Sad Beautiful Tragic - Our Story

1.8K 99 37
                                    

Songs I've listened to when I wrote this:
Sad Beautiful Tragic by Taylor Swift
Let Her Go by Passenger
Tonight by FM Static
Tenerife Sea by Ed Sheeran
Breathe Again by Sara Bareilles
The Scientist by Coldplay

CORNY PAG DI KAYO NAKINIG NG MUSIC HAHAH K BYE

November 30, 2015. 7: 49 PM.

Nagmamadali akong bumili ng ticket para sa huling byahe ng tren ngayong gabi. Kahit hindi maalis-alis sa utak ko ang mga mura sa akin ng boss ko kanina dahil sa pag-undertime ko, wala na akong pakialam. My job isn't important anymore. I could care less. Ang importante, si Kathryn.

"Excuse me," Natataranta kong sabi sa mga nadadaanan kong tao. Pagkabukas ng pintuan ng tren ay dali-dali akong pumasok sa loob at umupo sa pinakasulok.

Nanginginig kong inilabas ang isang nakatuping papel mula sa aking bulsa. Sulat iyon ni Kathryn na ipinadala sa akin kanina. Hindi ko pa iyon nababasa dahil nagt-trabaho ako ngunit alam kong ang nilalaman nun ay magpapabago sa buhay ko.

Dear Daniel,

Ah.. It hurts me to say your name. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa iyo o tanggapin ko na lang na wala na talagang tayo. We were so happy back then. Naaalala mo pa ba iyong mga panahon na binubuo pa lang natin ang mga pangarap natin? Gustung-gusto mong maging isang kilalang photographer at ako naman, pinangarap kong maging isang magaling na painter. 8 years. Sa loob ng walong taon, unti-unti na nating natutupad ang mga pangarap na iyon. Little did I know, sa pag-abot pala ng ating mga pangarap ay relasyon natin ang magiging kapalit.

You once said that you need to move to a different city para sa trabaho mo. Tinanggap ko iyon dahil naiintindihan ko ang rason mo. Kahit mahirap, tiniis kong malayo sa iyo. Texts, video calls, emails- iyon ang mga tanging paraan ng komunikasyon natin. You don't know how much I wanted to kiss you, to hug you, to cuddle with you, do the things we used to. Sabi mo sa akin, maghintay ka lang dahil kapag nakaipon na ako, papakasalan kita. The butterflies in my stomach never left. Kahit nakakahiya mang aminin, kinikilig parin ako sa mga banat mo kahit sanay na ako. Naghintay ako, katulad ng sinabi mo.

But my world fell apart when I saw you with another girl. Pilit kong itinatatak sa isip ko na ka-trabaho mo lang siya, na wala lang siya kumpara sa akin. We overcame our trust issues, right? Magpapakasal na nga tayo, eh. Bakit pa ako mageselos kung ako naman ang babaeng dadalhin mo sa altar? Pero hindi, nang mag-usap tayo, ipinaliwanag mong nagbago na ang iyong nararamdaman. Everything isn't just the same anymore. May iba ka nang mahal.

I don't know where did I go wrong. Saan nga ba ako nagkulang? Hindi ko maintindihan. I begged you that night, right? Nagmakaawa ako sa iyong ipaintindi mo sa akin kung bakit tayo nagkaganon pero anong ginawa mo? Pinagtabuyan mo lang ako. Ipinahiya mo ako sa mga katrabaho mo na parang wala lang sa iyo ang pinagsamahan natin. You know what? Hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa iyo. Ganun ka kalakas sa akin. Pilit kong iniintindi na baka wala ka lang sa mood kaya mo nasabi ang mga iyon. Hindi ako sumuko.

Nagpaganda ako. Pinagbuti ko ang trabaho ko. Binago ko ang mga bagay na ayaw mo. Sinubukan kong kausapin ka para ayusin ang nasira natin relasyon pero umayaw ka na talaga. Sumuko ka na.

I've always thought broken hearts were an exaggeration, but now I understand they aren't. Sobrang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay ikaw mismo ang sumasaksak dito ng paulit-ulit. You've wrecked me. I want to cry, but I can't. Puro sakit lang ang nararamdaman ko... the pain that I've never felt before. It's tearing me apart and I'm really tired of it.

I know my life is supposed to be flashing before my eyes but all I see is you. The way you caress my neck, my shoulder, my face. Little touches that left me feeling so alive. Your flawless imperfections. Bigla kong naalala ang lahat ng iyon. Masakit man, pero hindi lang masasayang alaala ang pumasok sa isip ko. Naalala ko rin ang undies na nakita ko sa kwarto mo. I'm sure as hell it wasn't mine. Naaalala ko din kung paano mo tignan ang ibang babae pero masyado akong bulag para mahalata iyon-- nabulag ako sa pagmamahal ko sa iyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sad Beautiful Tragic (One-Shot)Where stories live. Discover now