CHAPTER 6

15 1 1
                                    

Nagising akong katabi si Siera nakatulog nga pala kami kagabi dahil pagkatapos namin manuod ay umisa pa sila hindi ko na namalayan. Siguro sila kuya nagbuhat samin.

Tiningnan ko ang alarm clock ko sa gilid at 6:00 am na pala kadalasan mas nauuna pako sa alarm clock ko nato. Maaga pa nman kaya di ko muna ginising si Seira. Tumayo nako at dumiretso sa banyo.

Pagpasok ko napatili agad ako dahil may ipis ayoko pa naman ng ipis.. Napatakbo ako sa labas at nagulat akong nasa sahig na si Siera.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Sira*lo ka nagtanong ka pa natutulog ako bigla kang tumili dyan ng pagka lakas lakas". ang sama ng tingin nya sakin nag peace sign naman ako dito at dali daling lumabas ng kwarto.

Dahil mas malapit ang kwarto ni Kuya Seb sakin kaya sya ang pinuntahan ko papatanggal ko yung ipis sa kanya. Hindi mahilig mag lock ng pinto sila Kuya dahil nga minsan kapag di ako makatulog o kaya kapag naaalala ko sila mommy sa kanila ako tumatabi. Pagbukas ko naabutan kong nagaayos si Kuya Seb kaya naman patakbo akong lumapit sa kanya at sumampa sa likod nya. Nagulat naman sya at inalalayan ako sa likod.

"Bunso ang bigat mo bumaba ka na" naiinis nyang sita sakin.

"Ayawww... Kuya tanggalin mo nga yung ipis sa banyo ko oh hindi ako makaligo ehhhh*pout*"

"Parang ipis lang eh takot na takot ka, bumaba ka na at pupunta na tayo sa kwarto mo"

" Ayaw piggy back kuya please"

"Haysss. kahit kailan ka talaga hindi ka na bata bunso na magaan lang dati ngayon kung nakikita mo sa sarili mo napaka bigat mo na"

"Sexy parin naman ako ahhh "

" Oh sige pagbigyan"

Hinampas ko si Kuya sa sinabi nya napaka nito hmmpp. magaan lang naman ako no saka sexy parin naman kahit malakas akong kumain. Palagi namang sinasabi ni kuyang mabigat ako kahit na hindi naman. susss.

Inayos nya ako at saka nagsimulang maglakad na naka long sleeve na si kuya kaya medyo nalukot na din ito. Paglabas namin nakasalubong namin si Kuya Deb at Kuya Hell. Paglapit nila samin ay agad naman nila akong hinalikan sa noo.

"Good morning bunso aga mo namang mambwisit sa Kuya Seb mo hahaha"

"F*ck you Deb" napatawa naman ako sa sinabi ni kuya asar na asar sya eh.

"Morning Princess" at bahagya akong nginitian ni Kuya Hell.

"Good morning mga kuya kong pogi hihihihi." Ang gwapo talaga ng mga kuya ko oh naka business suit na silang dalawa maaga talaga silang umaalis para maaga din nilang matapos ang mga papers nila sa office.

"Lakas mo ah! sakin walang habas kang pumasok at sumampa sa likod ko wala pang good morning!" hindi na maipinta ang mukha ni Kuya Seb hahaha..

"Good morning sa napaka pogi kong Kuya *mwahhhhh*"hinalikan ko na din sya sa pisngi. Napatawa naman sila kuya sa ginawa ko.

"Bat ba nakasampa ka sa likod ni Seb bunso?" nagtatakang nagtatanong ni Kuya Dem na kakadating lang habang inaayos ang necktie nya.

"Papatanggal ko sana yung ipis sa banyo kuya eh" nakangiwing sabi ko.

"At dahil isip bata sya gusto nya pang mag piggyback kala siguro nito magaan sya pambihira". nginusuan ko nalang si Kuya Seb sa sinabi nya.

"Go.Do it now Seb" pagkatapos sabihin ni Kuya Hell yun ay nagpatuloy na silang maglakad sumabay na din kami at lumiko na papasok sa kwarto ko. Binaba nako ni Kuya. Kinuha nya yung spray sa gilid saka sya pumasok sa banyo. Maya maya lang ay hawak hawak na nya ang ipis mukhang patay nato.

"Bunso oh ipis yari ka sakin" napaatras ako ng wala sa oras si Seira naman natulog pala ulit. Kaya no choice ako kundi tumakbo palabas at syempre dakilang epal si Kuya Seb ay hinabol nya ako.

"kyahhhhhhhhh.... ayawww ko nyan kuya tigilan moko ahhhhhhh!!! ". Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa dining area dahil andoon sila Kuya Hell. Mas lalo ko pang bilisan ang pagtakbo dahil malapit  nakong maabutan ni Kuya Seb. Paglingon ni Kuya Hell ay agad ako tumalon sa kanya nagulat pa sya pero agad naman nya akong nabuhat.

"ahhhhhhh... Kuya Hell si Kuya Seb hinahabol ako dala yung ipis" maiyak akong humarap sa kanya.

"Bunso ito ohhhh ya.." hindi na nya naituloy ang sinabi nya ng batukan sya ni Kuya Dem pigil naman ang tawa kong tumingin sa kanya sabay belat.

"The f*ck Dem why did you do that!" habang hinihimas ang ulo nya at talagang hawak hawak nya parin ang ipis na yun.

"Masyado mo ng tinatakot si bunso tantanan mo, tatamaan ka sakin". Inirapan sya ni Kuya Seb sabay lapit sakin kaya naman mas lalo akong napasiksik kay Kuya Hell.

"Wala na yung ipis tinapon ko na napaka duwag nito" tiningnan ko ang kamay nya at wala na nga kaya bumaba nako.

"Napaka mo kasi eh kitang takot sa ipis ehh "

"Go upstairs young lady take a bath now your going to be late" napatango ako sa sinabi ni Kuya Hell at nagpaalam nako sa kanila. Patakbo akong umakyat dahil malalate na nga kami nito si kuya kasi pa epal.

Nilapitan ko si Seira at sinabihan kong maghanda na. Tumayo na din sya at nagayos. Ginawa na namin ang mga dapat gawin ng isang babae binilisan namin dahil baka malate pa kami. Sabay kaming lumabas at tumuloy sa dining area. Naabutan naming nagkakape sila Kuya nag good morning si Seira kaya nginitian sya nito.

"Kumain na kayo at si Kuya Hell ang maghahatid sa inyo bunso" tumango ako kay Kuya Dem at nagsimula ng kumain.

Ganto kami palagi sabay sabay kaming kumakain sa umaga at sila naman ay by schedule ang paghatid sakin sa school mas gusto kasi nilang sila mismo maghatid sundo sakin. Nagiisang babae pa man din daw ako sa pamilya.. and i found it sweet hihihihi...

Matapos kumain ay nag kanya kanya na kami naunang umalis sila Kuya Seb dala ang mga kotse nila at kami naman ni Seira ay pumasok na sa kotse. Habang nasa byahe kami ay malimit lang magsalita si Kuya Hell kaming dalawa lang ni Seira ang maingay. Ganyan talaga si Kuya Hell nagmana kay daddy.

Nakarating kami sa school ng mabilis at nagtataka ako bat ang daming tao sa parking lot anong meron. Paglabas namin ay lahat sila nakatingin samin at don ko nahulaan na si Kuya Hell pala ang inaabangan ng mga kakaibihan nato. Lumabas na si Kuya Hell kaya nagtilian ang mga kababaihan dito pambihira nayan kala naman nila papansinin sila ni Kuya Hell ko hmmpp..

"Take care ok. Be a good girl iloveyou". hinalikan ako ni kuya sa noo saka ngumiti ng mahagya.

"Okay kuya iloveyou toooo *mwah*" pagkatapos ko syang halikan sa cheeks ay nagpaalam na sya at umalis. Kami naman ni Seira ay nagsimula ng maglakad panay parin ang tingin samin ng mga tao pero hindi nalang namin pinansin.

"Awtss.. ang sweet talaga ni Kuya Hell no kahit cold sya at hindi mahilig magsalita pagdating naman sayo nagiging sweet sya."

"Syempre bunso eh" kinindatan ko sya at sabay kaming natawa.

Napaka swerte ko sa mga Kuya ko no. Ganon talaga sila sakin. Wala na sila daddy kaya ganon sila. Palagi nilang sinasabi sakin na aalagaan nila ako palagi at hinding hindi nila ako iiwan.

---------------------------------------------------------

Chasing my EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon