Chapter 2: Past or Future?

24 2 0
                                    

Chapter 2: Past or Future?

.

.

.

George's POV

Nakatingin lang ako kay Amber na mahimbing na natutulog habang nakahawak sa aking braso ang maliliit niyang daliri. Napabuntong hininga na lang ako sa mga sandaling iyon at dahan dahan inialis mula doon ang kamay niya, inilapit ko ang mukha ko sa bandang noo niya sabay dampi ng isang halik.

I will never leave you Amber I promise. Mahina kong bulong sabay tayo sa aking kinauupuan, tumalikod na ako sa kanya at inihakbang ang aking mga paa upang tuluyang lisan ang kuwarto ng mahal kong pamangkin kasabay sa pagpatak ng luhang nagbabadya sa mga oras na nakatingin ako sa kanya.

Agad kong tinungo ang aking opisina upang ipagpatuloy ang iba ko pang gawain na naiwan. Kalahating minuto na lang din kasi ang natitira at maaari na akong umalis para makakuha ng sample medicine sa Cramtown Hospital bago ito magsara mamayang 5:00 in the afternoon.


.

.

.


Someone's POV

"What do you think of me? Beggar?!" Sigaw ng isang babae sa matandang nagbigay sa kanya ng isang piraso ng tinapay.

"Ma'am pasensya na po pero pwede po bang lumabas na lang kayo. Nakakaabala po kayo sa ibang pasyente." Pag aawat naman ng guard sa babaeng nakaupo sa sahig, hindi ko na lang pinansin pa ang sumunod na eksenang naabutan ko ng makapasok ako dito sa loob ng hospital.

"Excuse me, I'm looking for Mr. Vanne Shawn Lanzor."

" Do you have any appointment with him ma'am?" Tanong sa akin ng lalaking na nakaassigned sa hospital reception desk.

"Sorry I don't have, but can I request him as my doctor?"

" I'm very sorry ma'am but only general doctors can approve that kind of your request."

" I see, can I just visit him for a minute?"

"Of course ma'am, but before that can I get your name ma'am?"

"Quinn Averyll Garcia."

"Okay, ma'am will you please sign this log in book as Mr. Lanzor visitor for this day." Agad ko din namang pinirmahan ang log in book na tinutukoy ng lalaking iyon, pagkatapos ay pinasamahan na niya ako sa isang nurse na nakaupo sa tabi niya kanina.


.

.

.

"Miss Garcia, uunahan na kita. Pasensya na pero tulad ng sinabi ko sayo noong nakaraang linggo hindi ko pepwedeng gawin ang sinasabi mo."

" But---

"I can't and I am so sorry." Napasimangot na lang ako sa sinabi ng lalaking nakaupo sa swivel chair niya habang nagsusulat sa isang papel na nasa ibabaw ng table niya.

Wala na akong ibang pwedeng puntahan, wala na akong pwedeng lapitan at lalong wala akong kakilala sa lugar na ito maliban kay Shawn.

"If you want some help contact this person." Napansin ko ang isang business card na inilapag niya sa ibabaw ng table niya, sinilip ko muna at binasa ang nakasulat bago kuhanin ang card na iyon.

"Sino 'to?"

"Just contact that person if you need some help."

"How can I assure na mapagkakatiwalaan ko ang taong ito?" Muli kong tanong na ikinatigil naman niya sa pagsusulat.

020-122-020Where stories live. Discover now