Letter #26 - What if

356 32 10
                                    

Dearest Baby Girl,

Sometimes, in the middle of the night, when I think about you---us, hindi ko naiiwasang isipin na what if anak ko ang iyong unica hija? I counted the months from when we did it tapos iyong sabi mong pinanganak mo siya. Hindi kaya...?

The more I think about it, the more my heart believes that she could be my daughter after all. Baka iyan ang dahilan kung bakit malabnaw ang pakikitungo sa kanya ng Damian na iyon. Baka iyon din ang iniisip niya. Na hindi kanya si Rona!

To be honest, baby girl, nakakaramdam ako ng ibayong excitement sa naisip kong possibility na baka nga anak ko rin ang pinakamamahal mong si Ronaldhina Gregoria. My name's feminine version felt a bit strange on my tongue. Haha! Isipin mo kung totoo nga iyan? Mayroon akong dalawang anak somewhere here in the Philippines! Sigurado akong matutuwa ang aking dalawang anak kay Lily kapag nalaman nilang mayroon silang dalawa pang kapatid. Isn't that exciting?

I know, I know. Sabi mo si Damian ang tunay niyang ama. But who knows? Minsan naman kasi ay namamali ng bilang ang isang babae. That has nothing to do with you, my love. Hindi ko tinatawaran ang iyong kapasidad sa pagtukoy kung sino sa aming dalawa talaga ang ama ni Rona. Nagbabakasali lang ako. Kung mayroon akong dalawang anak sa iyo, the better, di ba? Mapupunan ko lahat ng pagkukulang ng hinayupak na lalaking iyon at maipapadama ko kay Rona kung paano ang magkaroon ng isang ama. At mas masarap iyon sa pakiramdam kung totoo ngang nanggaling din siya sa akin.

I have been thinking about Ricardo and Ronaldhina a lot lately. May mga naipakilala na rin pala ang aking imbestigador noong nakaraang araw. Dalawa sila. Swak na swak sa description mo sa sulat ang kanilang pinagmulan. Parehong ampon. Malapit din sa dating First Lady ang kanilang mga magulang, subalit---forgive me, my love. Hindi sa nanglalait ako ng hitsura ng aking kapwa, pero kung totoo ngang anak natin ang isa sa kanila, sigurado namang guwapo ang bata. Tama? Sa iyong pagsasalarawan sa kanya noong siya'y binatilyo pa lamang nabatid ko nang may hitsura nga ito. Magkakaroon ba tayo ng panget na anak? All right. There. Nasabi ko na. Ang dalawang Ricardong pinakilala ng imbestigador sa akin ay mga five-eight, five-nine lang ang tangkad saka may pagka-chubby at medyo maitim. Wala sa lahi ng mga Santillan, that is on my father side, ang pagiging chubby o ang pagiging dark-skinned kahit na sa mahirap na pamilya lang sila nagmula. Mas lalong wala rin sa side nila Mom. Nabanggit mo rin noon sa akin na lahat kayo sa pamilya ay slender saka mapuputi. Tingin ko naman namamana ang pangangatawan at kulay ng balat kaya...

Unang kita ko pa lamang sa dalawa, na-disappoint na ako. Sabi nga ng imbestigador ko, why not ipa-DNA ko raw? Napailing lang ako. How could I do that? Sigurado naman akong hindi sila ang Ricardo na hinahanap ko. Natitiyak kong ang anak ko sa iyo ay hawig sa ating dalawa. Period. Sabi mo nga kamukha ko, di ba? So dapat mestisuhin ang bata.

Anyway, I'd like you to know, hindi pa rin ako sumusuko. Pasasaan ba at makikita rin natin ang ating anak. Sigurado ako riyan. Baka nga hindi lang iisa ang aking matagpuan. Who knows? Baka ang pinakamamahal mong unica hija ay akin din pala! That would be great, if indeed true.

H'wag kang magagalit, mahal ko. The first thing that I would do upon meeting your daughter would be to have her DNA samples checked. Gusto ko lang makasiguro. (Wink, wink.)

I love you, baby girl. I cannot wait to meet our children!

Your Big Daddy forever,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora