CHAPTER 1

46 1 0
                                    



 JHOY loves going to school. Mahilig siyang mag-aral at magbasa kaya hindi kailanman nahirapan ang mga magulang niya na gisingin siya sa umaga sa tuwing papasok na siya sa eskwela. Pero kung may subject man siyang pinaka-aayawan, iyon ang P.E. Mula gradeschool hanggang ngayong fourth year highschool na siya, ayaw pa rin niya ang P. E. classes niya.

And that's because she sucks at sports or anything athletic. Kung hindi siya natatamaan ng bola ng volleyball sa mukha, nadadapa naman siya sa hundred meter dash at sumusubsob ang mukha sa lupa kapag naglo-long jump. Kaya naman hindi na siya nagugulat sa tuwing kailangan nilang maglaro ng team sports at siya ang huling gustong makasama ng mga kaklase niya sa team ng mga ito. Kabisado na kasi ng mga kaklase niya ang pagiging lampa at pagiging accident-prone niya.

At iyon marahil ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang talim ng tingin sa kanya ngayon ni Sable at ng mga kaibigan nito habang nagbibihis sila sa loob ng gym's locker room. Last subject na nila ang P. E. ngayong araw. Silang dalawa ni Sable ang naging magka-team sa doubles tennis game nila kanina na ginanap sa loob ng basketball court dahil walang tennis court ang school nila.

At tulad ng inaasahan ng lahat, talo sila. Hindi lang sila natalo, pareho pa silang nagkaroon ng minor injuries nang masalabid ang paa niya sa sintas ng sneakers ni Sable kanina. Bumagsak silang dalawa. Nadaganan niya ito. She had a sprain on her left wrist nang tangkain niyang itukod ang kamay sa court para hindi tuluyang madaganan si Sable. Samantalang si Sable naman ay nagkaroon ng bukol sa likod ng ulo dahil sa lakas ng pagtama niyon sa court.

Sable had always hated her. And now, Sable had more reason to hate her. Simula nang mag-start ang klase nila ngayong taon, mainit na ang dugo ni Sable sa kanya for some reason na hindi niya maunawaan. They used to be friends when they were in gradeschool. Pero nang mag-highschool sila ay unti-unting nawala ang closeness nila. Sable found a new group of friends and she found her own group of friends too.

But they've never had a reason to fight. Nagbabatian pa rin sila kapag nagkakasalubong sa hallway ng school. Kaya naguguluhan siya kung bakit ngayong gagraduate na sila ay saka pa biglang nakahanap ng rason si Sable to make her last year in highschool miserable. Wala na itong ibang nakitang tuksuhin at asarin kung hindi siya. Minsan, pinagkakatuwaan pa nito na itago ang mga libro at gamit niya.

"What's her problem? Kung makatingin siya sa iyo akala mo sinadya mong madisgrasya kayo kanina," ismid ng kaibigan at kaklase niyang si Laurice na tulad niya ay tapos nang magbihis.

Hinihintay na lang nila ang isa pa nilang kaibigan na si Heidee. Magkakahiwalay ang mga lockers nila dahil alphabetical ang pag-assign ng lockers sa kanila. Kaya sa entrance ng locker room nila hinihintay na matapos magbihis si Heidee. Samantalang sina Sable at ang dalawa pang kaibigan nitong sina Cloris at Greta ay nakatayo sa exit door ng gym. Hindi niya alam kung sino pa ang hinihintay ng mga ito roon.

Sana ay hindi siya. Her wrist was still aching at gusto na niyang makauwi agad. Pero base sa mga nakaraang paghaharap nila ni Sable, alam niyang malaki ang posibilidad na hindi ito papayag na hindi makaganti sa kanya.

"Huwag mo nang pansinin. Kasalanan ko naman talaga na nadaganan ko siya kanina. Nabukulan pa siya. May karapatan talaga siyang magalit."

"Pero humingi ka na ng tawad at hindi mo sinasadya iyon. Kampon ng dilim lang talaga iyang tatlo na iyan," giit ni Laurice.

Maya-maya ay lumabas na ng locker room si Heidee.

"Hay, finally, natapos ka rin. Grabeng tagal mo, Heidee. May parada ka pang pupuntahan? Akala ko nagsuot ka pa ng gown," pang-aasar ni Laurice kay Heidee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PETERSONS2-BOOK 2 ONLY YOU, SWEETHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon