EPILOGUE

500 23 10
                                    

~~~~ AFTER 6 MONTHS ~~~~

Marahan kong inilapag ang bouquet of flowers sa puntod niya. Kay tagal rin mula ng dumalaw ako sa kaniya.

"Hi, Daddy Leo, It's been a while since I visited you. Sorry, marami lang kasing nangyari. Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon na mabisita ka. Hindi ka naman magtatampo hindi ba?" nakangiti kong ani.

"But I know you don't, you love me so much kaya hindi mo iyon magagawa." I added.

Naalala ko ang memories namin together. He maybe not my real father but for me he is. Kahit kailan hindi ko siya ipagpapalit. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama.

"Aljea," Napalingon ako kay Sylvester.

And yes, I'm alive.

Buhay ako, hindi ko kayang iwan ang taong nag-iisang nagmamahal sa'kin.

~~~~ flashback ~~~~

"I am, and you know how much I want to be with you, but I also want to be with my husband. I love him, grandma. I can't abandon him. " ani ko kay grandma na ikinangiti niya.

"I know, and he loves you so much. Kung hindi siya ang taong mahal mo ay baka kanina pa kita hinila kahit tumutol ka pa. Pasalamat ka at si Sylvester ang taong umiiyak ngayon sa iyo." grandma said.

"Maria, apo. Marami ka pang pagdaraanan. Your life does not end here. You have your own life; no one owns it but you. Remember, I always love you." she added.

"I love you so much grandma." Naiiyak akong yumakap sa kaniya nang mahigpit.

"Go ahead, your husband is waiting for you." ani niya at tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko.

*********

Nagising ako sa mga luhang tumutulo sa mukha ko.

"H-Hey! Stop crying." mahina kong ani.

Nahinto siya at napatingin sa'kin.

"Baby? Y-Your ----" Hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinunasan ang mga luha niya.

Marahan akong tumawa.

"Why are you crying? Why is the cold guy crying, hmm?" sambit ko,

Nakatingin lang siya sa'kin.

Hinalikan ko siya sa labi. Nagulat ako nang sumiksik siya sa leeg ko.

"Don't do this again. Don't leave me again. I can't live without you. I love you so much." sambit niya habang nakasiksik pa rin sa'kin.

"I love you so much, too." masaya kong tugon.

"Puwede bang 'wag mong sabihin sa iba ang tungkol dito? Let them know that I'm dead." mahina ko pa ring ani.

Umalis siya sa pagkakayakap sa'kin. Tumango siya bilang pagsang-ayon.

~~~~End of flashback~~~~

Muli akong sumulyap sa tatlong grave na nasa harapan ko. Tumingin ako sa gitna ng tomb kung saan pangalan ko ang nakalagay. Walang nakalagay sa puntod na ito, pero katulad nga ng gusto ko. Hinayaan kong ang alam nila sa'kin ay patay na ako.

Ngunit, wala man itong laman. Nasa loob naman nito ang dating ako. Ako, bilang isang Salvez. Kasabay na binaon ko rito ang pagmamahal na mayr'on ako sa kanila. Pag-asang kahit kailan hindi nagkaroon ng katuparan.

At ngayong hindi na ako isang Salvez. Wala ng natitirang pag-asa at pagmamahal para sa kanila. Hindi ko na kasalanan iyon. Sa huling sandali, I did my best, but my best was not enough to please them. 

Touch and Die (COMPLETED)Where stories live. Discover now