KABANATA 23

1K 60 14
                                    

AM’s POV :

Tuluy-tuloy lang sa paglaglagan ang masaganang luha sa aking pisngi. My heart breaks as I looked at Rome who’s peacefully sleeping in his new bed.

“R-Rome, I’m sorry. P-patawad kasi dahil sa akin, n-nariyan ka na at,” sinisikap kong pigilin ang aking paghikbi habang pinaglalandas ang palad ko sa kanyang glass casket. “..at wala ng b-buhay. Gusto ko lang m-malaman mo na sobra akong nagpapasalamat sa pagdating mo sa.. sa.. buhay ko.” I could hardly finish my word. Ang bigat na nakadagan sa dibdib ko ngayon ang nagpapahina sa‘kin ng sobra.

“Friend,” inakbayan ako ni Madison at siya ang nagsilbi kong sandalan. “magpakatatag ka ha? I know how painful and difficult it is but don’t worry dahil marami kami rito who are ready to sympathize and support you.” malumanay niyang wika at bahagya pang pinisil ang aking balikat. “Hindi ka namin iiwan.”

I nodded and said, “I’m having a hard time, Madi.” I wiped the liquid that had spread all over my face and tried to calm myself. “I don’t know why all these things happened in my life. Wala naman akong inaapakang tao para magkaroon sana ako ng matinding kaaway.”

Niyakap niya ako ng mahigpit at gusto ko na namang maiyak pero parang wala ng luhang lalabas pa sa mga mata ko. Drained na ‘ata dahil sa halos oras-oras kong pag-iyak doon palang sa Estrella Farm.

“We’re all not safe right now, AM. We don’t even know who our opponent is.” She sighed. “At sa ating lahat, ikaw ang dapat na mas mag-ingat because you are really their target. What happened to Rome was probably one of their ways para lumabas ka sa pinagtataguan mo.” mahabang litanya ni Madison. Alam kong pati siya ay nag-aalala na rin para sa kaligtasan ni Kuya Grover.

Napahugot ako ng malalim na hininga. “Nagtagumpay siya dahil heto ako ngayon.” sambit ko. I don’t even know how I should feel. Lungkot ba o galit? “Patawad, Madi, kung pati kayo ay nadadamay na rin.”

Inikutan niya ako ng mata at pasimpleng kinurot ang tagiliran ko. “Best friends tayo, AM, at isang pamilya nalang tayo ngayon since darling ko ang Kuya mo.” she said, grinning from ear to ear. “Bakit nga pala kailangan mong pabalikin kaagad si Kenshi sa pinagtataguan ninyo?” pagkuwa’y tanong niya sa‘kin.

“Kaia needs him, Madi.” I answered truthfully. “Gusto ko mang dalhin ang anak ko rito para makita niya si Rome for the last time,” I shook my head and let out a long, weary sigh. “hindi p’wede. Ayaw kong pati ang anak ko mapahamak dahil sa ‘kin, Madi.”

Hindi ko na siya dinala ayon na rin sa payo ni Nana Alicia at Tata Mario. Baka nga naman nakamasid lang ‘yong salarin at si Kaia naman ang puntiryahin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung ang anak ko naman ang sunod na mapapahamak. I won’t let that happen.

“So,” she arched her brows mockingly. “nagtitiwala ka na ngayon sa bad boy?”

Hindi ko napigilang ikutan siya ng mata. “Madi, He’s not a bad boy anymore.” mariing sabi ko. “Ilang taon na tayo, oh. Matatanda na tayo and Kenshi has changed. He’s now a good man, Madi. Malaki ang tiwala at paniniwala ko sa kaniya.”

She nods her head and smiled widely. “Nasa HIS palang tayo, alam kong mabuti siyang tao. Sadyang natatabunan lang ‘yon ng kalokohan niya na ikinairita ko noon.”

“Yeah, I agree.” sabad ng isang boses mula sa likuran.

Mabilis kaming umikot ni Madison paharap sa nagsalita at gano’n nalang ang gulat naming pareho nang makita namin kung sino siya.

STILL INTO YOU (ONGOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora