Prologue

1.1K 37 0
                                    

Hindi mapakali si Kean habang tumatakbo sa madilim na daan.

Malakas ang bawat kabog ng kanyang dibdib habang kinakapos siya ng kanyang hininga.

Kanina pa siya tumatakbo habang binabagtas ang daan kung saan siya maging ligtas.

Hindi mawala sa kanyang isip ang malademonyong mukha ng lalake habang galit na galit ito na para bang handang pumatay ito ng dahil sa kanya.

Mabuti nalang at nakatakas siya sa mga kamay nito at sa mansyon nito kung saan siya kinukulong nito na para bang isang siyang hayop.

Nakapaa lang ito habang suot ang punit punit nitong damit na kakagawan ni Lucario.

Gulong gulo ang mahabang buhok nito na hanggang balikat.

Bumuhos ang malakas na ulan na para bang nag dadalamhati sa kanya. Nanginginig ang kanyang tuhod dahil sa ginaw.

Hindi parin siya tumigil sa pagtakbo na para bang hindi ito napanghinaan ng mga tuhod.

Kumulog ang malakas na kidlat na galing sa kalangitan kaya napa tili ito dahil sa takot.

Bata palang kasi meron ng phobia sa kidlat si Kean na hanggang ngayon ay dalang dala niya ito sa paglaki.

Napatigil siya sa kanyang pagkatakbo ng may makita siyang kulay itim na kotse na paparating sa parorounan niya.

Familiar ang kotse sa kanya pero isinawalang bahala nalang niya iyon. Ang nasa isip niya ay makaalis na siya sa lugar na ito.

Mabilis niyang kinaway ang kanyang dalawang kamay para humingi ng tulong.

Pumagitna siya sa daan para matigil ang pagtakbo ng kotse. Napapikit siya dahil akala niya babanggain talaga siya nito.

Napapreno ang itim na kotse sa kanyang harapan. Malakas ang bawat kabog ng kanyang puso dahil sa takot.

Mabilis pa sa alas kwatro na pumunta siya sa kotse at kumatok sa windshield ng kotse. "Tulungan mo ko please. " Ang mabilis niyang sabi habang walang tigil ang agos ng luha sa kanyang mga mata.

Napatili naman ito ulit ng kumulog ng malakas. Dahil sa takot ay paulit ulit niyang kinatok ang kotse at humingi ng tulong.

Dahan dahang bumaba ang windshield ng kotse at napatigil siya sa kanyang kinatatayuan.

Para siyang nakakita ng multo habang napasinghap siya ng malaman niya kung sino ang nasa loob.

Nanginginig ang kanyang tuhod dahil sa malademonyo nitong ngiti.

"Akala mo ba matatakasan mo lang ako ng ganon nalang Kean? " Ang malamig nitong sabi sa kanya.

Napaatras naman siya dahil sa takot nito sa kanya.

Bago paman siya makatakbo at makatakas sa demonyo ay mabilis siya nitong nahawakan sa palapulsuhan at kinaladkad siya papasok sa kotse.

"Bitiwan mo kong hayop ka! Bitiwan mo ko!!! " Ang sigaw ni Kean at nag pupumiglas sa hawak ng lalake.

Walang tigil ang pagbuhos ng kanyang luha dahil ayaw na niyang makita ang pagmumukha ng lalake na dati niyang minamahal.

"Maawa ka sakin Lucario pakawalan mo nako." Ang pagmamakaawa niya sa kanya habang tinatalian nito ang dalawa niyang kamay.

Pagkatapos siyang matalian nito ay madilim siya nitong tinitigan sa kanya ng mga mata.

"Akala mo ba ganon na lang kadali na papakawalan kita Kean?! " Ang sigaw nito sa pagmumukha niya. Lumalabas ang litid sa kanyang noo dahil sa galit habang nag tatagisan naman ang kanyang bagang.

"Please pakawalan mo nako, ayoko na sayong hayop ka!! Napakademonyo mo Lucario! Napakademo--" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil malakas siya nitong sinampal.

Hinawakan siya nito sa kanyang bagang habang dumidiin ito na para bang babasagin ang kanyang panga dahil sa sobrang galit.

Nag babaga ang tingin nito sa kanya at nag tatagis ang mga ngipin na para bang handa siyang kainin nito ng buhay.

"Akin kalang Kean.. Akin kalang." Ang wala sa sariling sabi nito sa kanya at binitawan s'ya nito. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil akala niya talaga na babasagin ng demonyong ito ang panga niya.

Mabilis na pumaandar ang kotse pabalik kung saan tumakas siya sa mansyon ng demonyong ito.

Wala siyang magagawa kundi ang umiyak nalang. Wala na talaga sa katinoan si Lucario.

Hindi niya alam kung may konteng pagmamahal pa ba siya sa lalakeng ito na ngayon ay magawa na siyang saktan at pag buhatan ng kamay.


The Devil's Obsession (Mpreg) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant