055

22 1 0
                                    

Sachi.

Hindi na ako nag-abala pa na tumayo para pagbuksan sila ng pinto dahil alam naman ni Ria kung saan nakatago ang susi ng bahay.

"Sachi!"

Ang boses agad ni Haruto ang narinig ko. His deep husky voice are really attracting women, siguro kung mas tatanda lang siya samin ay malalagpasan niya pa talaga ang fangirls ng mga hyungs niya.

"Anong nangyari?" tanong ni Haruto at umupo sa tabi ko.

"Hoy, hoy, hindi pa kayo kaya umalis ka muna dyan sa tabi ni Sachi at dito ka sa isang upuan." sambit ni Gia at dumiretso sa kusina.

"Oo nga, usog ka dun. Pambabaeng karanasan ito kaya umusog ka muna." dagdag naman ni Hera na dumiretso sa cr para maghanap ng tabo.

"May nanay ako at kapatid na babae kaya alam ko kung ano rin ang nararanasan niyo."

Diretsong sagot ni Haruto sa kanila kaya lahat sila ay nakita kong napatigil sa ginagawa.

"Mag hot compress ka na." tumayo si Haruto at dumiretso sa kusina.

Siya na ang nagasikaso ng bimpo at tabo na may mainit na tubig.

Ang mga kaibigan ko naman ay nasa gilid at tinataas baba ang mga kilay nila. Inaasar ba ako ng mga 'to?

Kinuha ko ang phone ko sa gilid habang hindi nakatingin si Haruto dahil abala siya sa pagbabad ng bimpo sa mainit na tubig.

Napatingin si Ria sa phone niya at paniguradong nabasa na ang text ko.

"Haruto, walang extra napkin si Sachi. Hindi nakabili kaya pwede bang ikaw na lang ang bumili?"

Nasapo ko ang noo ko at hindi naman nagpigil ng tawa sina Gia at Hera. Binabad ulit ni Haruto ang bimpo sa tabo na may mainit na tubig at nilingon ako. Tumango si Haruto at sumagot.

"Bibili ako, bantayan niyo muna siya."

Hindi ko na mapigilan ang pag ngiti na agad ko ring tinago. Sina Gia at Hera ay nagawa pang magtulakan nang dahil sa kilig, si Ria naman ay nakataas ang kilay.

"Alam mo rin ba ang gusto niya kapag mayroon siya?" tanong ng kaibigan ko at tumango ulit si Haruto.

"Berry smoothie."

Berry: W. HarutoWhere stories live. Discover now