Chapter 48

236 6 0
                                    

Yanna's POV.

Wala akong amnesia. Lahat ng nangyari ng gabing yon ay malinaw na malinaw sakin.


Ayokong makita nila akong nanghihina sa harap nila at kaawaan nila, kaya mas pinili kong kausapin ang doctor na sabihin na may amnesia ako.


Kanina, nang binigyan ako ni Jade ng pagkain ay kabado siya. At nang tanungin ko ang pangalan niya ay ramdam kong nasaktan siya.


"Yanna, sana bumalik ang iyong ala ala para maalala mona kami." Naluluhang aniya ni kuya sa harap ko.


Naiiyak man ay pilit pinigil na pumatak ang luha upang hindi ako mahalata kaya bumuntong hininga ako at hindi nagsalita.


Nandito silang lahat sa kwarto ko, maliban kay Jade na nag walkout kanina.


"Hayaan muna nating magpahinga si Yanna, kakagising nya lang. Tara na muna Allen." Si ate Marina.


"Yeah, you're right." Pag sang-ayon ni kuya at pununasan ang luha nya saka lumingon kila baste. "Tara na."


"No, babantayan ko si Yanna." Si Baste.


"But—" pinutol ko ang sasabihin ni kuya.


"Hayaan nyo siya." Malamig kong aniya.


Tumango lang silang lahat. Pagkalabas nilang lahat ay lumapit sakin si Baste napaluha naman ako at niyakap siya.


"Baste, diko na kaya.." Sabi ko.


Ramdam kona nagtataka siya.


"W-Wala kang amnesia, Yanna?" Tanong nito.


"Wala. Kinausap ko ang doctor. Pero satin satin lang 'to, please."


"Oo, secret lang."


"Thanks, Baste." Aniya ko at saka niyakap siya.


Kumalas si Baste sa pagkakayakap ko sa kanya at saka kinuha ang upuan saka naupo sa may gilid ko.


"Matanong lang, ano ba talagang nangyari at humantong ang lahat sa ganito?" Mahinhin nyang tanong.


Kinwento ko ang lahat, walang labis walang kulang sakto lang.


Ramdam ko ang galit niya para kay Jade ngunit pinigilan ko siya, ayokong mag away silang dalawa.




Allen's POV.

Hindi talaga kami umalis bagkus ay nandito kaming lahat sa pinto, at dinig na dinig naming lahat ang kanilang pinag uusapan sa loob.


Nakaramdam naman ako ng galit para kay Yanna dahil nagsinungaling siya sa amin pero mas lamang ang awa ko, dahil ngayon lang nagkaganto si yanna.


Hindi kona napigilan pa ang sarili ko kaya agad kong binuksan ang pinto, ramdam ko ang kanilang gulat.


"K-kuya.." Si Yanna.


"Bakit kailangan mong mag sinungaling samin, Yanna? Wala kabang tiwala samin?" Galit na tanong ko dito.


Hindi siya sumagot at pinunasan ang luha nya.


"Ako ang kuya mo, pero bakit si Baste ang sinabihan mo kesa saken?! Wala kabang tiwala sakin ha?!" Dagdag kopa.


"Dahil ayoko kayong madamay." Malamig na sagot nito.


"Madamay? Ang babaw mo naman yanna! Simula palang damay na kami dito!"


"Hindi kayo damay dito, dinadamay nyo lang talaga ang sarili nyo."


"Yanna ano ba!? Nagbago kana! Ano bang nangyayari sayo at nagkakaganyan ka!? Dahil lang sa putanginang pag ibig yan!?"


"Yun na nga e, hindi ba't kayo din ang nag push sakin na pumasok sa relasyon na'to?" Mapait nitong sagot dahilan para matahimik ako.


Tama siya.


"Nawala sila daddy at sobrang sakit nun para sakin. Nabawasan ang pangungulila ko nang ibigin ko si Jade. Pero doble naman ang sakit na pinalit nila sakin." Natahimik lalo kami.


Pati si Jade na kakarating lang, ay natahimik.


Hindi ako galit kay Jade dahil inamin nya na ang lahat sakin.


"Ang bestfriend ko at boyfriend ko, ay nagtaksil sakin. What the fvck, haha. Bat pa'ko binuhay sa mundong 'to kung ganto din ang mararanasan ko?" Dagdag pa nito.


Nilapitan ko si Yanna at niyakap nito. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya, pero wala akong magawa para bawasan iyon.


Hanggang sa alo-alo kopa din si Yanna at nakatulog ito sa bisig ko. Dala nadin siguro ng pag iyak nito.


Tinulungan ako nila Kesh na ihiga ng maayos si Yanna. Iniwan na muna naming mag isa si Yanna at saka lumabas kaming lahat.

The childish girl and the section HWhere stories live. Discover now