Chapter 03
Trigger Warning: Physical abuse
"Mababasa 'yung dress ko, hoy! Trevor!" sigaw ko nang biglang buhatin niya ako at tumakbo papunta sa may dagat. Pinagpapalo ko ang braso niya dahil baka mahulog kami!
Tumawa siya at binitawan ako. Imbes na dahan-dahang ilapag sa buhangin ay binagsak n'ya lang ako dahilan para mahulog ako at mag-landing sa tubig!
Ang sakit ng pwet ko, hayop na lalaking 'to!
Nabasa pati 'yung suot kong dress! Hirap akong tumayo habang hawak ang balakang ko, nakita kong tumatawa-tawa pa siya. Inis naman akong tumakbo papunta sa direksyon n'ya at hinabol siya, mas lalo akong nahirapan dahil tumakbo siya!
Kakatapos pa naman naming kumain, feeling ko tuloy ay naging bloated ang tiyan ko!
Hinabol ko siya hanggang sa mapagod siya at napa-upo sa buhanginan. Pagod akong umupo sa tabi niya at sinampal ang braso niya, tumawa siya tsaka inakbayan ako para mapalapit ako sa kaniya. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya, hinalikan niya ang ulo ko at pinatong ang ulo n'ya sa akin.
"I hope you enjoyed my gift." He whispered.
"May... regalo rin ako," sambit ko, agad siyang bumitaw at tiningnan ako. Dahil mas matangkad s'ya sa 'kin, at kahit nakaupo ay kailangan ko pang tumingala para matingnan siya.
"Talaga? What is it? You know... you didn't have to bother, baby," umiling ako at nag-paalam saglit para pumunta sa kotse n'ya. I asked him not to come and stay there, hingal akong bumalik, dala-dala ang paper bag na laman ang regalo ko.
Umupo ulit ako sa tabi niya at pinakita ang paper bag, I gestured him to open it. He was surprised to see what's inside.
Nanlaki ang mga mata n'yang kinuha ang isang kahon doon, laman no'n ay 'yung love box.
"A l-love box?"
Ngumiti ako at masayang tumango. He chuckled and opened the box, ang cute! Kulay light light brown 'yung love box, tapos may pixel red heart sa gitna. Nakita ko sa youtube na umiikot 'yung heart kapag naka-recieve ng message.
"May isa pa sa loob, tingnan mo," sabi ko.
Tumingin siya ulit sa 'kin bago binaba ang tingin sa paper bag na hawak n'ya. He gently took the small box out of the box and opened it.
'Yung kuwintas na binili ko para sa kanya, nabubuksan iyon, kaya nga locket necklace, at may mag-papakita na maliit na picture. Picture ko ang naka-lagay doon.
Pina-custom made ko pa 'yon, medyo mahal pero I know na worth it naman 'yon.
He smiled and slowly took the necklace out of its box, and he asked me to wear it to him. Umupo ako sa may likuran kung sa'n siya naka-upo at sinuot ang kuwintas sa kanya, bagay sakanya dahil maputi siya, mayaman ang dating at malakas ang appeal. I kissed his cheeks after which made me giggle.
"Can you sit beside me... please?" he asked in a husky voice.
Umupo naman ako sa tabi n'ya, nag-tataka. I was having a hard time, since I was wearing a dress and it was a bit uncomfortable. Ang ginawa ko na lang ay umupo ako, my body facing his. He touched my hands and slowly caressed it.
"This will probably be one of the best days of my life, ever. Thank you." He softly said. Inangat niya ang mukha ko para mapantayan ang tingin ng mga mata niya. He held my chin and kissed my forehead then his lips moved to mine, napa-pikit naman ako nang maramdaman ang malambot n'yang labi sa labi ko.
It was a soft kiss. I let go and stood up. "Tara sa... loob?" aya ko. Alam ko namang may mga rooms dito sa beach, ngumisi siya at tumango.
Ano ba ang iniisip ng lalaking 'to?! Mag-papahinga lang naman ako! Sa bilis ba naman n'yang tumakbo, sa tingin niya 'di ako mapapagod?!

BINABASA MO ANG
Until the Last Goodbye
RomanceUntil Again Duology #1 NOTE: I do not own the photo on the book cover. Credits to the rightful owner of it. His smiles make me feel comfort in him, but when I heard him saying the words I was hoping he would only say to me... My world shattered in...