CHAPTER 4

15 0 0
                                    

Naalimpungatan Ako Dahil Ang Ingay Ingay. Mas Niyakap Ko Pa Lalo Ang Unan Ko Ang Sarap Naman Yakapin Nito.... Wait. Bat Ang Ang Laki Naman Ng Unan Ko Kinapa Kapa Ko Ang unan Ko Bat Ganto To... Pagmulat o ng mata ko napalayo ako agad lintek oo nga pala nakatulog ako sa bisig ni Aiden. Gulat akong nakatingin sa kanya at sya naman nakakunot lang ang noo na nakatingin sakin.

"Oh problema mo babae?" umiling lang ako at umayos na ng upo katabi nya. Kaya pala maingay dahil andito na din sila Seira.

"Kanina pa ba kayo dito?" tanong ko sa kanila

"Kanina pa kami andito naabutan namin kayong natutulog dito kainis bago pa man din namin kayo mapagtripan itong si Aiden nagising agad hmppp.. "sabi ni Kim

"Ang ingay nyo eh sinong di magigising don nagtatalo pa kayo kung sino sa inyo mauuna hahaha" napapailing na nakatingin si Aiden kila Seira.

"Eh bakit tong si cess tulog na tulog parin kanina tulog mantika talaga" napatingin ako bigla  kay sammy at pinagtaasan sya ng kilay.

Samantha Castro,20 years old cute, sexy, maputi at matalino. Nag momodel din ito. Kim Ong, 19 years old may lahing Chinese, maganda, matangkad, sexy at matalino parehas sila na tourism ang kinuha. Bagay naman sa kanila yun okay lang din yun para kapag nagplano akong sumakay sa eroplano at sila ang crew don papalibre nalang ako hahaha.

"Tara na guys anong oras na marami pakong gagawin"

"Gurl sa inyo muna ako ahhh.. nagpaalam na din ako kila daddy" sabay kapit sakin ni Seira.

"Okay ayos lang naman kayo ba kim hindi kayo sasama?"

"Next time nalang may family dinner kami ngayon eh " tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad.

Panay ang harutan at asaran namin habang naglalakad nagsisimula na ding mag uwian ang mga istudyante. haysss.. akalain mo yun napaka bilis ng araw parang kailan lang. Hindi din natin namamalayan ang mga nangyayari satin sa bawat araw. Tiningnan ko sila habang masayang nagtatawanan, napangiti nalang ako sana ganto nalang kami palagi... sana....

Pagdating namin sa parking lot ay nag kanya kanya na kami si Aiden ay ihahatid sila kim sa bahay nila dahil wala silang sundo at kami ni Seira, ito nakaabang na ang napaka gwapo kong sundo. Si kuya Dem ang sundo ko ngayon kaya lahat ng dumadaan dito ay napapatingin sa kanya sus.. sikat kasi ang kuya ko dito nung pumapasok pa sila.

"Hi kuya dem" sabay talon ko sa kanya para mayakap sya natawa si kuya sa ginawa ko at niyakap ako pabalik.

"Hi bunso kamusta school?" pinagbuksan kami ni kuya ng pinto at pumasok na kami. Mabilis naman syang umikot para pumunta sa driver seat.

" Ayos lang kuya nakakapagod " nakakapagod daw haha natulog lang naman ako at nakinig pero yung katawan ko ang bigat bigat siguro dahil sa puyat.

"Pahinga ka na pagdating sa bahay, Hi Seira balita ko magpapakasal na ang Kuya Gabriel mo" napatingin ako bigla kay Seira sa sinabi ni kuya aba wala naman kasing na kwekwento tong bruhang to no. Inirapan nya muna ako natatawang tumingin sa harap.

"Yes kuya Dem, ikakasal na si kuya next month."

" Bilis naman ata?" nakikinig lang ako sa kanilang dalawa chismis to ano ba haha.

" Atat na atat na si kuya nauna na nga honeymoon amp."

Sabay ba kaming natawa ni kuya sa sinabi nya. Hindi naman bago samin na ganon si kuya Gab noong nasa college pa sila kaliwat kanan ang babae nun. At syempre puro s*x lang pagtapos nun wala na. At alam kong ganon din ang ginagawa ng mga kuya ko. Tsk. mga lalaki nga naman.

" Gusto atang makabuo agad hahaha"

" hmmppp.. di ko alam kung ano nagustuhan ni ate cecile don eh mukha namang bisugo yun"

"Ano ka ba ganon talaga kapag nagmamahal" nagmamayabang kong sabi kala naman talaga may naging boyfriend na kung makasabi eh.

"Kapal mo wala ka pa ngang nagiging boyfriend kala mo naman may experience na" nakangising sabi nya sakin pero inirapan ko lang sya.

"Hakdog ka!" kailangan ba may experience para magsabi nun sus..kapag nagmahal ako gusto ko sya na ang una at huli.

"Hindi pa pwedeng mag boyfriend si cess hanggat hindi pa 30" pinanlakihan ko ng mata si kuya sa sinabi nya abat ano sila hilo seryoso talaga sila don no way!!!.

"Grabe kayo ha! wow kahiya naman 30? wag na kaya akong magasawa hanep kayo".

"Then it's settled hindi ka na mag aasawa"

Lumapit ako kay kuya at pinagpapalo sya my gosh dami kong plano sa buhay at kasama don ang mag ka pamilya no.

"Epal ka talaga kuya Dem susumbong kita kay Kuya hell mamaya kala mo"

Tawang tawa naman sila sakin mga lintek nato. Puro asaran at kwentuhan ang nangyari sa byahe namin pagdating namin sa bahay andoon ang mga kotse ng iba kong kuya. Napatingin ako sa orasan ko 5:00 pm palang ah himala maaga silang umuwe.

"Hey yowwww mga kuya kong bingot" nakasigaw kong sabi sa kanila dahil nasa sala silang lahat. Agad naman akong napaiwas ng batohin ako ni kuya Seb ng unan. Malakas akong tumawa sa naging reaksyon nila.

"Sa gwapo kong to tatawagin mo lang bingot?" binelatan ko lang sya at tumalon sa kanilang lahat.

"Aray bunso ang bigat mo"-kuya Deb

"Get up young lady"kuya Hell

"Itong babaeng to ano kala mo sa sarili mo magaan?!" -kuya seb

Tinadyakan ko si kuya Seb kaya nahulog sya sa sofa at kami naman tawa ng tawa. Sinamaan nya lang ako ng tingin at tumayo na. Napabaling ang tingin nila ng magsalita si Seira

" Hello po mga kuya dito muna ako ngayon" sabay upo katabi ko.

"Ayos lang naman samin welcome ka lagi dito" ginulo ni kuya Deb ang buhok ni Seira kaya nag mukha syang bruha impit naman akong natawa sa itsura nya.

"Kuya Hell si kuya Dem sabi oh 30 years old daw ako mag aasawa *pout*"

"Yes we already talk about it" napatayo naman ako sa sinabi ni kuya hihingi sana ako ng tulong kay kuya Deb kaso umiling lang to hudyat na lahat sila ganon ang plano pambihira nayan ano yun hindi makatarungan yun!

"What!!!! are you serious? my gosh! ang tanda ko na nun kuya grabe naman yung 30" maiyak iyak akong tumingin sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay nakakainis naman ehhhh.. nagpapapadyak akong umupo sa tabi nila.

" Wala ka pa namang boyfriend eh at isa pa hindi naman kami tututol kung magmahal ka na talaga at kung alam namin sya na ang papakasalanan mo" -kuya Deb

"Talaga kuya" ngumiti ito sakin at inakbayan ako

"Oo pero sa ngayon wala pa naman kaya ang planong 30 ka pa ikakasal yun parin ang susundin" tumango nalang ako sa kanila wala naman din akong magagawa saka oo nga naman wala pakong boyfriend .

"Sige na umakyat na kayo sa kwarto at magbihis maya maya kakain na tayo" lumapit ako sa kanila at kiniss sila sa cheeks. Inaya ko na si Seira at umakyat na kami. Pagdating namin sa kwarto nagtatatalon ang gaga. Naloloka na naman.

"Kyahhhhhhhhh!!! ang gwawapo talaga ng mga kuya mo gurl lalo na si kuya Hell grabe ang hot" nagtatalon ang gaga sa kilig. Well lahat namn talaga ng mga kuya ko ay pinagkakaguluhan madalas ko lang silang tawaging bingot kasi nakakatawa reaksyon nila.

"Hindi ka parin ba nasasanay sa mga mukha nila eh halos dito ka na nga tumira".

"Gurl hindi ako masanay sanay ehhhh ang yummy lahat gurl"

"Kadiri ka sige na mag ayos na tayo"

Naglulumpasay parin sya hanggang ngayon loka loka. Kaya pala tahimik lang kanina tinutunaw na pala sa tingin ang mga kuya ko.

Chasing my EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon