Chapter Twenty-three

475 17 2
                                    

CHAPTER 23: UNEXPECTED VISITOR

CHLOE’S POV

Pagpasok na pagpasok ni Jace sa cr ay agad kong nahawakan nag dibdib ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng maalala ko ang mga nangyare kanina.

Agad na kong umupo at mabilis na nag-ayos ng sarili ko at umalis na, pero nagpaalam naman ako kila yaya Meding. Hindi na ko nagpahatid kahit in-insist nilang ipahatid ako sa driver. Nag-taxi na lang ako.

Pagbaba ko sa tapat ng bahay namin… nabugaran ko agad ang isang itim na kotseng nakaparada sa harap ng gate namin.

“Yaya, kanino yung kotseng nasa…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabugaran ko ang taong isa sa pinaka-ayaw kong makita na kahit kailan. Nang makita ko sya, parang nanigas ang buong katawan ko at halos hindi na ko makagalaw sa kinatatayuan ko.

“Hi Charlene ^__^,” bati nya sakin.

Yung tindig nya, yung kakisigan nya, yung mala-anghel nyang mukha at ang napaka-ganda nyang mga ngiti, halos walang pinagbago ang mga yon sa nakalipas na apat na taon.

“Anong ginagawa mo dito?” cold kong tanong sa kanya.

“Charlene, wag ka namang ganyan sakin oh,please,”

“Ano?, Ilang taon Leih, ilang taon kang nawala pagkatapos mo kong paasahin at paglaruan… tapos sasabihin mong wag akong ganito?” inis kong sumbat sa kanya.

“ilang taon na ang nakalipas Charlene, hanggang ngayon pa rin ba hindi mo pa rin talaga ko magawang mapatawad? Alam kong nagkamali ako, pero naipaliwanag ko na sayo yon noon diba? Charlene, alam mong mahalaga ka sakin, hindi mo pa rin ba ko napapatawad?”

“Hindi pa ba obvious sa reaksyon ko? Madali lang sayong kalimutan ang lahat ng nangyare noon Leih, palibhasa kasi hindi ka nasaktan!” sabi ko at paakyat na sana pero pinigilan nya ko sa braso.

“Alam mong hindi totoo yan, nasaktan din ako noon,.. alam mong sobrang halaga mo sakin Charlene… hindi ko naman ginustong…” hindi ko na sya pinatapos.

“Hindi mo ginustong saktan ako? Hindi mo gustong paasahin ako? Well nagawa mo na, nasaktan at napaasa mo na ko. Sinasabi mong mahalaga ako sayo, pero mas pinili mo pa ring saktan ako noon para lang sa ibang babae,”

“Sorry kung hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko at sayo,.. mahal kita alam mo yan, noon pa man gwardiyado na kita dahil ayokong masaktan ka lang ng iba basta-basta…”

“Kaya nga ikaw na mismo ang nanakit sakin di ba? kasi ayaw mo kong masaktan ng iba, kaya ikaw ang nanakit sakin,” singit ko sa sinasabi nya at marahas na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak nya. Nagmadali na kong umakyat sa taas, hindi ko na sya nilingon pa kahit tinatawag nya ko.

Ini-lock ko ang pinto ng kwarto ko. Pinatay ko rin ang cellphone ko para walang maka-contact sakin, ayoko muna ng kausap ngayon.

Nagbabadya ng tumulo ang luha sa mga mata ko pero pinipigilan kong bumagsak iyon, hindi na ko dapat umiyak dahil sa kanya.

Sa mga nagtataka kung bakit ganon na lang ang naging reaksyon ko ng makita sya at kung sino ba ang lalaking yon sa buhay ko. Well….

He’s Luke Andrei Gonzales. Ang lalaki sa likod ng pagiging playgirl ko. Dahil sa kanya, natakot na kong magmahal uli. Ayoko ng magseryoso sa pagmamahal dahil ayoko na uling masaktan. He is my bestfriend, protector and everything way back then. Gwapo, matangkad, maganda ang katawan, maalalahanin, may sense of humor at mabait, kahit sinong babae ay mai-inlove sa tulad nya, lalo na kung palagi kayong magkasama.

 Dumapa ako sa kama ko at pilit pinipigilan ang pagpatak ng mga namumuong tubig sa mata ko. Ipinangako noon na hindi na ko iiyak ng dahil sa kanya kaya pilit kong nilalabanan ang emosyon ko.

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLWo Geschichten leben. Entdecke jetzt