CHAPTER 01

81 6 0
                                    

11:11 Happiness

Nagising na lang ako sa malakas na alarm ni El. Magkatabi lang kasi kami ng kwarto at hindi naman soundproof ang mga ito. Kaya dinig na dinig ko yung alarm niyang naka-connect sa isang speaker.

"Good morning...." bati ko sa sarili ko.

Alas kwatro y media palang ng umaga pero gising na kami. Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba pero hindi ko pa sinuot yung uniform ko.

"Anong ulam?" bungad ko nang makitang nagkakape na sina Rachel at Von doon.

"Noodles." inaantok na sagot ni Von.

"Ilang oras tulog mo Dan? Ako tatlong oras lang," wika ni Rachel na nagpalalaman ng mga tinapay.

"Tatlong oras lang din. Sanay na rin naman tayo," biro ko pa.

Nagtawanan kaming tatlo doon. Kalaunan ay bumaba na rin si Stef na nakauniform na. Sunod sa kaniya si El na nakatapis.

"Anong gimik yan?" tanong ni Von sa kaniya.

Nakatingin kaming lahat ngayon kay El. Kunot-noo ko siyang tinignan, may dalaw ito.

"Wala akong extra,mare." saad ko.

"Same," -Rachel

"Same..."- Stef.

"Anong gimik yan?" tanong ni Von sa kaniya.

Umirap lang ito at umupo sa sahig. "Bibili na lang ako diyan sa baba at magpapaload na rin." wika ko.

Nagsuot ako ng trench coat. Oo, dahil sobrang lamig dito ngayon.  Isa lang ang store na kalapit namin at nasa baba pa.

Pagkarating ko doon ay papabukas pa lamang sila. Kaya ako ang buena mano. Okay lang, swerte naman ako.

"Ate, pabili ng pads isang pack at paload na rin globe."

"Okay, Ms. Beauty." sabi nito. "Pagraduate na pala kayo. Mababawasan na customer ko." malungkot na wika nito.

"Nako ate. Law school pa ako at yung mga barkada ko dalawa sa kanila magmemed school." paliwanag ko.

"Sana all hindi napapagod mag-aral." biro pa nito na siyang ikinatawa namin.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang may dumating na customer. Pero hindi ko naman ito inabalang tignan.

"Ate, pabili po ng pandesal." malamig ang boses niya.

"Te, mauuna na ako." paalam ko naman kay Ate Tinang.

Habang nasa daan ako ay dinial ko ang number ni Sam. Yung kaibigan naming nasa Manila.

"Oh? Bahay pa kayo?" mapang-asar na bungad niya.

"Ang masamang damo matagal mamatay." natatawang sabi ko.

"I know right. Bakit ka napatawag? Yung utang ko sayo? Wala pang pambayad." deretsong wika nito.

"Hindi. Kailan punta mo dito?" tanong ko.

"Secret. Baka hindi pa ngayon." sagot niya.

"Ah okay. Bye."

Inend ko na ang tawag dahil baka hinihintay na nila ako. Pagpasok ko sa loob ay kumakain na sila.

Hindi manlang naghintay mga hampaslupa. Umupo ako sa tabi ni El at inilapag ang napkin sa harap niya.

"Thank you!!" masaya niyang wika at nagpunta sa cr.

A wish: 11:11Where stories live. Discover now