KABANATA 4

273 54 0
                                    

ACE's P.O.V

Nag babalak akong pumunta mamayang gabi sa subastahan dito sa lungsod dito kasi makakabili ng mga magagandang uri ng armas at susubukan kong pumunta upang silipin ang mga sabi-sabi.

Inaantay kolang makatulog si Flynn dahil pagod ito sa aming ensayo gusto nya raw lumakas para makatulong saakin kaya sina ma ko siya sa pinag sasanayan kong lugar duon kasi nag pupunta ang mga low level Beast at ilan lamang ang nakaka alam nito.

Nang makatulog si Flynn ng mahimbing ay umalis na agad ako dahil baka masaraduhan ako ng pinto, malapit lang naman ang subastahan kaya tinakbo kona lang ito.

Agad akong nakarating sa lugar at pinakita ang aking emblem na isa akong mamamayan ng lungsod, ginagamit ang mga emblem para malaman kung saan kang lugar nakarihistro upang malaman din kung taga saan ginagamit ito dito saaming lugar pero kalimitan ay binabayaran nalang nila ang gwardya para makapasok.

Nang papasukin ako ay bumungad sakin ang napakalawak na silid, punong puno ito ng mga upuan may roon ding upuan sa taas na para lamang sa mga tanyag at mayayamang tao.

Pumunta ako sa dulong parte at doon umupo mas makikita kasi ng ayos sa parteng dahil medyo angat ang mga upuan, mamaya pa ay nag simula na ang subasta....

"Mga mamamayan ng Magnus bago tayo mag simula ay gusto ko munang mag pakilala, ako ang inyong lingkod nasi Ginoong Naro, may sampu tayong issusubasta sa gabing ito at siguradong pakikinabangan nyo ng malaki, at ngayon ayumpisahan na natin". Nag palakpakan ang lahat ng matapos itong umimik sa entablado may sampung naggagandahang mga dilag ang umakyat sa entablado dala ang mga bagay na natatakluban ng puting tela.

"Unang isusubasta, ginawa ito ng isang alchimest na tanyag sa ating kaharian gumawa siya ng isang uri ng potion na may kakayahang gawing Broze Plate ang isang level 6 warrior plate isang kahanga-hangang kayamanan hindi ba?, nag kakahalaga lang ito ng limampung Silver". Ito ang unang item na isusubasta ngunit napaka mahal na gustohin komang bilhin ay hindi maari malaki ang ma itutulong nito sakin ngunit wala akong sapat na pera para makipag sa bayanan sa mga bumibili.

Limampung Silver!!..

Animnapung Silver!!...

Walong pung Silver!!...

Dalwang daang Silver!!...

Natahimik ang lahat ng may bumili sa halagang dalwang daang Silver, isang kayamanan nga ang potion na iyon ngunit parang ang laki naman at ng presyong binigay ng matanda siguro ay ireregalo nya ito sa Apo niya.

Agad na ibinigay sa kanya ang potion dahil siya ang nanalo, tinanggap ito ng matanda na may ngiti.

"Ang sunod nating isusubasta at isang armas na natagpuan sa isang kweba,may nag sabi na ginawa raw ito ng isang magaling na Blacksmith ngunit wala naman itong basehan lalo pa at sira na at makalawang na ang ispadang ito na nag kakahalaga ng sampung Silver!".

Walang nag bigay ng presyo dahil sa itsura nito halatang napag lipasan na ng panahon ang ispadang inilabas, pangit na ang talim at halatang hindi na ito makakahiwa, ngunit may kung anong bagay sa loob ko ang gustong bilhin ito naparang sinasabi na ito ang armas na pag mamay ari ko.

"Dahil walang may gusto ng is--"

"Sampung Silver para sa ispadang yan". Hindi ko na pina tapos si ginoong Naro, binigay kona ang bayad at kinuha ang ispada.

Umalis na ako dahil wala naman na akong mapapala kung mag tatagal pa ako doon, imbis na umuwi ay dumaretso ako sa Danger Zone dito makikita ang mga Beast D gusto kung mag sanay sa mas mahirap na parran gusto kung lumakas agad dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dahil parang may mangyayari na hindi maganda.

Tear's of a LegendWhere stories live. Discover now