Chapter 13

1.2K 30 6
                                    

Author's Note: Listen to the song guys!♥
------------------------------------------------

We stayed like that for a while. Pinakikiramdaman ang isa't isa. Wala din gustong magsalita sa takot na masira kung anong meron kami ngayon.

*Thud-thud* 

This is getting awkward. Kailangan ko ng umuwi, may curfew ako!

I tried moving para humiwalay na sa pagkakayakap nya sakin, but he would'nt let me. Kaya tumingala ako para makita ang mukha nya.

"Uhm Cj, pwede na ba tayong maghiwalay, kanina pa kasi tayo ganito at kailangan ko ng umuwi."

"Pwede bang dito ka na lang muna Camille? Jus stay a little while longer please, gusto ko pang makasama ang girlfriend ko!" Pagmamakaawa nya

*sigh* Kung pwede lang sana... Teka!!!!!!!!

GIRLFRIEND?!!!!!!

He was about to kiss my forehead when I stopped him by putting my fingers over his lips. Dun na ako nakakakuha ng chance para makawala sa pagkakayakap nya.

"HOY LALAKE!!!!!" 

"Aray naman Camille! Nandito lang ako sa tabi mo, di namna ako bingi." He's pouting

Ngayon ay pareho na kaming nakaupo.

"Pakiulit mo nga ang sinabi please?"

"Which one? Ang dami nun! Yung can you please stay or gusto ko pa kitang makasama? Totoo lahat yun no! And promise, I wont do anything that you don't want me to, unless you beg for it!" He winked at me at tumawa ng pagkalakas lakas!

Aba! May pakindat kindat ka pa nalalaman ah!!! Nababaliw din tong isang to!

He put his arm around my waist, at akmang hahalikan ako.

Sinuntok ko ang baraso nya dahil gigil na gigil ako sa pagmumukha nya!

"Aray naman Cams! Ang sakit nun ah! Sa liit mong yan ang sakit mo manuntok!" 

"Hoy lalake!!! I want to make this clear as the sky. I am not your girlfriend! Hindi pa kita boyfriend, wala pang tayo! Kaya burahin mo lahat ng iniisip mo! madumi!! Kapal talga ng mukha mo!"

"Hindi pa tayo?!" He looked confused

Inaantok pa ata tong mokong na to eh!

"Hindi pa." I tried calming myself. Dahil makakapatay talaga ako ng di oras

"Eh bakit sabi mo ano.."

"Yes.. go ahead ano bang sabi ko?"

"Na ano.. hwag kitang saktan, tsaka ano you're willing to let me in, if  i'm willing to try or something like that." 

"Let me remind you something Mr. Navato, first, dalagang pilipina ako fyi, kaya I don't easily go into relationships, No Boyfriend Since Birth nga diba?! At pangalawa, ano ba yung tanong mo kanina sa locker room?!"

Sige lang, isip pa more! Tsk Tsk, puro hangin talga laman ng utak nitong isang to! Bawiin ko na lang kaya yung yes ko?

"Uhm.. kung pwede kitang ligawan?" 

"Ding ding ding!! Bingo! Galing mo naman talaga oh! L-I-G-A-W-A-N! Ang tanong mo ay kung pwede akong ligawan, kaya ang sagot ko sa tanong mo ay yes. Yun lang! Wala ng Iba! at kung may balak kang i-skip yung part ng panliligaw, may sagot na ako sa future mong tanong, No, Cj i dont think I can be your girlfriend."

"Pero Camille..."

"Oh Oh hihirit ka pa talga?! Gusto mong bawiin ko pati yung 'yes' sa pnliligaw?"

*sigh* "Fine!" Nakalukot ang mukha nya na prang bata.

Jusko, ano bang gagawin ko sa isang to! Tama po ba tong desisyon kong hayaan syang manligaw?!

Tumayo ako para kuhanin na ang mga gamit ko dahil kailangan ko ng umuwi.

"Kumain ka na, just reheat the food ok? Lumamig na kasi nung nakatulog ka. I'll go ahead, I'll take the cab so dont worry. Pahinga ka na!"

"Wait. Camille! No, I'll take you home, I'll eat when I get home na lang later, anong bang klaseng manliligaw ako, kung hindi ko gagawin to?" Nagdadabog parin sya na parang bata

He's too cute.

I tried putting a serious face.

"Hwag na! Napipilitan ka lang ata eh!" panunukso ko

"Ano ba Camille! Hwag ka ng manginis, let me drop you off!, Iinum lang ako ng tubig, wait."

He headed for the kitchen. Nakalimutan ko na may iniwan nga pala akong note.

I was gathering my stuff from the floor ng may maramdaman akon yumakap sa likuran ko.

"Thank you for saying yes. It's enough for me that you're willing to give me a chance to win your heart. Alam ko, sa tamang panahon, you will eventually give me the answer that I wanted. At pag tinanong ko yun, sisiguraduhin ko na hindi ako mapapahiya sa isasagot mo, dahil I'll make sure you'll fall in love with me, just as much as I'm in love with you."

I smiled. I touched his arms that are around me

"Is that a threat Mr. Navato?" I was teasing him

"No Ms. Enriquez, That's a promise."

*****Cj's POV*****

I went around the car, para pagbuksan sya ng pinto.

"Do you want me to explain to Aleng gina, kung bakit ka na late umuuwi?"

Nakalabas na sya ng sasakyan.

"Di, hwag na, I'll explain it to her. Mabait naman yun. Hwag ka ng mag-aalala. Go ahead, gabi na din. Magingat ka sa daan ha?"

She was about to walk to the gate, when I suddenly grabbed her hands.

Bakit mo ginawa yun Jay?! May topak ka na naman?!

Lumingon sya sakin.

"What's wrong? May nakalimutan ka?"

"Yes, this..."

*Kissed* 

"Goodnight, beautiful."

I went insde the car, and drove away. At hangan sa pag-tulog, i could'nt help but smile because malapit na syang maging akin. 

**********Camille's POV*****

Flashback:

*kiss*

"Goodnight beautiful"

It was only in the cheeks, pero parang kinuryente ang buong katawan ko dahil sa halik na yun.

Hawak hawak ang aking pisngi, I just watched him drive away. Dumbfounded. Hindi ko nakuhang mag protesta dahil... ah basta di ko na rin alam. 

Present:

I'm laying down in bed right now, with my heart beating fast, and my thoughts focused on one person.

"Ano ba tong pinasok mo Camille!!!"

Hindi ako pinatulog ng gabing iyon kakaisip sa nag-iisa at unang lalaking nagpatibok ng puso ko.

*sigh* Buti na lang weekend bukas!

-----------------------------------------------------------

Ako na! Ako na ang consistent mag-update! HAHAHAHA

Comments are always welcome guys! So leave me with your thoughts after please!

Ps. Don't forget to listen to the song!♥

You know you love me!

x0x0

Czariegirl

Mr.Yabang and Ms. SungitWhere stories live. Discover now