Letter #1 - Always be my baby

5.4K 112 48
                                    

FIRST UPLOAD:  April 18, 2021

**********

Dearest Baby Girl,

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang lahat. Katatanggap ko lang ng mga sulat mo at habang isa-isa kong binabasa ang mga iyon, parang ibinalik nila ako sa pinakamasayang yugto ng aking buhay. Kung sabi mo iyong pagkakapasok ko sa klase natin sa Econ 11 ang simula ng pinaka-exciting na pangyayari sa buhay mo, ang sa akin naman ay nang masilayan kitang naglalakad sa hallway ng Quezon Hall. And that was way before that Econ 11 class! Haha!

Gusto kitang lapitan right there and then, pero natakot akong isnabin mo. I may be considered by many as the hottest guy in campus, but when it came to you I did not have that confidence people knew me to be oozing with. I guess, that was because I liked you so much---no scratch that---I did not just like you then. I fell in love with you at first sight! Kaya kahit hindi ko sana kailangan ang Econ 11, napa-register ako. Haha!

Iyong tanong mo kung nagpapa-cute lang ako sa iyo sa canteen no'n nang sinabi kong, "You look familiar" after almost a semester of being classmates in Econ 11, you bet I was! Haha! Hindi ko kasi alam kung paano kita kausapin. Sa klase natin, hindi kita makausap nang matino kahit lagi tayong magkatabi at magkausap din kahit papaano. Tinuturuan pa nga kita noon sa mga econ equations, right? Paano kasi'y dumadagundong ang puso ko sa tuwina at hindi ako makapag-concentrate kapag tumitingin ka na sa akin! Kahit mismong sasabihin ko sa iyo ay nakakalimutan ko gayong pinraktis ko naman ang mga iyon nang ilang beses sa harapan ng salamin sa kuwarto ko. Your presence was really that powerful. Nakakaturete. Nakakatorpe.

Dapat alam mong type na type kita talaga kita noon. Isipin mo na lang, ha? Wala tayong seating arrangement sa classroom ni Dr. Dominguez no'n, pero sa buong semestreng magkaklase tayo sa class na iyon ay lagi akong naupo sa tabi mo. Ilang beses kang nagpalipat-lipat ng upuan noon. That I remember clearly. Minsan, sa unahan ka nauupo. Minsan, naman sa likuran. At kahit sa gitna ka pa pumwesto sa tabi mo pa rin pinipili kong maupo! There was a time pa nga na sobra akong na-late at may nakaupo nang iba sa bawat gilid mo. Wala akong nagawa kundi ang mag-settle na lang sa iyong likuran. Pero malapit pa rin sa iyo, di ba? Haha! I was that crazy about you, baby girl.

Kahit kay tagal na no'n, pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari lahat ng iyon. Buo pa rin kasi sa alaala ko kung paano ka ngumingiti o tumatawa sa tuwing dumidiga ako ng walang kakwenta-kwenta kong jokes. Sasabihin mong ang corny ng mga iyon, pero humahagalpak ka rin ng tawa. And I really do appreciate that about you.

I missed you terribly, my love. Kahit ano pa man ang nangyari sa pagitan nating dalawa, you will always be my baby.

Your Big Daddy,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Where stories live. Discover now