KABANATA 30

1.1K 63 36
                                    

YSSABELLA’s POV :

“Ughh... fuck!” Daing ko habang sapu-sapo ang ulo kong nagdurugo dahil sa pagkakahampas ni Kenneth sa akin ng baril. “Putang ina!”

“Boss? Boss...” Dinaluhan ako ng isa kong tauhan ngunit mabilis kong tinabig ang kamay niya at hinugot ang baril sa tagiliran niya. “Boss—”

“Shut up!” Nanggagalaiting bulyaw ko sa kaniya. “Pare-pareho lang kayong mga inutil. Habulin niyo na sila!”

“Y-yes, boss.” Mabilis siyang tumalikod at kumaripas ng takbo na akala mo takot na pusa.

“I will kill those bastards—”

“Subukan mong saktan ang best friend ko nang makita mo ang hinahanap mo.” Banta sa 'kin ng kung sino mang nasa likuran ko.

“And who the hell—oh!” Umawang ang bibig ko kasabay ng isang malutong na tawa. “Freya, Freya, Freya...” Umiling-iling ako habang pinupunasan ang dugong dumaloy na naman sa noo ko. “I thought we’re kind of friends already? I even pictured you as my travel buddy—”

“Cut the crap, Yssa.” She cut me off. “Tigilan mo na si AM dahil wala naman siyang masamang ginawa sa 'yo. Kung tutuusin ay pareho lang kayong biktima ni Rome. Iniwan ka niya at nagsinungaling naman siya sa kaibigan ko. Seriously, Yssa, you—”

“Just keep your mouth shut, and stay away from this mess.Babala ko sa kaniya sa kalmadong tinig. “Kinasangkapan lang kita pero hindi ko gustong gawan ka ng masama, Freya. Umalis ka na.”

“No!” Matalas ang tinging ipinukol niya sa akin habang unti-unting humahakbang palapit sa 'kin. “Itigil mo na ’to, Yssa. Kung may natitira pang katinuan diyan sa utak mo, tantanan mo na sila. Magsimula ka ng—”

“Shut the hell up!” I roared, glaring at her. “Stop wasting my time, Freya. Tumabi ka riyan sa daraanan ko.”

“Hindi!” Mas iniharang pa niya ang kaniyang sarili nang akmang hahakbang ako. “Makakaalis ka lang dito kapag napatay mo ako dahil hangga’t humihinga pa ako, hindi kita hahayaang saktan ang kaibigan ko.” Pagmamatigas niya. Determinadong protektahan ang kaibigan niya.

“Masuwerte si AM for having a friend like you. Naiinggit ako.” I chuckled. “Pero umalis ka na habang nagagawa ko pang kontrolin ang emosyon ko, Freya. Ayaw kitang sak—”

“Saktan mo ako. Ako nalang ang saktan mo h’wag ang best friend ko.”

I patted her on her shoulder then shook my head in annoyance. “Pasensiyahan nalang tayo, Freya.”

Bahagya ko siyang tinabig dahilan para mapaatras siya. Hindi ko siya pinansin nang paulanan niya ako ng mga mura at sa halip ay nagpatuloy nalang ako sa paghakbang paalis.

She’s indeed a good friend, but I don’t wanna waste more of my time arguing with her while I’m on my mission. I’ll just deal with her some other time.

“Hoy, Yssa! Hindi pa tayo tapos!”

Umikot ako paharap kay Freya at saka inumang ang baril ko sa kaniya.

“I’m running out of patience, Freya. Huwag mo ng sagarin baka mabaril kita.” Banta ko sa kaniya. Nangangati na rin akong iputok ang hawak kong baril sa ulo niya. Masiyadong makulit. “Huwag mo akong susundan!”

“Hindi ako natatakot sa ’yo!” Sigaw niya sa’kin. “Magagawa mo lang ang gusto mo kapag napatay—”

“Fine, then.” Walang alinlangan kong kinalabit ang gatilyo ng baril na nakaumang sa direksyon ni Freya at nagpaputok ng dalawang beses. Kaagad siyang natumba matapos ko siyang tamaan. “See you in hell...” Nakangising sambit ko saka hinipan ang dulo ng baril.

STILL INTO YOU (ONGOING)Where stories live. Discover now