Chapter 38

4.2K 123 10
                                    

"Excuse me" sabi ni Daddy nang biglang may tumawag sa kanya.





Lumabas ito sa resto para sagutin yung tawag.





Nagkuwentuhan lang kami ni Mommy at laging nangungulit kung nakamoved on na daw ba ako. Ako naman tong sagot ng sagot na "oo".





After kong makipag-inuman sa mga kaibigan ko ay dun ko na din tinapos ang lahat. Siguro nga di na siya babalik pa.





Pagkatapos naming mag-dinner ay nag-aya si Mommy na magshopping.





Pumunta ako sa Nike para bumili ng bagong pang-work out na damit. Habang tumitingin ay hindi ko namalayan na may tao na pala sa likuran ko at nabangga ko ito.



"Oh I'm so sorry" sabi ko at nilingon kung sino iyon.





Oh my ang gwapo.




Yan ang nasabi ko sa utak ko at napatulala sa kanya.





"You alright?" tanong nito at doon nagising ang aking sarili.







"A-ahhh yeah. I-i'm alright, I'm so sorry again" utal utal kong sabi.






"No it's okay" sabi nito.






"Ahm.. okay that's good by the wa—" putol kong sabi ng magsalita ito.





"What is your name?" tanong nito.




Sasabihin ko ba? Pero ang gwapo niya talaga. Kaso mukhang pure American, patay tayo diyan.






"I'm Celine" pagpapakilala ko.






Sh*t! Tama ba tong desisyon ko na second name ko ang binigay ko?





"Nice to meet you Celine I'm David, David Perell" pagpapakilala nito.





"Oh hi! Nice to meet you too David" sagot ko na lang at nagpaalam ng pumunta sa cashier pero muli itong nagtanong.






"You look like a half filipina, are you?"  tanong nito.






"Ahm.. Yes, actually pure filipina" sagot ko at nagulat ito.





"I am FilAm, half Filipino and half American. Ikinagagalak kong makilala kita binibini" sabi nito at natawa ako ng nagtagalog pa talaga siya.



"Ano ka ba, I thought pure American ka kasi more on American looks ka" pag explain ko sa kanya.





"No, half half lang" sabi nito at natawa.




Maya maya ay tinawag na ko nila Mommy. Lumapit ito sa puwesto namin ni David.




"Hi Tito Greg!" bati ni David kay Daddy.





Magkakilala sila?





"Magkakilala kayo Dad?" tanong ko.







"Hi David! Long time no see, how are you?" bati ni Daddy kay David.






"I'm good Tito! It's nice to be back again tito" sabi ni David.







"Well, anak since you met David, he is the son of our company partner the Perell Company. Si Lazaro Perell" sabi ni Daddy at tumango tango na lang ako.






Oo nga no? Bakit hindi ko naalala na partners pala yung company namin sa Perell? Siguro dahil super stranger niya sakin kaya di ko man lang naisip yon. Pagkatapos nilang magkuwentuhan ay nakapagbayad na din ako sa store at nagpaalam ng aalis.





Nang makauwi ay bigla akong kinausap ni Daddy.





"Anak?" sabi ni Daddy.




"Yes dad?" sagot ko naman.





"Mukhang hindi kita maisasama sa meeting tomorrow" sabi ni Daddy.





"Why dad?" tanong ko at umayos ng upo.







"Saglit lang naman ang meeting na iyon nak at more on shares lang ang mapag-uusapan don dito kana lang. Promise next time, I will let you in. Okay honey?" pag explain ni Daddy at tumango na lang ako kahit expected kong makakasama ako sa meeting.






Ayaw yata iparanas sakin ni Daddy na ma-stress? Pero sige dahil gusto naman niya okay lang.







Nag-asikaso na lang ako ng sarili ko para makapagpahinga na. Nang matapos ay humiga na ako at nag-check na lang ng mga social media accounts.







Tumambad sa instagram ko ang post ni Alexander.






Isang anino nito, wala itong caption.






Nag-scroll na lang ako ng iba pa at nakita ko naman post ni Nadia. Picture nilang dalawa ni Oliver, at meron itong mahabang caption.




Nag long shit message ang babae.





Binasa ko lang iyon at pagkakita ko sa comment section ay nandun nanaman name ni Alexander. Nag-congrats ito.






Magco-congrats na din sana ako nang biglang may nagfollow.



@davidperell started following you





Teka paano niya nalaman instagram ko? Eh celine yung sinabi ko sa kanya na pangalan ko?





Naalala ko bigla tinawag pala ako ni Mommy sa mismong name ko na Verona and he knew my surname so that's why.






Matiyagang mag-search kuya mo David.






Maya maya ay dinalaw na ako ng antok kaya naman ay natulog na ako.

Chasing The Moon (College Series #1)Where stories live. Discover now