081

23 1 0
                                    

Sachi.

"Sachi?"

Hindi ko nilingon ang taong nasa likod ko dahil alam kong maiinis lang ako ano mang oras. Hindi lang 'yon, kung magsasayang man ako ng laway ay sayang lang din.

"Sachi, mageexplain ako."

Nagpatuloy ako sa paglabas ng comfort room at nakasalubong ng maraming tao. Ang iba ay nginigitian ako at ginawaran ko rin sila ng ngiti.

Sumusunod pa rin siya at hanggang sa tumigil ako sa harapan ni Felix ay nasa likod ko pa rin siya. Hindi niya inaantala ang dagat ng mga tao sa hallway.

Nang hawakan niya ang braso ko ay hinila ko lang ito. Aayain ko na sana si Felix nang bigla itong lumapit at bumulong.

"Babalik na ako sa canteen, kausapin mo muna siya." I sighed and let him go first.

Naglakad ako papaalis sa hallway at nakasunod pa rin siya. Nagpunta ako sa gilid ng soccer field at nakitang naghihintay ang grupo nina Doyoung laban kina Hyunsuk.

Hinarap ko siya at nagsalita.

"Tumigil ka na, Sunny."

"Titigil na ako, Sachi."

"Ngayon pa? Kung kailan may nasira ka nanaman?" diretso kong sagot.

Lumapit siya at hinawakan ang mga kamay ko. Bibitawan ko sana ito pero nagsimulang tumulo ang mga luha niya.

"The damage you've caused me was unbearable! Una ay kay Renjun ngayon ay kay Haruto! You did not know how much I tried to trust Haruto but in the end, I saw you, again!" hindi ko sinasadyang malakasan ang boses kung kaya't ang ibang estudyante ay napatingin sa amin.

"I know..." Sunny sobbed and nodded.

"Alam mo naman pala, Sunny. Bakit ka pa bumalik dito? I know how much trauma states affected you too, pero hindi dapat ganito."

"You were once my friend, Sunny. Alam ng lahat iyan, kaya naging kagulat-gulat noong hinalikan mo si Renjun at sa birthday ko pa mismo. He confessed that you poured a powder in his drink a year ago, is that true?"

As I look into Sunny's eyes, my once was a friend's eyes, I know she wants to say everything that is bothering her. What happened to me would be traumatizing for the others, especially if they are new in a relationship. Renjun and I were close friends and turned into lovers, however, Sunny came to the scene.

Marami ang apela nina Gia at Ria noon, pero hindi ko iyon pinansin dahil masyado akong naging abala sa pag-aaral at hindi napansin na nilalandi na pala ni Sunny si Renjun. At nangyari nga ang hindi inaasahan noong birthday ko. It felt nothing, but as the day passes by, the news of them kissing in our house spread like a virus in this school. Heck, gusto kong bumalik ng Japan noon pero umalis si Sunny dahil sinundo siya ng mga magulang niya.

Naunahan ako ng lintik.

Renjun avoided me and I avoided him, too. Hindi naman ako tanga para habulin siya lalo na't nakikita ko sila na laging magkasama noon ni Sunny.

However, the acceptance came real fast. Nagkakausap na kami noon pero hindi tulad ngayon na nakakalapit na siya. Alam ni kuya Rio ang nangyari noon, even my mom. Ang tanging naisip ko lang ay bata pa ang isip at puso ko noon, kaya sinarado ko muna.

But when this tall guy entered our school with his deep voice, anong akala niya?

I noticed him pero hindi ko na rin pinansin.

"I treasure our friendship so much that I did not know how insensitive I became, Sachi. I know after this, you will never forgive me. Dahil sino nga ba namang kaibigan ang papatulan ang boyfriend ng kaibigan niya? It's me, Sunny. Gia is still the baddest bitch among us, alam natin iyon." the both of us slightly laughed.

"Haruto is yours, Sachi. Hindi niya ako pinatulan. Hinding-hindi. At ni isang message ko simula nung pagbalik ko dito ay wala siyang reply. Nalaman ko na lang na binlock niya ako. He's charismatic, I know. Pero masyadong bata sa akin. Ang nakita mong pagyakap ko sa kanya noon sa sports center, sinabi ko sa kanya na alagaan ka niya. At nung dumating ka, iba 'yung takot niya, Sachi. Kaya tinulak niya ako. Nakita ko 'yon sa mukha at galaw niya, kaya nung tumakbo ka papalabas sinigaw ko pa na habulin ka niya and that's what he did, right?"

"Matuto ka muna kasing makinig." tumatawa siya habang umiiyak at ako naman ay mukha na sigurong basang sisiw dahil sa mga luha.

"Mahal ka niya, Sachi." bigla niya akong yinakap ng mahigpit.

"Tangina mo naman, Sunny. Bakit parang namamaalam ka?" sagot ko at yinakap siya pabalik.

"Shh, we shared a lot of secrets before. Keep them a secret for me, okay?" I nodded.

Humiwalay siya at lumayo ng isang metro.

"Punasan mo luha mo, pero siguro kahit wa'g na lang kasi maganda ka pa rin?" she waved
her hand as a sign of goodbye.

"I hope you forgive me and of course, Haruto who is innocent."

Berry: W. HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon