Chapter 27

1K 37 0
                                    

Yanna POV.

Papunta ako ngayon sa HM office para magpaalam na uuwi ako sa amin ng dalawang linggo.

At kasama ko si Jade, Klyde at Baste sasama daw sila eh.

"Ms Alyanna." Si HM ng makapasok kami.

"Goodmorning HM, nais kong magpaalam na uuwi muna ako samin, kasama tong mga to." Sabi ko sabay turo kila Jade.

"Hmm sige, Condolence Alyanna." Pagkasabi nun ni HM ay nangilid ang luha ko ngunit agad ko din itong pinunasan at ngumiti ng peke.

"Yanna ako na dito sa bagahe mo." Si Baste.

Ibinigay ko naman sa kanya yung maleta ko at nanguna ng sumakay sa Van na pagmamay ari namin.

'Sino na hahawak ng mga businesses nila mom and dad?hayy.'

Madaming pumapasok sa isip ko pero lamang pa din ang pangungulila ko sa kanila.

Makalipas ang ilang oras ay nandito na kami, nanguna nakong bumaba at sumalubong sakin sa may tarangkahan ng bahay namin ang madaming tao.

Nangilid agad ang aking luha ngunit pinigilan ko ito. Tinignan ko sila Jade at naibaba na nila ang mga gamit kaya sumenyas ako sa kanila na sumunod sakin.

Nagsimula na kaming maglakad papasok, madaming mga nakatingin samin pero diko ito pinansin hanggang sa makarating kami sa may pinto at nakita ko kaagad ang coffin nila dad.

Ang kaninang pinipigilan kong luha ay nagsilabasan na.

"Welcome back, Ms Yanna." Yung mga katulong.

"Yanna!" Si Kuya kaya agad akong lumapit sa kanya at doon humagulgol ng iyak.

"Kuya, diko kayang tignan sila mom and dad." Sabi ko habang tuloy pa din sa pag-iyak.

"Shh...."

Jade POV.

Naninibago ako ngayon kay Yanna. Ang dating masiyahing mga mata ni Yanna ay napalitan ng galit at lungkot.

Iyak sya ng iyak habang nasa harap sya ng coffin ng mga magulang nya.

'I feel her.'

Masakit mawalan ng minamahal kaya naiintindihan ko kung bakit ganyan sya ngayon dahil naranasan ko din kung ano ang nangyari sa kanya ngayon.

Napagdesisyunan kong lumapit kay Yanna at aluhin ito. Namamaga na muka nya kakaiyak at halos dina makapagsalita dahil sa kakaiyak nya.

"Maayos din ang lahat, Yanna." Bulong ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

Ilang oras pa kami sa ganung posisyon at nakatulog sya. Tinuro naman ng kuya nya kung saan ang kanyang kwarto na mabilis ko namang natagpuan.

Inihiga ko sya sa kama at ginawaran ng isang halik sa labi at saka lumabas ng kanyang kwarto.

'Goodnight Yanna.'

The childish girl and the section HWhere stories live. Discover now