#IANoah62

3.5K 99 15
                                    

12-25

Carigans 🍻

Breechie:

Merry christmas mga hindi pinili

Norren:

Ano handa niyo?

Breechie:

Handa na ko sa commitment

Norren:

Walang naniniwala impakta ka

Hoy totoo bang sa SPUP kana? @Dolly

Dolly:

Yup, next sem

Breechie:

Seryoso??? Sa SPUP talaga?!!

AS IN ST. PAUL UNIVERSITY?!!

Dolly:

Oo nga, yung pugad ng mga kalandian mo

Breechie:

HOY TAMA NA

NAKARARAMI KA NA NG REALTALK GAGI

Norren:

Kung nagUSL or CSU-Andrews ka sunod ako sayo

Pero di ko talaga afford SPUP

Breechie:

Mabigat din naman sa bulsa tuition fee sa USL bakla

Kung sa Univ of Cagayan Valley pa, game akong sumunod kay Dolly

Dolly:

Hindi ako makapalag pag si Abuela na nagdesisyon

I must be thankful that a school is willing to take me in despite on what I did

Galit na galit talaga sila, puro kahihiyan na lang daw ambag ko sa pamilya namin pucha

Norren:

Ayaw kong manghimasok kasi gaya nga ng sabi mo, hindi ka pa handang pag-usapan kung bakit nagawa mo yon

Pero Dolly, sa tingin mo ba hindi kailangan ni Noah yung explanation galing sayo?

Dolly:

Yung samin ni Noah, tinapos ko na.

Wala na, kaya bakit ko pa babalikan diba?

Norren:

Pano yung nararamdaman mo para sa kaniya?

Dolly:

Sus di naman siguro big deal feelings ko haha lilipat na nga ko ng Univ... mas mabuting tapusin na talaga

Tiyaka sobrang bait ni Noah. Hindi niya kailangan ng panggulo katulad ko sa buhay niya

Norren:

So wala na talaga? Di ka nagsisisi?

Dolly:

Wala na nga jusko

Actually, parang yung pag-alis ko pa nga sa buhay niya pinakamaayos na desisyon ko

Breechie:

Pano si Gelo?

Sobrang gusto ka ng taong yun, imposibleng hindi ka nakaramdam

Dolly:

Sinusubukan kong kausapin si Gelo kaso iniiwasan niya ako...

I have no idea how to contact him

Deactivated din kasi lahat ng accounts ko

Inigo:

Gelo lost his shit. Ewan ko pero ngayon ko lang siya nakitang magkaganito.

Dolly, kaibigan kita pero kaibigan ko din si Gelo. If you don't want to led him on, bakit mo pa pinaasa?

Diko alam pero ang selfish mo

Norren:

Inigo! Ano ba?!

Iñigo:

Bakit? Totoo naman ah?

Tangina, ang gagong Gelo na yon asang asa naman

Dolly:

I'm sorry...

Iñigo:

Huwag kang mag-sorry sakin, kay Gelo ka manghingi

Dahil ako, Dolly... kasangga mo ko sa lahat, tropa tayo diba?

Dolly:

Iñigo naman eh :(

Akala ko ba ayaw mo ng drama!! shit ka :((

Iñigo:

Syempre bida bida ako

Norren and Breechie reacted "haha" to the message

Dolly:

Pakyu :(

Iñigo:

Pero seryoso, wala akong pakielam kung nandaya ka at kung ano pang katangahang ginawa mo

Kaya ayusin mo buhay mo. Nandito lang kami, hindi naman kami mawawala

It's Alright, Noah (Cagayan State University #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon