CHAPTER 04

38 4 10
                                    

11:11 Dreams.

I always ask myself every night ,"Will I be able to pursue my dreams to be an International Lawyer or a prosecutor?".

Madaling araw pa lamang ay nagising na ako dahil sa isang tawag. Napakunot ang noo ko dahil isa itong unregistered number at abroad pa.

"Hello?" namamaos pa ang aking boses.

"Oh good day. Is this Miss Dianne Ferrer?" a lady
asked.

"Yes. May I know who am I talking to?" tanong ko.

"This is Catherine from Harrison International Law School. I'd like to ask if you want to secure your spot and congratulate you for passing the enrollment."

"Oh my gosh. Yes! I'd like to secure my spot." nagmamadali kong sagot.

"Okay. Thank you and welcome to HILS. This is a full scholarship so congratulations. The faculty will be sending the whole details on your email account."

"Thank you so much." 

Pagkatapos ng tawag ay tumili ako. This is it! A step closer to my dreams. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak habang tinatawagan sila sa bahay.

"Oh? Dia, napatawag ka?"

"Ma! Sa UK na ako mag-aaral ng law!!" masayang wika ko.

Narinig ko ang pag-tili ni mama sa kabilang linya. In the first place she really don't want me to pursue law. She want me to enter PMA. 

"Salamat sa Diyos! Luluwas kami diyan next week." wika nito.

"Opo. I'll see you here." masayang sabi ko bago i-end ang tawag.

Graduation na next week. Ang bilis ng panahon. Lumabas ako ng kwarto dahil alas singko na din naman. 

Tulog pa sila kaya napagpasiyahan kong lumabas upang bumili ng pandesal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa balita. 

"Aray ko naman…" 

Mayroong impaktong nakabunggo sa akin habang naglalakad ako. Hindi ko na lang ito pinansin at dumeretso sa tindahan.

"30 pesos nga po." 

"Ang aga mo ah? Anong nangyari bakit ka tumili kanina?" tanong ni Ateng Tindera.

"Nakatanggap nga kasi ako ng tawag mulsa sa inapplyan kong university sa UK. Eh tanggap ako kaya ayon!"masayang balita ko.

"Wow! Congrats, Dia. Dahil diyan libre na itong bibilhin mo at may free pang butter!" wika nito.

"Salamat ate!!" 

Kinuha ko ang binigay niyang pandesal at nagmamadaling umuwi. Ang lamig grabe. 

Saktong nasa baba na silang lahat nang dumating ako. Inilapag ko sa mahabang mesa ang dala kong paper bag.

"Good morning sunshine! May maganda akong balita!!!" excited na wika ko.

"May jowa ka na?" nanlalaki ang mga mata ni Von na nagtanong.

"Tanga ka ba? Yung crush nga niyan na sinasabi niyang road to jowa na daw eh may jowa na."
Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni El. Sarap nitong patulugin sa labas.

"Mas maganda pa! Pasado ako sa Harisson Law! " sigaw ko.

Natahimik silang lahat dahil sa gulat pero after 30 seconds ay naka-get over na. Halos mag-iyakan na kami sa loob ng flat habang nagkakape dahil sa saya.

Si Steff ay naka-enroll na din sa med school. Si Sam ay nagrereview na sa board exam pati si Rachel. Konti na lang. 

"Graduation na next week. Uuwi kayo sa probinsya?" tanong ni Zy.

A wish: 11:11Where stories live. Discover now