Chapter #5

438 42 15
                                    

= Rhexyl's P.O.V =

After kong makapag-exam, lumabas agad ako pagkarinig ko pa lang sa sinabi no'ng lalaking hindi ko kilala. At ayoko siyang kilalanin nakakatakot ang boses niya, ang lamig-lamig.

Speaking of exam, parang na-drain ang utak ko do'n. Napanganga pa nga ako sa bilis niyang umandar. Wala naman akong choice, sinagutan ko na lang. Natapos naman agad ako. I'm not sure sa mga sagot ko. Baka hundrend percent zero na naman ako.

I shrug, at least hindi ako mahihirapan maghanap ng pangalan ko. Unang name pa lang sa pinakahulihan kita ko na agad name ko. 'Di ba? Ang bilis lang, hindi 'yong susuyurin mo pa lahat ng listahan mahanap lang name mo. Sakit lang n'on sa mata.

Pumasok ako sa glass elevator. Kinuha muli ang mapa para mahanap ang dorm ko. Baka nauna na kasi ang gamit ko doon. Hindi ko na kasi nakita pa. Tanging backpack ko lang binigay sa'kin.

Pagkabukas ng glass elevator agad akong tumakbo palabas ng campus. 'Yong mata kasi nila nakatatakot, ang tatalim kasi, e.

Ayon sa mapa na hawak ko, nasa east part daw ito. Ang laki naman kasi ng paaralang ito. Biruin mo may mga Restaurants, Malls, Bars at marami pang ibang building kang makikita.

Suwerte ko pala, at dito ako tinapon. Ang ganda ko namang basura, but weird. Sa mga salitang binitawan ni mom, dito ako mamamatay. Paano nangyaring dito ko matatagpuan ang kamatayan ko?

Humarap na ako sa East, nagsimula na akong maglakad 'till I reach my destination. Napa-wow naman ako sa ganda ng dorm. Parang nakakahiyang pasukan, mala-hotel naman kasi sa ganda. May anim siyang palapag. May mga halaman and trees sa paligid niya. Ang linis-linis din tingnan. Wall glass din siya.

Tinahak ko ang daan papuntang entrance ng dormitory. May nakita akong nagbabantay na babae.

"You are?" tanong niya agad.

Napalingon ako sa kaniya. Medyo malayo pa ako sa kaniya, I blink my eyes trice. Ako ba ang kausap? Tumingin ako sa paligid ko. Wala namang ibang tao, ako lang. So, I guess I am.

"Rhexyl," sagot ko.

Lumapit ako sa kaniya.

"Full name." malamig niyang sabi.

Grabe, para naman siyang bangkay. Ang lamig ng boses niya. Naalala ko tuloy 'yong lalaki sa classroom.

"Err, Maria Aljea Rhexyl Salvez." taas kilay kong sagot.

Sorry, lumalabas pagkamaldita ko. Napatitig ako sa kaniya. Ang ganda niya. Mukha siyang model or actress. Golden brown ang kulay ng buhok niya, have kissable lips, matangos ang ilong, pinkish cheeks at matangkad.

Lihim akong napasimangot. E, di ikaw na maganda. Nakakahiya naman sa'kin. Ako lang yata ang pangit dito.

"Stand straight." utos niya.

Tumayo ako nang maayos. Nagtataka ako sa gagawin niya. Nakita kong mayroong lumabas na hologram sa harap niya. Nagsimula siyang magtipa ng mabilis dito. Napakurap ako ng mayroong blue na dumaan sa katawan ko.

Scanner?

High-Tech pala dito.

"Here's your dorm card." sabi niya.

Nilapag niya ang card sa desk niya. Kinuha ko naman ito. Kulay gray ang card, nakalagay dito ang room number ko, maging kung saang palapag ako nabibilang. Napasimangot ako sa picture kong nakalagay. Buhaghag buhok ko, parang 'di ako nagsuklay.

Hindi ko na ulit narinig nagsalita si ateng maganda, kaya nag-exit na ako sa kaniya. Tuluyan ko ng pinasok ang dormitory.

Agad kong nakita ang mga studyante ng Der Mord. Mga wala silang paki-alaman. 'Di nila pinapansin ang isa't isa. Nakita kong may lumabas sa elevator. Agad naman akong pumasok bago pa man ito magsara.

Touch and Die (COMPLETED)Where stories live. Discover now