25/12/2014 8:05 AM
Mga pamilya ay naglalapit-lapit,
Awit pang pasko ay maririnig,
Makukulay na ilaw ay namumutiktik,
At mga tao ay humahagikgik.
Sa Facebook, Twitter, Instagram, Wattpad at pati sa cellphone ko mga mensahe ay hindi mapaknit,
Bumabati sila ng "Merry Christmas" na walang patid,
Karamihan naman ay hindi ko pinapansin, siguro iniisip nila ako'y masungit.
Kapag pasko hindi naman lahat mabait.
Habang ang iba ay naglipana sa paligid,
Heto ako nagkukulong sa silid,
Inaantok pa at nilalamig,
At nakakaramdam na ng inip.
![](https://img.wattpad.com/cover/27632888-288-k348984.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula ni Mei
PoetryHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.