SPECIAL CHAPTER 💌

2.5K 201 310
                                    

[ ♡ ] SALLY's

Hating gabi pero hindi pa rin ako tapos magreview para sa exam namin sa Friday. Ang sakit na ng ulo ko, pagod na rin ang mga mata ko, gusto ko na matulog pero hindi pa pala ako tapos sa sinasagutan kong homework.

May kumatok sa pinto ng kwarto kaya tamad akong tumayo para buksan ito.

"Momma Soli baked a cupcake for you, by. Pinagtimpla na rin kita ng milk." Mas niluwagan ko ang pagbukas ng pintuan para makapasok si Sunoo dito sa loob ng kwarto.

Inilapag ni Sunoo ang tray sa table malapit sa higaan ko. Nilapitan niya ako't niyakap ng mahigpit.

"Mukhang stress na stress ang baby ko ah, matulog kana kaya? Bukas kana lang ulit magreview." Inayos niya ang buhok ko tsaka hinalikan sa noo. "Matulog na tayo, hmm? Hindi mo matatandaan lahat ng pinag-aralan mo kung hindi ka matulog. Relax your brain, baby."

"Hindi pa ako tapos magsulat." Nakasimangot kong sabi. Ang dami ko pang kailangang sagutan.

"Ako na ang tatapos, magpahinga kana," Pinaupo niya ako sa kama tapos inabot sa 'kin ang gatas para inumin ko. "Eat this cupcake din, ginawa 'yan ni Momma para sayo eh."

Sinimulan kong kainin yung cupcake habang pinapanood si Sunoo na sinasagutan ang homeworks ko. Mukhang easy lang para sa kanya yung sinasagutan niya sa sobrang bilis niya magsagot.

Tapos mali-mali pala yung sagot, ano?

"After mo dyan, brush your teeth and wash your face muna ha? Huwag kana rin magcellphone, tulog na agad." Bilin ni Sunoo nang hindi manlang ako tinitingnan.

Minsan talaga napapaisip ako kung boyfriend ko nga ba siya o nanay.

Pagkatapos kong kumain ng cupcake, inubos ko na ang gatas bago dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Nagpalit na rin ako ng mas comfortable na damit.

"Sleep na ako, by. Sure kang tatapusin mo 'yan?" Hindi siya nagsalita. "Okay lang kahit hindi mo matapos, kung hanggang saan lang ang kaya mo, okay na."

"Thank you, b."

-

-- SUNOO's

I went downstairs para ilagay sa lababo ang baso't plate na ginamit ni Sally. Quarter to 3 na, naabutan ko pa rin si Momma na umiinom ng tubig sa may ref.

"Gising ka pa, Sunoo?" Tumango ako kay Momma.

"Nakatulog na ako pero ikaw gising pa rin," Inilagay niya rin yung basong ginamit niya sa lababo. "Si Sally, tulog na ba?"

"Pinatulog ko na po siya, pagod na pagod na eh. Ako na tumapos sa homework niya." Nginitian ako ni Momma atsaka ginulo ang buhok ko.

"Matutulog na ulit ako, matulog kana rin, anak."

"Momma..."

"Alam ko 'yang tono na 'yan, oo na, tabihan mo na si Sally doon." Tumawa si Momma. Niyakap ko siya ng mahigpit tapos nagpasalamat.

Pinauna ko munang pumasok si Momma sa kwarto nila ni Papa bago ako umakyat patungong kwarto ni Sally. Magkaiba lang kami ng kwarto ni Sally, ayaw kasi kaming pagtabihin ni Papc.

Napangiti ako nang makita ko siyang mahimbing na natutulog.

Pumwesto ako sa side kung saan marami pa ang space. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Tulo-laway pero mahal na mahal ko pa rin 'yan, charot.

"I love you." Hinalikan ko ang noo niya before mahiga para matulog.

barbie ⌕ ִֶָ  sunoo Where stories live. Discover now