba niya at ako'y gagawin panakip butas?

Ang saklap, hindi patas!

III

Ngayon ikaw na'y nasa aking harap,

Ako'y naduduwag... Nasisindak,

Sa nadarama kong hindi katanggap-tanggap,

Gusto kitang muling makayakap.

IV

Akala ko pag-ibig ko sa'yo ay aking ng nakalimutan;

Ngunit bakit puso ngayon tila ikaw pa rin ang laman?

Kasinungalingan mo akin na naman pakikinggan,

At ituturing na katotohanan kahit ito'y isang kahangalan.

V

Nasasaktan ako dahil siya ang iyong mahal,

Ngunit ito'y handa kong tiisin makasama ka lamang,

Kahit pa alam ko, na ako rin ay iyong iiwan,

Kapag siya'y muli ka ng binalikan.

*****************

Ano raw? Hehehe!

Love, love, love... Chill lang! Marami pang ibang guys/gals. Marami pa pero siya gusto/mahal mo kaso nga po "panakip butas ka lang at siya'y manloloko." Susuko ka rin kaya bakit hindi pa ngayon?

"H'wag magpaloko at h'wag din manloko." Kaso ayon nga kay Friedrich Nietzsche: "The lie is a condition of life." Yeah, hindi maiiwasan, minsan. Pero 'yung iba ginagawa na lang libangan at para sa pangsariling kasiyahan na lang. Gusto nilang may nasasaktang iba kaysa sila mismo ang masaktan. At 'yung iba may "Augliophobia" [The fear of being hurt] lang siguro. (Augliophobia? Kahirap naman magmahal kung ganun. Paano kaya 'yon kapag love making na? Oh my! I'm serious.)

"Kung manloloko ka, humanda ka rin maloko ng iba." Give and take lang. Pero ang mas ayos talaga, stay nice even when others are not. Pero hindi ko naman sinabing magtanga-tangahan ka. Tamang bait lang. (Hindi ko alam kung paanong tamang bait lang, hindi naman kasi ako mabait.)

Ito pa, isa 'to sa mga favorite quotes ko: "Real eyes realize real lies." (Paano kaya kung bulag? Just kidding! Hindi naman literal na mata....) Pero love is blind daw. Hehehe! Nakikita mo naman ayaw mo lang tanggapin, nagbubulag-bulagan ka lang dahil mahal mo siya nang sobra. Minsan nakakamatay ang sobra. Opps! Kung saan-saan na napunta.

Mga Tula ni MeiWhere stories live. Discover now