Chapter-23

723 13 0
                                    

Hilarious

Pagkatapos kumain ng agahan at mag-asaran, natagpuan ko ang sarili na pumipili ng masusuot dahil maliligo raw kami't maglilibot sa dalampasigan.

Hindi ako makapili dahil lahat ng damit ay tambad ang itinatagong balat. Hindi komportable pero kailangang panindigan para hindi magmukhang temang.
Baka pagtawanan ako dahil sobrang guwapo ng kasama ko tapos ako dugyutin. Aba hindi maaari!

Hindi ko alam kung ba't ko 'to napili pero heto na ako ngayon at nakaharap sa salamin. Suot ang two peace na medyo komportable kompara sa mga hindi ko napili.

Ewan kong ano ang exact na tawag dito basta style sandong backless na hanggang diaphragm ang ikli at may terno itong high waisted short na sobrang fitted.
Bumagay naman ito sa 'kin lalong-lalo na't maikli na ang buhok ko.

Lumabas ako sa banyo at nadatnan ko siyang nakaupo sa dulo ng kama. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngiti ay napawi at kagat-labing namula.

Napangisi naman ako dahil sa itsura niya.
"Ano ayos ba?" Sinadya kong asarin siya kaya bahagya pa akong umikot para maipakita ang dapat makita.

Iwas na iwas ang tingin nito at taas baba ang buto sa lalamunan. "Mahiga ka nga."

Anong mahiga?

"Ibig kong sabihin, dumapa ka sa kama." Seryusong aniya at nakatuon na sa 'kin ang mata.

Ako naman ata ang namula dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero heto ako ngayon at nakadapa sa kama.

Maya-maya, naramdaman ko na ang mainit niyang palad na dumampi sa 'king likuran. Kiliti at init ay gumapang sa buo kong katawan.

"A-anong ginagawa mo?" Nakapikit na tanong ko rito.

"Nilalalagyan ka ng sunblock." Direktang anito.

***
Nandito na kami sa tabing dagat at walang tao maliban sa aming dalawa. Hindi pa naman masakit sa balat ang sikat ng araw kaya heto kami ngayon nagseselfie para may remembrance.

Prepared na prepared pala siya dahil may dala pang canon camera na ginagamit namin para maganda ang kuha. Sobrang dami na naming selfies na hindi ko inakalang papatulan niya. Akala ko walang hilig ma exposed ang guwapong mukha, hindi naman pala. Kung sabagay, sanay siya rito dahil artista.

"Kukunan kita dali," bahagya niya akong tinulak at itinutok sa 'kin ang camera. "Fierce ka lang dapat para kunware maldita ka."

Sinunod ko ang sinabi niya. Fierce at iba-ibang postura habang siya'y palipat-lipat ng anggulo ng pagkuha.

"Ngayon, maupo ka." Seryuso siya kaya para naman akong tuta na umupo sa puting buhangin. "Smile, mukha kang gutom kapag fierce." Natatawang sabi niya kaya imbis na mag smile, ngiwi ang naitugon ko. Grabe sa gutom kainin kita r'yan eh. Huh? Ano raw?

"Tigil na sa kunware galit posed. Mag smile ka na dali!  Sayang ng outfit mo."

Edi mag smile problema ba 'yon?

"Ngayon, dapa." Wow grabe sa dapa! Parang mamalo ng pwet.

"Okay na ako. Ikaw naman kunan ko." Lumapit ako sa kaniyang pwesto.

"Marunong ka ba? Baka putol ulo ko." Natatawang aniya at inabot sa 'kin ang canon.

"Gusto mo putulin ko hindi lang sa litrato?" Hinablot ko ang camera at tinulak siya papalayo.

Itinutok sa kaniya ang panglitrato at kahit anong anggulo, hindi mawawala ang kaniyang itsurang guwapo. "1.2.3. Smile." Nag clicked ng isang beses at saka ibinaba ang camera. "Sabi ko smile hindi mukhang antok."

Pranking My BossKde žijí příběhy. Začni objevovat