Letter #33 - Almost there

344 47 7
                                    

Dear Baby Girl,

Did I tell you that Lily and I never really made it clear to Luke kung sino ang kanyang ama? Nang pinanganak kasi siya at makita namin kung gaano ang hawig niya sa kanyang tunay na ama, naging tila mabigat na para sa aking asawa ang lahat. Mabanggit lang ang tungkol sa biological dad ni Luke ay nagbe-break down na si Lily. Dahil pinagdadaanan ko rin ang katulad ng kanyang hinagpis, we made an unspoken agreement not to mention anything about Johan and his connection to our son. Alam kong nagtanong din si Luke ng kanyang lineage sa kanyang ina noon. Subalit hindi naging klaro ang sagot ni Lily. She just told him he was a special kid and that she looks exactly just like his dad so she loves him so much. Ang inakala ng anak ko noon, ako ang dad na tinutukoy ng kanyang mommy.

Naalala ko pa noon, nang maliit si Luke he was bullied in school when his classmates found out he's half-Filipino. Ganoon kasi namin siya pinalaki. We made him think that he is my biological son. Sa pagkakatanda ko, he did a research about my family in Spain. Tapos tinanong ako kung paano siyang nagka-blue eyes at blonde hair gayong dark-haired at brown eyes naman daw ang lahat ng mga ninuno namin sa Espanya. Dapat daw sana kamukha niya ang kanyang bunsong kapatid. Mestisahin. Maputi at brown-haired girl pero dark brown ang kulay ng mga mata. Ang paliwanag na lang namin ni Lily, everything is possible because of mutation. He stopped asking us questions. Ang inisip ko na lang na he accepted it as it is. But lately, narinig ko sa pag-uusap nilang magkapatid na nagwa-wonder pa rin si Luke kung totoo ngang anak ko siya. I guess, it's because I told him na kapag napatunayan kong anak ko rin si Rona, hinding-hindi sila pupwedeng magpatuloy sa kanilang kahibangan.

To be honest, I'm beginning to get exasperated with your daughter. Sobrang tigas ng kanyang ulo. Parang nakikita ko rin ang sarili ko sa kanya. Ganoon din ako noon eh. Sanhi ng sakit ng ulo ng aking mga magulang. Haha! Sabi mo nga noon sa akin, bawas-bawasan ang pagiging stubborn. Naging ganoon lamang ako noon dahil na rin sa kanila. Gusto nila kasing kontrolin ang buhay ko. Sad to say, walang nagawa ang pagiging hard-headed ko. They succeeded in making me live the life they wanted me to live.

Mabalik tayo kay Rona. Ilang linggo ring tumanggi siyang magbigay ng sample for the DNA test. Pero 'ikaw nga nila'y walang mataimtimang birhen sa matiyagang manalangin. Napapayag din namin siyang magpa-DNA test! Parang naabot ko ang langit nang marinig ito sa isa sa mga tao ko. Ano man ang resulta ng pagsusuring ito, masaya na ako na at least ay malalagay sa tahmik ang aking pag-iisip sa oras na malaman ko ang katotohanan. Hindi na ako makapaghintay, baby girl! I am praying so hard that it would turn out positive. Sana anak ko rin ang pinakamamahal mong prinsesa.

May isa pa pala akong magandang balita sa iyo. Natapos na rin naming pakiharapan ang lahat na nagpakilalang Rick Sandoval kay Estong. Ang dalawa sa kanila'y abogado pa. Imagine that! Nakakamangha ang nagagawa ng pera. Kahit sino ay handang magbalatkayo para lamang sa pagkakataong makapanloko. Itong asawa ng detective ko kasi'y narinig ang pinag-usapan namin sa telepono noong nakaraang buwan. Hayun, nai-tsismis yata sa kapitbahay. Mamamangha ka sa bilis ng daloy ng balita. Isipin mong taga-Las Pinas sila pero nakarating na rin ng Mindoro at Zamboanga ang impormasyon na ang isang Greg Santillan, isang bilyonaryong Pilipino ay naghananap ng nawawala niyang panganay na ngayo'y nagngangalang Rick Sandoval. Hay naku!

Bakit ko pala nasabing, good news iyong pakikiharap sa mga Rick Sandovals na iyon? Kasi napagtanto namin na wala sa kanila ang aming hinahanap. Sa mga hitsura pa lang ay sablay na silang lahat. Kaya ko lang naman nasabing good news iyon dahil nagpalakas iyon lalo ng kutob ko na natagpuan ko na ang ating anak. May nakapagsabi kasi sa akin na nagpuntang Norway si Engineer Sandoval kamakailan! Ang sabi ng contact person kos a Sky Builders isa sa layunin ng batang enhinyero ay hanapin ang kanyang ama! May nakapagsabi raw kasi rito na may posibilidad na isang Norwegian daw ang kanyang biological dad.

You just don't know how excited I was when I heard that little piece of information. Ibig sabihin kasi ay nagsinungaling ang kanyang mga magulang. Naisip ko rin na may posibilidad na ang nagsabi ng impormasyon sa bata ay alam ang tungkol sa ating dalawa. Baka kakilala mo ito noon pa. Alam kong nabanggit mo sa malalapit sa iyo na nagtungo ako sa Norway noon at doon na napirme. Naisip ko nga na baka na-contact na nito si Cherry, ang best friend mo. O baka si Cherry mismo ang naka-contact sa kanya.

Thank God for your friend, Cherry. Ang dami niyang naitulong sa amin ni Estong para hindi namin patulan ang ibang impsotor who went out of their way to have some surgery just so they can look like me when I was young. Mapapailing ka talaga sa dami ng tuso sa Pilipinas.

I do hope that in a few days or weeks ay may positibo na akong balita tungkol sa dalawang bata. Rest assured that I will not stop until I get to know the truth.

I love you, my baby girl. I still do. 'Till we meet again.

Your Big Daddy forever,

Greg

DEAREST BABY GIRL [COMPLETED]Where stories live. Discover now