Chapter 53 : Announcement

766 18 25
                                    


KATHRYN'S POV

Nakatulala pa din ako matapos ko marinig iyon mula sa kanya. Hindi ako makapaniwala, as in. Sobrang nakakabigla.

M-magkapatid pala sila ni Daniel? Pero paano? Paano nangyari iyon? Kaya pala siya pumunta dito.

"H-ha? Bakit? Pa'no?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Nakita kong natawa siya sa naging reaksyon ko kaya nasapak ko siya.

"Sira ka talaga! Nagawa mo pa talagang matawa, ah!" Inis na sabi ko. Bumaling ulit ako ng tingin sa kanya. "Pero 'di nga? Walang halong joke? M-magkapatid talaga kayo?"

Nakita kong ngumisi siya at dahan dahang tumango. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

"P-pano nangyari 'yun?" Takang tanong ko.

Napaiwas siya ng tingin at napabuntong hininga. "Mahaba habang kwento. Nakakatamad."

Siningkitan ko siya ng mata. Nag akma akong babatukan siya pero agad niyang tinaas ang kamay niya.

"Fine! Ikukwento ko! Geez! You don't need to hurt me!" Angal niya kaya naman sumang-ayon nalang ako at nag-abang ng sasabihin niya.

Nakita kong napasinghap muli siya. "He's my step brother. Mas matanda ako sa kanya ng isang tanong. Supposedly college na ako pero dahil masyado akong matalino, nagrepeat ako. Tss."

Naningkit ang mata ko sa panimulang kwento niya. Hindi na ako umangal para tumuloy nalang siya sa pagkukwento.

"So iyon nga. A year ago ko lang siya nakita sa US kung saan ako nag-aral ng highschool. Kaya ako umalis ng Pilipinas noon ay dahil nalaman ko na ampon lang pala ako ng mga magulang ko na nagpalaki sa'ken. I didn't have any grudge at them. Actually I am actually thankful na sila ang tumayong magulang ko and It really felt like they were my parents."

Agad na nabigla ako sa sinabi niya. So, hindi pala talaga siya anak nina tita at tito? Siguro sobrang sakit no'n.

"Actually matagal ko ng alam. Hindi naman ako manhid para malaman ang tungkol do'n. Naririnig ko sila na nag-uusap tungkol doon at nalalaman ko din base sa mga ginagawa nila. Oo, medyo lumayo ang loob ko sa kanila dahil all this time, ngayon lang nila sinabi sa'ken ang katotohanan. But I get their point na they'll tell it to me once na nasa tamang edad na ako. I really am thankful to them dahil inalagaan nila ako kahit hindi nila ako kadugo." Nakita kong napangiti siya pero halata namang mapait ang mga ngiting iyon.

Nakita kong napatingin siya sa may langit habang nakangiti. "That's why after knowing all of these, I am still a Delos Santos. Supposedly, Padilla pero bilang regards na rin sa kanila, hindi ko pinapalitan ang apelyido ko."

"Then lately ko lang nalaman ang tungkol sa tunay kong ama. Nagpunta ako ng US para puntahan ang libingan niya do'n. And I admit na naiinis ako kasi hindi ko man lang siya nakilala bago siya mamatay. May biglang lumapit sa'ken na kaibigan ni papa and he told me na may step brother ako. Pagkatapos ko malaman ang tungkol doon, hindi na ako nagdalawang isip pa at inalam ko ang lahat lahat tungkol sa nag-iisa kong kadugo. Ang kapatid ko na si Daniel."

Biglang kumalabog ang puso ko pagkatapos niya sabihin iyon. Halatang determinado talaga siyang malaman ang tungkol kay Daniel. Hinanap niya pa talaga at inalam ang tungkol dito.

"A year ago, nakita ko siya na nagpunta sa US. I don't know how to feel but I really felt so goddamn happy after seeing him. I know it sounds too gay but after seeing my brother, it felt really overwhelming. 'Yung feeling na matagal mo na siyang gustong makita pero at last nakita mo na rin? Fuck, this is really too gay." Nakita kong namumula siya at halatang nahihiya sa pinagsasabi niya. Napangiti ako dahil doon.

STUPID PLAN (Currrently re-editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon