chapter 3

6.6K 231 20
                                    

"Uuwi ka na dude?" Tanong ni  Francis


"Oo eh"


Nakita ko si Chendrick na napailing at tinanggal na ang apron na nakatali sa bewang, binuksan ko na ang locker ko at kinuha na ang bag ko bago nagpaalam sa kanilang dalawa....dumaan ako sa likod ng bar kung saan doon ang parking lot ng mga customer na nasa loob, pinagpag ko ang tshirt ko bago nag angat ng tingin sa dinaraanan, habang naglalakad ay nahagilap ng aking tingin ang lalaking nakaupo sa hood ng magara niyang kotse at humihithit ng sigarilyo, nagtama ang mata naming dalawa.


Agad niyang binato sa sahig ang sigarilyo at tinapakan iyon bago inayos ang postura, siya yung lasing na sinervan ko ng drinks sa second floor.


Tumigil ako sa paglalakad ng maramdaman ang pagsunod nito sa akin, mapapasubo ata ako dito..sanay na din naman ako sa mga ganito eh yung aabangan ka sa paglabas mo tsaka hahamunin ka ng away? Mga mayayaman na kapag natapakan ang ego iinit agad ang ulo, tsk..


Hinarap ko ito, may kinuha ito sa likod ng shorts na suot....wallet, kumuha siya doon ng tatlong libo doon at nilahad sa akin...kumunot ang noo ko at tinignan siya, what is he doing?

"Bakit?" Tanong ko


"Tip." Maiksi nitong sagot sa akin


Umiling ako at tumalikod na, palihim kong kinuyom ang aking kamao ng maramdaman ang pagsunod nito sa akin....

Papalabas na ako ng parking lot ng wala ng sumusunod sa akin, napabuntong hininga ako at sumakay na sa lumang bike ko...mag uumaga na, ilang minuto nalang ay sisikat na ang araw, malaki laki din ang perang nakuha ko ngayong gabi kaya worth it ang pagpupuyat ko ngayon, pinatunog ko ang aking leeg at ikinaliwa ang manibela ng bike...mabibilis ang pag padyak ko dahil na din gusto na ng katawan kong mahiga at matulog.


Nang makauwi na ako ay hindi na ako nag abala pang maghilamos, dumiretso agad ako sa kama at humiga.


Nagising ako sa ilang katok sa pintuan, binuksan ko ang phone ko at nakitang ala una na pala ng tanghali, hinilamos ko ang aking dalawang palad sa mukha bago tumayo upang pagbuksan ang kumakatok.


"Oh" nagtataka kong kinuha ang inabot sa akin ni Terry matandang babaeng kapit bahay ko



"Ayuda?" Ngumiwi ito sa akin at hinampas ang aking braso



"Mukha ba yang ayuda?" Sabi nito sa akin "may nagpapabigay niyan sayo....naka kotse siya, halatang mayaman"


"Ano po itsura?"


"Hindi ko alam, nakatakip eh..."



Tumango nalang ako at inilapag na sa lamesa ang puting plastic, binuksan ko iyon at nilanghap ko ang amoy ng pagkain na nakalagay sa tupperware....bakit ako binigyan? Wala namang kotse sila Winner o kaya si Hannah, ginulo ko ang aking buhok at tinitigan ang masarap na pagkaing nasa harapan, paano kung malason ako?



Itatapon ko na sana ng kumulo ang tiyan ko, mukhang trinatraydor ako ng sarili kong tiyan kaya wala na akong nagawa pa kundi umupo at kinain ang nasa loob ng tupperware, napapikit ako ng makagat ko ang karne, sobrang lambot, habang ngumunguya napansin kong may nakatuping papel sa gilid kaya dinampot ko iyon at tamad na binuklat



You have a nice ass



Agad kong naibuga ang kinakain at napaubo, mabilisan akong tumayo upang kumuha ng maiinom, what the hell? Gago pala to eh....inis kong tinapon sa basurahan ang papel kasama na din ang pagkain na hindi ko pa nauubos, mas mabuti nang magutom putek na yan sana pala hindi ko na binuklat pa yang papel eh nawalan tuloy ako ng gana.



Lumabas ako ng bahay at muling naglakad lakad.




Nilabas ko ang sigarilyong nasa bulsa ko at lumapit sa tindahan may nakasabit ba lighter, sumandal ako sa dingding at ibinuga ang usok sa itaas.




"Magandang tanghali Astro" naghampasan ng mga braso ang mga babaeng napadaan sa harapan ko




Ngumiti ako at kinindatan sila, napalingon sa di kalayuan ng may makita ako doong taong balot na balot....naka jacket, jogging pants, sapatos, sumbrero, mask....tanghaling tapat, kumunot ang noo ko ng mapansing nasa akin ang tingin nito, sa akin ba? Tinignan ko ang likudan ko pati na sa magkabilang gilid ngunit wala namang mga taong nakabantay din katulad ko.



"Huy!!"




"Gago!!" Sinipa ko ang tuhod ni Chendrick ng gulatin nalang niya ako bigla "papatayin mo ako sa gulat!!"




"Sino ba tinitignan mo? Kanina pa kita tinatawag hindi mo ako pinapansin kaya nilapitan na kita"




Binalik ko ang tingin sa tinignan ko kanina ngunit wala na doon ang lalaki....



(Heyoo)

Luca Walispo(COMPLETED)Where stories live. Discover now