Chapter Twenty Nine

546 15 0
                                    

CHAPTER 29: THE CONSEQUENCE

Hindi ko na nakita si Chloe ngayong araw, sabi nung mga napagtanungan ko nagpa-practice daw para bukas.. Hmm.. dahil don isang idea ang pumasok sa utak ko. Oo nga pala, may intermission nga pala sila bukas.

Magkasama kaming kumakain ng breakfast ngayon ni daddy, kanina pa nya ko pinipilit na mag speech mamaya, pero ayoko dahil may inaasikaso ako. Gusto kong umamin kay Chloe sa paraang hindi nya makakalimutan, at mararamdaman nya kung gano ako ka-sincere sa nararamdaman ko sa kanya :)

"After the program, saan mo gustong magcelebrate?" biglang tanong ni dad.

"Dad, pwede bang sa Saturday na lang tayo magcelebrate?"

"O sige kung yan ang gusto mo, pero papayag kang magkaron tayo ng engrandeng celebration ha. Isama natin ang mga schoolmates mo,"

"Dad, sobrang dami non, yung mga kilala ko lang ang imbitahin mo,"

"Ok if that's what you want, it's still your birthday in the first place :)"

Marami ang nagtataka kung bakit September ang Foundation Day ng University namin. Konti lang kasi sa kanila ang nakakaalam na sinadya ni daddy na buksan ang University sa mismong araw ng kapanganakan ko. Bata pa lang ako, alam ko ng sakin nakapangalan ang ownership ng school, kaya nga may sarili na kong pera sa bangko kahit hindi pa ko nagta-trabaho. Sabe ni dad, ako na ang magha-handle ng buong University after college since may balak na ring mag-migrate sa Canada si tita Minerva, ang kasalukuyang nagha-handle ng buong University namin ngayon.

"Ahh... dad," gusto kong sabihin na sa kanya yung nararamdaman ko para kay Chloe.

"Why?" tanong nya at uminom ng tubig.

"You told me before na magseryoso na ko sa babae, right?,"

Tumango sya at nagpunas ng labi.

"I already found her,"

"What do you mean?"

"I'm inlove dad,"

"Lagi naman ah," natatawang sabi ni dad.

"No dad, seriously... mahal ko na si Chloe,"

"Are you sure with that?" nakangiti nyang tanong.

"Yeah dad, sigurado akong mahal ko na nga talaga sya,"

"That's good, finally na-inlove ka na uli ^_____^,"

"Dad, pwede ba kong humingi ng favor sayo?"

"Oo naman, what is it?"

"Mamaya may intermission number sila Chloe,.. bago matapos ang program, pwede bang iutos mong pumunta sila sa University field?,"

"Lahat ng mga estudyante?"

Tumango ako. "Gusto kong lahat sila marinig ang pag amin ko kay Chloe,"

"Looks-like you have plans already ^____^,"

"I've told you that I love her. And I'm willing to do everything para lang maniwala sya sa nararamdaman ko for her,. kahit maging corny ako sa harap ng maraming tao, ok lang.. basta para kay Chloe,"

"Son, ang corny mo, hahaha. But I'm happy to hear that ^_________^,"

------------

CHLOE'S POV

Nakasalubong ko kanina si Trixine, nakangisi nya kong ginudluck.. Hindi ko talaga alam kung bakit parang ang init-init ng dugo nya sakin. Siguro dahil may gusto sya kay Jace?. Si Jace.. haaay natalo ako sa dare namin kaya dapat lang na gawin ko yung consequence. Kapag nakita nya ko mamaya, alam kong malalaman na nya yung nararamdaman ko.

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLWhere stories live. Discover now