Chapter 28

4.3K 129 0
                                    

Naga-ayos na ko ng sarili ko nang biglang may kumatok sa pinto. Pagkasilip ko sa isang maliit na butas ay si Alexander.



Tapos na siya agad? Ang bilis.



"Ang bilis mo naman!" bungad ko pagkabukas ng pinto.




Sinabihan niya ako kagabi bago matulog na sabay na lang daw kaming bumili ng masusuot sa Ilocos. Kaya naman ay pumayag na din ako. Kasama naman namin sila Nadia hiwalay nga lang ng sasakyan.





"Ang dami pa kasing arte, magma-make up pa" reklamo nito.





"Edi mauna kana! Nagsabi sabi ka tas nagrereklamo. Oh eto na! Bibilisan na po" sagot ko at inayos na yung bag na dadalhin at nagsuot na ng sapatos.




I'm wearing a black trouser, black and white nike rubber shoes, and a white crop top shirt with a brown sweater vest.





"Okay na ba?" tanong nito habang nagcecellphone.





"Oo tara na po! Masyadong nagmamadali" reklamo ko at kinuha na yung brown leather vintage bag ko at sinuot na ang sunglasses.





Papunta na kami sa SM North dahil dun daw gustong mamili ni Demi. Hindi ko kinakausap ngayon si Yves simula nung nakita ko yun.




Never pa siyang naglihim sakin pero ngayon nagawa na niya.




"Oo bro! Dito na kami" sagot ni Alexander.




Mukhang tinawagan na siya ni Adam. Pagkalingon ko sa likod ay nakita ko si Yves.




Sabay sila ni Drake.




So sila na nga ng hindi ko alam?





"Tara na?" aya ko kay Alexander at tumango ito.




Pinindot nito yung controller ng sasakyan niya upang ilock lahat ng pinto. Nang makalayo sa kanila ay niyaya ko si Alexander na picture-an ako.





"Alex! Picture-an mo ko ng mawala naman pagka-badtrip ko" sabi ko at ibinigay sa kanya yung cellphone.





"Hindi ako marunong mag-picture bahala ka diyan" sabi nito at hinawakan na yung cellphone ko at pinicture-an ako.




Nasa parking lot parin kami, ng makita kong malapit na sila Yves ay niyaya ko na agad si Alexander pumasok.





"Nandun yung kaibi—" naputol yung sasabihin nito ng magsalita ako.





"Oo nakita ko, hindi ko siya pinapansin ngayon" sabi ko at hindi naman na nito tinanong yung dahilan.




Mataas talaga IQ level nito, tila alam na agad yung dahilan kaya di na nagsalita.




Nang magkita kita na kami ay hinabilinan na lang kami na magkita kita na lang sa Starbucks after mamili para mag-snacks.




Namili na muna kami ng mga susuotin namin sa Ilocos. Bumili ako ng mga pang swim wear, and beach sandals para sakto sa outfit ko. Ganun din si Alexander. Siya ang kasama ko ngayong buong araw.


Habang pinupunch na ng cashier yung mga pinamili ko ay biglang nadako ang tingin ko kay Alexander.


Sobrang saya ko, hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko. Ngayon na lang ulit naging ganito yung pakiramdam ko. Inlove na nga yata talaga ako sa kanya. Kahit alam kong ikakasakit ko sa dulo.



"Ma'am okay na po" sabi ng cashier kaya naman nabali yung pagkatitig ko sa kanya.



Inabot ko na yung card ko at ininput na din yung password after non ay nagpaalam muna ako na magc-cr.



"Sure, I'll wait you na lang sa labas" sabi nito at tumango ako. Siya na muna naghawak nung nga pinamili namin pati ng bag ko.




Nag-cr na ako at nang makalabas ay nagulat ako na naghuhugas ng kamay si Yves.

Chasing The Moon (College Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt