Chapter 11

77 52 0
                                    

Pagkakagusto




"Sam, una na ako sa baba. Bili lang ako ng makakain natin mamaya." Nagkatalo pa kaming dalawa kanina kung sino ang mauunang maligo. Syempre, siya ang nauna.







Kakaligo ko lang at napansin kong marami pa namang oras. "Sige," tugon ko habang nagaaply ng mascara. Pwede namang sabay na lang kaming bumili. Kahit hindi mo tatanungin ay halata naman kung bakit atat na siyang bumaba. Hays








I am wearing white puff sleeves blouse at tinernohan ng straight cut maong pants. Pumunta ako sa tapat ng full length mirror at nahagip ng mga mata ko ang bulaklak na natanggap namin kanina.








Sino kaya ang nagbigay nito? Kung magbibigay man si Enzo ng bulaklak ay wala itong kasamang letter. Si Kean palang ang kilala kong ganito ang ginagawa.







Bumaba na ako at hinanap si Cel pero wala na siya sa snack bar. Asan na ba siya? Kala ko ba hihintayin niya ako. Kahit kailan talaga nang-iiwan ang babaeng 'yon.







Nakita kong papalapit si Kean sa akin na nakapamulsa. He is wearing a white collared shirt with gold lining on the sleeves at nakatuck in ito sa black pants niya. Medyo magulo pa ang buhok niya pero kaaya-aya itong tingnan. He is gorgeous as hell.






"Nagtext pala si Cel sa akin na sabay na lang daw tayo." Naalimpungatan ako sa mga sinabi ni Kean. Iniwan ako para makasama niya ang Justin na 'yon!





"Okay." Mataray ko siyang tinalikuran at nagderetso na palabas nang hilahin niya ang braso ko. Ano bang problema niya? Tinaasan ko siya nang kilay at bumaba naman ang tingin niya sa mga paa ko.

"Wear sneakers." Baritonong utos niya habang ngumuso sa suot kong red stilettos kaya napalunok ako. Nanghihina talaga ako sa boses niya. Ano ba ang pake niya kung ito ang susuotin ko? Hindi naman siya ang nakasuot para makaramdam man ng sakit.








Wala na akong nagawa kaya padabog akong bumalik sa room namin ni Cel at pinalitan ang suot kong sapatos. Ang ganda pa naman ang stilettos na 'yun, sayang lang kung hindi ko magagamit. Kainis naman kasi!







I went down wearing my white platform sneakers. Gusto ko pang maging matangkad kaya wala na siyang magagawa kung ito ang susuotin ko.







Nakita kong nakaupo sa lounge habang nilalaro ang cellphone niya. Ilang saglit ay napansin niya ako kaya tumayo na siya at lumapit sa akin. "Let's go. Nagsimula na raw ang event." Nauna na si Kean at sinundan ko siya papunta sa sasakyan niya.

"Thank you for the bouquet." Lakas loob kong sinabi ito kay Kean. Paano naman kasi, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob para kausapin siya. Kaya huwag na huwag niyang sisirain ang mood ko ngayon.

"Bouquet?" Napalingon ako agad sa kaniya. Hindi siya ang nagpadala nun? Imbes na manlamig ako dahil sa hiya ay bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya. "Kung hindi ikaw, sino?" Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang nagmessage.









Unknown number? Binuksan ko ang message at nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa. Si Nathaniel ang nagpadala nung bulaklak?!








Unknown Number: Good morning, Sam! This is Nathaniel by the way. Goodluck sa second day niyo sa Tagaytay. Also, sana nagustuhan mo ang pinadala kong bulaklak.









"Nakatanggap ka ng bulaklak at akala mo na sa akin galing 'yun?" Napunta ang tingin ko kay Kean at nakitang siyang nakatingin sa akin bago niya ito binawi

The Last PetalWhere stories live. Discover now