Chapter 8: Worried

22 2 3
                                    

Chapter 8: Worried





George's POV


Maghapon akong gising matapos tumawag ng director mula sa hotel kanina, hindi pa ako nakakaidlip ng kahit isang oras matapos kong makarating hotel ngunit umalis din agad ako sa room ko upang makapunta sa business  meeting na dapat ay bukas pa ang simula.


"Thanks to Doctor Gomez." 

Ngumiti lang ako bilang tugon matapos ang meeting, nagpasalamat na rin ako sa iba pang director ng iba't ibang gallery company dito sa Canada.



"Are you sure you don't want to visit the exhibit right now?"

"Maybe tomorrow Mr. Sancho. I also have something to do when I get back at the hotel."

"I see. Well, see you tomorrow."

"I will excuse myself for now, directors," paalam kong sambit sa limang directors na nandito sa loob ng conference room. Dumiretso agad ako sa elevator upang makababa. Pagkatapos ay nagpahatid sa driver ng company pabalik sa hotel.

"I need some rest right now." 

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama matapos makarating sa room ko, hindi ko na nagawa pang tanggalin ang suot kong heels sa halip ay natulog na.


.

.

.

RING!!!

RING!!!

RING!!!

Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan nang marinig ang malakas na ingay mula sa labas ng kuwarto ko. Dahan dahan akong bumangon habang kinukusot ang aking mata, hinahanap niyon kung saan nagmumula ang ingay na naririnig ko ngunit dahil madilim ay hindi ko alam kung saan ko nailagay ang aking cellphone matapos makarating dito sa room ko.

RING!!!

RING!!!

RING!!!



Tumayo na ako dahil nakakarindi ang ingay na iyon. Naglakad ako patungo sa pinto ng kuwarto ko, dahan dahan kong pinihit ang door knob na tila tinatamad dahil kulang pa rin ang tulog ko hanggang ngayon. 

Pagkalabas ay binuksan ko rin agad ang switch sa living room upang hanapin ang cellphone ko na kanina nagwawala. Sino naman kaya ang tumatawag sa akin sa oras na ito? Istorbo sa pagtulog ko. Mademanda kong sambit habang hinahalikwat ang laman ng bag ko na nasa sofa. Hindi na kasi tumutunog ang cellphone kaya hindi ko alam kung saan hahanapin.



Hays sino ka bang istorbo sa pagtulog? Papatayin din naman ang tawag! Istorbo!



RING!!!

RING!!!

RING!!!

RING!!!

Napatalon ako sa gulat ng muling tumunog ang cellphone mula sa aking likuran. Agad ko namang kinuha ang cellphone sa ilalim ng balabal na ginamit ko kanina sa meeting.

"Bakit naman tumatawag sa akin ang babaeng 'to!" Kinancel ko ang video call at agad na inihagis ang cellphone sa bag ko na nakabukas.

RING!!!

RING!!!


"Ano bang kailan mo?!" sigaw ko matapos sagutin ang video call.

020-122-020Where stories live. Discover now