Kabanata 1

816 28 2
                                    

"KEAN'S POV"

"Ate Kean kailan po ba ako papasok sa school? " Ang saad ng kapatid ko habang dinidiligan namin ang mga bulaklak sa aming bakuran.

Napaisip naman ako kung sana buhay pa ngayon sina mama at papa hindi siguro kami ngayon nag hihirap ng ganito.

Mag isa ko nalang kasi tinataguyod ang aking kapatid na si Rina. 12 years old palang ito at napatigil sa pag aaral.

Kailangan ko na talagang mag hanap ng bagong trabaho kase hindi sapat ang kinikita ko sa restaurant na pinapasukan ko ngayon sa pantustos sa pag aaral ng kapatid ko ngayong pasukan.

"Wag kang mag alala Rina ngayong pasukan kana mag aaral. Mag hahanap muna ng bagong trabaho si ate ha? " Ang saad ko dito at hinihimas ko ang malaman nitong pisnge.

"Baket pa mag hahanap kayo ng trabaho ate diba may trabaho kana po? " Ang tanong naman nito na ikinangiti ko dahil sa kainosentahan ng kapatid ko.

"Hindi pa kasi sapat iyon Rina para sa pantustos sa pag aaral mo. " Ang sagot ko naman dito. Napa tango naman ito at niyakap ako nito ng mahigpit.

"Salamat ate balang araw pag makapag tapos na po ako sa pag aaral at kapag may trabaho na. Bibili po ako ate ng malaking bahay at may swimming pool at malaking kotse na para sa atin ate." Ang maligalig naman nitong sabi na nag papangiti sa akin.

Ginulo ko naman ang buhok nito. "Totoo ba 'yan i baka binubola mo lang ako Rina? " Ang sabi ko naman dito.

Tinaas naman nito ang kaliwang kamay niya na para bang nangangako. "Promise po ate. Ipagbubuti ko po ang pag aaral para maisakatuparan ko po ang pangako ko po ate." Ang bibong saad nito.

"Osya tapusin na natin 'to para makakain na tayo. " Ang saad ko sa kapatid ko.

Ako po pala si Kean de Leon, nasa edad na bente dos anyos.

Bakla po ako at alam 'yan ng pamilya ko bago sila pumanaw at tanggap naman nila ang pagiging bakla ko.

Kaya ate ang tinatawag sa akin ni Rina. Sinasabi ko nga sa kanya na pwede namang kuya nalang pero ang sabi niya ay hindi daw bagay na tawagin niya akong kuya kundi ate daw itatawag niya sa akin.

Hindi ako nakapag tapos ng pag aaral dahil sa walang pantustos. Kaya sinikap ko nalang na ang aking kapatid ang aking pag papatapusin sa pag aaral.

Dahil alam kong mahirap ang walang kaalaman. Kaya mag babanat ako ng buto para lang makapag aral itong kapatid ko.

Wala na kaming pamilya dahil ang ama't ina namin ay pumunaw na dahil sa isang aksidente.

Yes nong una mahirap talaga tanggapin ang pag panaw ng aming mga magulang. Pero dapat talaga kakayanin kase alam ko naman na hindi kami papabayaan ng diyos.

Isa lang itong malaking pag subok at alam kung malulusutan namin ng kapatid ko ito.

Pagkatapos namin madiligan lahat ng aming mga bulaklak ay pumasok na kami sa loob para makapag umagahan.

--

"Ate ang sarap ng ulam natin noh? " Ang saad ni Rina sa akin habang punong puno ng pagkain ang bibig nito.

The Devil's Obsession (Mpreg) Where stories live. Discover now