chapter 2

7.5K 248 26
                                    

Inayos ko muna ang zuot kong itim na polo bago tinali sa bewang ang may kahabaang apron, tinapik nang mga kasamahan ko ang aking braso na sinuklian ko lang ng tango....magkano kaya kikitain ko ngayon? Aishh sana naman may magbigay ng sa akin ng malaki laking tip para naman lumigaya ang gabi ko...nang makalabas ako sa locker room namin nakita ko na si Chendrick na nag hahalo na ng mga drinks maraming tao ngayon dito sa club kaya alam kong uuwi kaming lahat na pagod na pagod.


"Salo" napaatras ako at agad na sinalo ang binatong ballpen at mini notebook sa akin ni Francis isa sa mga kasamahan ko ding waiter "maraming tao ngayon kaya baka marami ka ding maiuwing tip" ani nito sa akin


Natawa ako ng bahagya.



"Sana nga...." mahina kong sabi



Tinanguan ako nito bago tumalikod at nilapitan na ang isang table upang kunin ang mga order, nagsimula na ako sa pag tatrabaho inuna ko ang ground floor dahil mas maraming tao ang nag sstay dito dahil malapit lang ang dancefloor sa second floor naman ay puro mga may kaya ang gumagamit VIP kung tawagin.



Matapos nilang sabihan ang kanilang order ay inipit ko ang ballpen sa ibabaw ng aking tenga at tinungo ang kinaroroonan ni Chendrick, may kausap itong babae as usual...may itsura din naman kasi siya at talagang siya ang gustong bartender ng mga babae, napatigil sila sa pag uusap ng makita akong papalapit na sa kanilang gawi, binaba ko ang tray sa harapan nito at pinakita ang kanilang order na sinulat ko sa papel.



"Nice one" we both chant



Nag dim ang buong paligid senyales na may mga sasayaw na sa itaas ng stage at magpapaikot ikot sa pole, sumandal muna ako sa gilid habang hinihintay ang drinks na ginagawa ni Chendrick, nagsipalakpakan at nagsipulan ang mga kalalakihan ng iangat na ang pulang kurtina at bumungad ang tatlong naka bikining mga babae isa na doon si Hannah ang leader nila.


Kinagat ko ang ibaba kong labi habang pinapanood kung paano niya igiling ang kaniyang katawan sa nakakaakit na paraan, ang buhok nito ay sumasayaw din at sumasabay sa kaniyang pag sayaw na nagbibigay lalo ng kaakitan, hinawakan nito ang polo gamit ang dalawang kamay at walang hirap na inangat ang sarili....nagsilapitan na ang mga kalalakihan sa stage at pinagbabato ang kanilang mga malulutong na pera sa gawi ng tatlong sumasayaw.


"Wag masiyadong matulala Astro" kinuha ko na sa kamay ni Chendrick ang tray na may lamang drinks.



"Gago" mura ko sa kaniya na ikinatawa niya lang



Iniiwas ko ang tray na hawak sa mga taong magugulo ang galaw, inilapag ko sa lamesa ang order bago muling lumapit sa mga bagong dating, ganun lang ang ginagawa ko, lalapit sa iba't ibang table at kukunin ang kanilang orders....



"Astro!!" Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Francis na kumakaway kaway sa akin



Agad ko itong nilapitan, nakangiwi ang kaniyang mukha habang ang isang kamay ay nakahawak sa kaniyang tiyan.



"Biglang sumakit tiyan ko napadami kain ko, ikaw muna magdala nito sa second floor magbabanyo muna----" hindi na nito natapos ang sinasabi dahil tumakbo na ito papuntang banyo



Kinuha ko ang tray at nagsimula nang umakyat sa hagdan, binasa ko ang number ng table na nakalapag sa tray at hinanap iyon.....napatigil na ako ng makita ang isang lalaking mag isang nakaupo sa pa curve na upuan, he have this spiky black hair....may hawak itong malambot na bola at pinisil pisil niya iyon.



I cleared my throat kaya nag angat ito ng tingin at nagtama ang mga mata namin, brown eyes....pink think lips, pale skin...nakasuot ito ng itim na tshirt at puting pants.


"Here is your order sir" yumuko ako at nilapag na sa ibabaw ng lamesa ang kaniyang drinks


"You work here?" Tanong nito



Nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ko ay nakita ko siyang pinapasadahan ako ng tingin at humikab ng bahagya



"Yes sir i work here" sagot ko



"Do you serve yourself too?" Kumunot ang noo ko "are you part of the menu? Can i order you?"




Hindi na ako nagsalita pa, lasing na ata....




Tumalikod na ako at lumapit na sa hagdan bago ako bumaba ay muli ko itong tinignan, he's looking straight into my eyes.....he grab his drinks and sip it slightly ngunit nagtaasan ang mga balahibo ko ng ilabas niya ang kaniyang dila at paglandasin iyon sa isang daliri nitong mukhang natapunan ng iniinom.



Nag iwas na ako ng tingin at mabilis na bumaba sa hagdanan, hindi naman maiwasan sa trabahong ito ang maka encounter ng ganiyang tao, may mas malala pa sa kaniya, minsan ay nanghihipo at nanghihila....



Saktong pagbaba ko ay paglabas ni Chendrick sa banyo.



"Naibigay muna? Ano sabi? Binigyan ka ng tip?" Sunod sunod nitong tanong




"Lasing na kung ano ano pinagsasabi" sagot ko




"Hindi ka binigyan ng tip?" Umiling ako kaya ito bumuntong hininga "tatlong gabi na siyang nagpapabalik balik dito, minsan may mga kasama...tsaka nagbibigay siya ng malaking tip!!"




Hinawakan nito ang dalawang balikat at sinimulan akong yugyugin.




"Bakit hindi ka binigyan?! Inaway mo ba?!" Madrama nitong sabi




(Heyoo)

Luca Walispo(COMPLETED)Where stories live. Discover now